Part 13

4.5K 127 8
                                    

Maaga akong nagising the next day. Naisipan kong mag jogging sa circle kaya nagbihis agad ako habang lubog pa ang araw.

Bago ako umalis nag text muna ako ng good morning kay Lyra at sinabi kung saan ako pupunta.

Dahil masyado pang maaga, kaya hindi ako nakareceive ng reply nito agad agad.

Nang nasa circle na ako, marami na ang nag ja-jogging dito, di na din naman ako tumunganga at sumabay na sa mga tumatakbo. Nakakailang ikot pa lang ako ng may tumabi sken pag takbo, ng lingunin ko. Si Marco pala!

"Hey!" Sabi nito.

"Oh my gosh! Marco! Long time no see." At niyakap ko ito. Na-miss ko din naman tong lalaking to.

Laglag panga ang mga babaeng dumadaan sa tabi namin sa gwapo ba naman ng kasama ko. Kita ang malalaking muscles nito sa suot niyang stretchable na white sando na tinernuhan naman niya ng grey na jogging pants at air max nike na sapatos, yung latest edition.

Ngayon alam ko na kung bakit di ko nagustuhan ang magandang lalaking nilalang na ito, dahil magandang babaeng nilalang ang hanap ko.

"I missed you so much Alex." Sincere niyang sinabi yun kaya napayakap ulit ako dito.

"Nasaan na sila Kent, Alyssa at Ana?"

"Nasa mga bahay nila. Di ka kasi nagsabing nakauwi ka na. Parang wala ka ng pakielam sa akin ah."

At talagang sa kanya lang ang sinabi niya.

"Hindi naman ganun, kakauwi ko lang din naman kahapon no. Ngayon ko sana kayo balak  tawagan, may gusto din kasi akong ipakilala sa inyo."

"Teka! Hindi boyfriend yan ha?!"

"Nope."

"Good! Mabuti na yung malinaw."

"Hindi boyfriend kasi girlfriend lang ang meron ako."

"What?! Seriously?!!!" Shocked na shocked ang mukha nito na niyuyugyog ang mga balikat ko.

"Aww! Oo nga!"

"What the f---"

"Don't you dare!" Pigil ko sa pagmumura niya.

"Bakit Alex? Di ba ako sapat sayo?" Malungkot naman ang mukha ni Marco ba tumigil sa pag takbo at tumungo.

"No, its not you, its always been me. Babae ang gusto ko Marco, at siya na yun."

=======================================

Pagdating ko sa bahay nag check ako ng phone, wala pa din text si Lyra, maagap pa naman, wala pang 7 am.

"Baka pagod lang siya."

Kumuha ako ng tubig sa fridge. Dumating naman si manang, kasambahay namin.

"Alexa, nandiyan ka na pala. Anong gusto mong breakfast?"

"Mamaya na ako mag be-breakfast manang. Akyat na dn akong kwarto po." Paalam ko dito saka ako umakyat papunta ng kwarto ko.

Nagbihis muna ako bgo humiga sa kama. Tiningnan ko ulit ung phone ko, nag e-expect na mag te-txt na siya. Dahil hindi ako mapakali, nag iwan ulit ako ng message.

Me:

Hi baby! 😘 im home na. Text me when you wake up. I love you ❤️

.......Sent.......

Hindi ko namalayan na sa paghihintay ko ng reply niya, nkatulog na ulit ako.

Medyo tanghali na ako nagising. Phone ko agad ang binuksan ko.

May text na siya!

Lyra:

Good morning baby. Sorry i woke up late.

Knina pa pala tong 2 hrs ago.

Nag textback din agad ako.

Me:

Baby, mamayang hapon pwede ka bang pumunta dito sa bahay? May gusto lang akong ipakilala sayo.

......Sent.......

Tu-tut!!!!

Lyra:

May aasikasuhin pa kse ako.

Ay ang sad, di siya makakapunta.

Me:

Sige baby, pwedeng ako nalang pumunta diyan?

.......Sent.......

Hindi agad siya nag reply, inabot siguro ng 10 mins bgo tumunog ulit phone ko.

Lyra:

Sige.

Yey! Makikita ko ulit siya.

Me: See you later baby! Mwah! 😚

Wala na akong nareceive na txt pero di ko na namalayan kse masyado akong excited pagpunta sa kanya mamaya.

Naligo na din ako at nagbihis. Mabilis akong naglakad palabas.

"Alexa! Di ka ba muna kakain?" Sigaw ni manang.

"Di na po. Sa labas nalang po ako kakain."

Sobrang saya ko, di ko ma-explain. Ganun lang talaga kasaya ang nraramdaman ko na makita ang mahal ko.

Nakasakay na ako ng kotse at pinaharurot ito.

Pag dating ko sa building, hindi na ako dumaan ng lobby, binigyan na niya kse ako ng susi dito before pa.

Pag dating ko sa unit niya. Parang lumakas ung kabog ng dibdib ko.
Hindi ko alam kung kinakabahan ako dhl makikita ko ulit siya o parang may iba sa unit niya.

Ganito kaya talaga to, parang walang laman.

"Lyra. Im here."

Pero walang sumagot, inikot ko ung unit. Wala siya.

Umupo ako sa sofa. Kinuha ung phone ko. Tinawagan ko siya pero biglang pinatay nung nag riring na kaya tumawag ulit ako. Unattended na siya!

Parang may weird dito.

Napasandal siya sa sofa ng may nakita siya sa table na isang white envelope.

Kinuha ko ito at binuksan.

My Alexa,

Forgive me. There are things i need to figure out. I want to be with you, but how can I give you everything if i haven't really got over with my past. Kung tayo talaga, magkikita ulit tayo. Take care of yourself. Sana mapatawad mo ako sa biglaang desisyon ko.


Hindi ko alam kung anong dapat maramdaman, sobrang naghahalo ang nararamdaman ko. Naramdaman ko nalang ang walang tigil na pag tulo ng luha ko. Di ko na napigilan at napahagulhol na ako.

"Anong ginawa ko?!" Tanging nasabi ko at wala na akong ibang nagawa kundi umiyak.

=======================================

Salamat readers. Tuloy lang ng pagbabasa. I'll do my best para makapag UD ulit :))

A Beautiful Mistake (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon