Part 19

4.7K 138 2
                                    

"I never wanted to hurt you, kailangan ko lang lumayo, kailangan ko lang ayusin ang lahat bago ako bumalik sayo." Tila naiiyak na din ito. Hindi ko naman naiwasang makaramdam ng sakit sa mga nakikita at nadidinig ko mula sa kanya.

"Babalik? Huh? What made you think na may babalikan ka pa?" Seryoso kong sabi dito. Nakita kong tuluyan ng lumuha ito habang nakayuko, ang hirap niyang tiisin, pero sobra akong nasaktan.

Pakiramdam ko nung mga oras na yun na anytime kaya kong tapusin ang buhay ko. Ang sakit iwan ng taong mahal mo lalo na kung binigay mo ang lahat sa kanya.

"Lex, please...." Patuloy ang pag hagulhol nito. Kinokontrol ko ang sarili ko, pero anytime sasabog na ako. "I love you. Please. Forgive me." Hindi ako tumitingin sa kanya kasi sigurado akong yayakapin ko lang siya kung magkataon.

Para akong mababaliw pagkasabi niyang mahal niya ako, gusto ko siyang lapitan pero natatakot ako, natatakot akong masaktan ulit, hindi ko na kaya.

"Sana hindi ka na bumalik." Wala sa sarili kong nasabi. Nakita ko namang nabigla siya, ganun din ako sa sinabi ko, hindi ko na mababawi pa. Siguro dahil nahihirapan akong magdesisyon ngayon kaya nasabi ko yun.

Tumingin siya sa akin na parang nagtatanong.

"Wala na tayong dapat pag usapan dahil wala na din tayong dapat ayusin. So leave me alone."

Tumulo nanaman ang luha niya habang nakatingin sa akin, nakita ko ang paghugot niya ng malalim na paghinga. Tumalikod na siya at umalis. Nang mawala na siya, dun na bumuhos lahat ng emosyon ko, parang wala ng makakapagpatahan sa akin ng mga oras na yun.

Sumakay na ako pabalik ng kotse ko, napansin ko ang isang puting rosas sa ibabaw ng sasakyan ko. Nahulog ko ito kanina, ibinalik niya sa akin.

"Lyra....." Nasabi ko sa sarili ko.

Tama ba ang ginawa ko? Wala na ba talagang pag asang mapatawad ko siya? Hindi ko ba ito pagsisisihan? Sa sobrang confuse ko, pinaharurot ko ang kotse ko pauwi, binitbit ko lahat ng beer in can sa ref, nag inom ako mag isa sa kwarto ko, nagpakalunod sa alak, ng hindi ko na kaya, nakatulog na ako.

Umaga na ng magising ako.

"Maam Lex. May naghahanap po sa inyo.

"Hmmmm. Sino ba yan? Ang sakit ng ulo ko."

"Nagpupumilit po kseng kausapin kayo, emergency daw po kay Lyra."

Nang marinig ko ang pangalan niya, napatayo ako.

Gusto ko siyang yakapin ngayon, wala na akong pakielam kung ano man nangyari noon, i want to see her so badly.

Patakbo akong bumaba papuntang sala, nabigla ako ng makita kong hindi si Lyra. Pero mukhang familliar siya.

"Alex?" Sabi ng magandang babae na siguro ay edad 25 to 27.

"Yes. What do you need?"

"About kay Lyra."

Bumilis ang tibok ng puso ko. Para akong kinabahan.

"What about her?" May pagaalala sa tono ko.

"Naaksidente siya, nasa hospital siya ngayon at nag aagaw buhay. Alex, please... Puntahan mo siya."

Hindi na ako nagtanong pa, nag paalam muna akong mag aayos ng sarili bago sumama na din sa kanya sa hospital.

Nang makarating na kami sa hospital, pumasok na kami sa kwarto niya. Ang daming tubo na nakakabit sa kanya. Nakakaawa siyang tingnan ngayon. Hindi ko mapigilan maiyak.

"Lyra, I'm sorry." Tuloy pa din ako sa pag iyak.

Hinahaplos naman ng babae ang likod ko.

Humarap ako sa babae. "Who are you?"

"Sorry hindi ako nakapagpakilala. My name is Erin, kapatid ko si Erica."

"Erica? Yung namatay na girlfriend ni Lyra?"

"Yes. And ako din yung reason kung bakit umalis si Lyra."

"What do you mean?"

Pinaupo niya muna ako at nagsimulang mag kwento.

"Nung araw na nanggaling si Lyra sa bahay niyo, nagtext ako sa kanya, sinabi kong nasa Pilipinas na ulit ako. Umalis kasi kami ng parents ko after ng aksidente na ikinawala ni Erica. Kinuwento ka niya sa akin, sinabi niya ding naguguluhan siya, parang ang unfair daw na naiisip pa din niya si Erica habang ikaw ang kasama. Sinabihan ko siyang kailangan niyang ayusin ang sarili niya bago siya pumasok ulit sa isang relationship. All this time, kung saan-saan kami napunta, lahat ng pinuntahan nila ni Erica, lahat ng ginawa nila, binalikan niya lahat 'yon. Dahil nawala ng maaga si Erica at hindi inaasahan ang pagkamatay niya, nawalan sila ng chance para sa isang closure, kaya nahirapan na bumitaw si Lyra. One day kinausap niya ako, sinabi niyang alam na niya ang nararamdaman niya, na ikaw na ang babae sa buhay niya ngayon, nakapag let go na siya sa nakaraan. Ikaw na ang laging nasa utak niya nung malayo siya sayo. Pero nung bumalik siya, expected na niyang galit ka, pero hindi sa point na hanggang sa suyuin ka niya ay aayawan mo pa din siya, yun na yung huli kong pagkakausap sa kanya dahil nung araw na nagkita kayo siya naaksidente."

Speechless ako, hindi ko alam ang sasabihin, bakit ba naging bato ako sa kanya? Nagmahal lang din siya. Kung hindi niya ginawa yun baka habang buhay akong nakikihati kay Erica kahit wala na ito.

"Mahal ka niya Lex, sana mapatawad mo na siya. Bigyan mo siya ng dahilan para gumising. Napamahal na din sa akin si Lyra, kaya sobrang nag aalala ako sa kanya, hindi ko siya laging mababantayan, kailangan niya ng taong mag mamahal at magpapahalaga sa kanya. Please Alex."

Tumango lang ako at humarap na ulit kay Lyra. Hinalikan ko ang kamay ni Lyra.

===========================

Ilang linggo na ang nakalipas, di pa din siya gumigising, miss na miss ko na siya.

Tinitigan ko lang siya, pero yung nararamdaman ko ay sobrang pagmamahal. I am so blessed to have her. She's everything to me now.

Naka support naman ang parents ko saken. Samantalang si Hayley naman, nakagabay pa din, alam na niya lahat, sinabi ko na at naintindihan naman niya yun. Sayang daw dahil gusto na niya ako, pero tinanggap niya ng maluwag na may mahal ako, at ngayon hinihintay kong gumising siya.

===========================

Girls! Kamusta na kayo? Haha. Ayos lang kung matatapos na to? :)

May bago akong sisimulan eh, di ko naman kayang sabay sabay, nalilito din ako sa story. xD Ayoko na ding masyadong padramahin. Haha.

Anyways. Thank you ulit sa pagbabasa. ;*

========================

A Beautiful Mistake (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon