Part 16 - New lovelife?

4.4K 134 0
                                    

Maaga akong nakarating sa starbucks, 1 pm pa lang nandun na ako. Hindi ko alam kung bakit ba nakikipagkita pa ako sa taong yun. Mag te-thank you lang ako at aalis din.

Umorder na muna ako ng isang frappe habang naghihintay.

Nakita ko bigla ang isang pulang motor na nag parada sa labas ng store, tapat na tapat sa harapan kong tumigil ito, though may salamin na nakaharang at may gap naman kahit papano ito sa parking area.

Naka dark blue skinny jeans ito at white sando na may leather jacket at isang pair ng black na vans lang ang suot niya, halatang babae ang sakay dahil may dalawang bundok ito sa harapan na pwede na rin.

Bumaba na ito ng motor at hinubad ang suot na helmet.

..... nang makita ko ang mukha nito, laglag ang panga ko sa magandang diyosa sa paningin ko ngayon. Tinamaan naman ng sikat ng araw ang mahabang buhok nito na golden brown kaya para itong kumikinang sa haba at ganda.

Parang bigla nanaman akong kinabahan. Ano ba yan, babae yun kung makapag react ka daig mo pa ang nakakita ng lalaking gwapo na may six pack abs. Ang ganda niya talaga. Sino kaya siya.

"Hi! Waiting for me?" Sabi ng boses ng babae sa likod ko. Parang familliar.

Dahan-dahan akong lumingon, nagulat ako kaya bigla akong nahirinan sa sarili kong laway, pero agad bumawi para hindi ako magmukhang tanga.

"I'm Hayley."

"So ikaw p-pala yan?" Sagot ko dito.

"Yeah, late ba ako or sadyang maagap ka lang?"

"Im just early."

"Ahh. Bakit parang bigla kang bumait? Kanina lang galit ka saken sa phone eh."

"Narealize ko kasing dapat naman marunong akong tumanaw ng utang na loob." Sabay ngumiti ako ng sarcastic dito.

"Mukha namang hindi sincere."

"Ay ewan." Umirap naman ako sa kanya.

"Hmmm. Sorry na kung naiinis kita. I just want to meet you. Akala ko after kitang tulungan, mas magkakachance akong makilala ka."

Bigla namang lumungkot ang mukha nito. No! You're too beautiful para kagalitan ko, nasa stage lng siguro ako ng denial dahil nagka crush ako sa appearance pa lng niya. Bigla din akong nakonsiyensya dahil ako na nga tong tinulungan e.

"Ah. S-s-sorry. T-thank you nga pala s-sa pag hatid sa akin." Kanda utal ako sa pagsasalita. Medyo nakaramdam na din naman ako ng hiya kaya yumuko din ako ng bahagya.

Nakita ko namang nag liwanag ang mukha niya. Fuck! Ang gandang diyosa nito!

"Akala ko hindi ka na magte-thank you." Sabi pa nito. "So, anong order mo? Treat ko."

"Meron na oh. Kita mo?" Sabay taas ng frappe na order ko knina.

Napakamot naman siya sa ulo. Damn! Too pretty!

Natapos naman ang usapan namin ng maayos, nalaman ko din na mag isa nalang siya, namatay na ang mommy niya sa leukemia samantalang ang daddy niya ay sumunod ng ma-depress ito sa pagkawala ng mommy niya kaya inatake sa puso. 18 years old pa lang siya nun ng mawala sila, solong anak naman siya kaya nag wo-work siya para maitaguyod ang sarili.

Nakakatuwa ang determination niyang makatapos, samantalang noon, wala akong ginawa kundi magbulakbol, hindi na sana ako magbabago kung hindi dahil kay Ly---. Natigil ako sa pag iisip. Hindi ko na dapat siyang iniintindi pa.

Bakit ba lapitin ako ng mga ulila? I'm thankful na meron akong pamilya, at buo kami.

"Huy! Nandito na tayo sa inyo, bitaw ka na jn. Sarap na sarap ka ata sa pag yakap sakin ah." Ngumisi naman ito ng parang nangaasar.

Narealize kong ang higpit pala ng pagkakayakap ko sa kanya, knina pa.

"Ah, sorry." Sabay bitaw ko dito at baba ko ng motor nito. "Salamat sa pag hatid ah. Ingat ka pag uwi."

"No problem beautiful."

Bigla itong yumuko para abutin ako, nabigla ako ng halikan niya ako sa pisngi ko.

"Goodnight kiss."

Hawak ko ang pisngi ko at tulala habang palayo ng palayo ang motor niya. Nanigas na ako sa kinatatayuan ko.

Oh my gosh! Ang puso ko. Napahawak din ako sa puso ko dahil ang lakas ng kabog nito. I haven't felt this for a while.

Hayy... Wag ka ngang assuming, panu kung friendly kiss lang? What makes you think na she's into girls din?

===========================

Sorry, di agad ako nakapag UD, nag exam kse kmi. Thank you for reading guys!

A Beautiful Mistake (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon