Part 12

4.8K 140 2
                                    

=======================================

The rest of the days, we have spent it together... those were the happiest moments of my life and so as to hers. Tapos na din ang finals kaya vacation time na.

Buti nalang taga-Makati lang din siya tulad ko kaya magkakasma pa din kami.

But now we have to face the world, my friends.... and my parents.

Paano ko sasabihin sa kanila na may girlfriend ako? Baka hindi nila matanggap at ipatapon nanaman ako kung saan, wala na sakin kung anong gawin nila, pero ayokong ilalayo nila ako kay Lyra.

Tinanong na din ako ni Lyra kung ano ng mangyayari sa amin pag umuwi ako. Syempre sinabi kong she has nothing to worry about dahil lahat gagawin ko para magkasama lang kami, even if it is against everybody.

========================================

"Mommy! Daddy!"

Sinalubong ko sila pareho ng mahigpit na yakap kahit naging against sa akin ang pag pasok sa school na ito, kung hindi naman nangyari yun hindi ko makikilala ang babaeng pinakamamahal ko ngayon.

Yumakap din naman sila at humalik sa pisngi ko si mommy.

"Naging mabait ka ba dito Alexa?" tanong sa akin ni daddy na medyo bumalik ang seryoso nitong mukha.

"Yes dad."

"Well, good. Let's go."

"Uhm. Wait lang dad."

"Why?"

"This is Lyra." Pakilala ko sa kanya na kalalabas lng ng campus.

"My.... My girlfriend."

Wala akong narinig mula sa kanila. Nakatingin lang sila sa akin. Nakita ko nalang na tumingin si dad kay mommy at tumango.

"Hello hija. Welcome to the family." Nakangiting bati ni daddy.

Oh my gosh! Tanggap nila. "You're not mad dad?!"

"I'm not mad hija. I have nothing against it, tsaka noon pa lang, naisip na namin na baka nga babae ang gusto mo kasi wala pa akong nakitang lalaki na dinala mo sa bahay kahit alam mong legal ka naman mag boyfriend."

"The best kayo dad. Promise ko hindi na ako magiging pasaway." Niyakap ko si daddy ng mahigpit, lumapit din ako kay mommy at niyakap ito ng mahigpit.

"You know we love you anak." Ngumiti sila. "Need a ride hija?" Tanong ni dad kay Lyra.

"Yes dad, sasabay siya sten."

Tinapik ako ni Lyra at umiling. "Nakakahiya naman po, kaya ko naman po umuwi."

"Alone? No hija, i insist. Ihahatid ka na namin."

Wala na din namang nagawa si Lyra kaya sumabay na siya sa amin.

Magka hawak kamay kami ni Lyra sa backseat. We're both so happy. Natanggap agad nila mommy at daddy ang relationship namin. Everything is perfect, wala na akong mahihiling pa ng mga oras na yun.

Sa bahay muna dumiretso si Lyra para makapag dinner kami kasama ni mom and dad. Pumayag nman agad sila. Si mommy din ang nag prepare ng dish namin for tonight.

"So hija, when can we meet your parents?" Tanong ni dad.

Hindi agad nkapagsalita si Lyra at ako naman nabigla sa tanong ni dad. Ako na sana ang sasagot para kay Lyra pero sumagot na din ito.

"I lost them po in a car accident 2 years ago." Nakatungo na ngayon si Lyra.

"Oh, we are sorry to hear that. We didn't mean to hurt you."

"Okay lang po. Ayos na din nman po ako. I'm living alone and got used to it."

Nakita ko nman ang mukha ng parents ko na nakaramdam ng awa para sa mahal ko.

"You don't have to live alone now hija. Our house is open at pwede mo na din kaming itratong parang mga magulang. Dahil mahal mo ang anak namin, mahal ka na din namin."

"Thank you po. And i am very happy to know na willing kayong maging part ako ng family niyo." Nakangiti si Lyra habang sinasabi iyon.

That was the happiest day of my life so far. I can't wish for more.

After dinner nagpasya na ding umuwi si Lyra kahit sinabihan ko na siyang mag stay for tonight. Ayaw nman dw niyang i-take for granted ang kabaitan ng parents ko.

Tumigil kami sa tapat ng condo niya.

"Thank you baby sa pag hatid." Then she kissed me on my cheek.

I kissed her back on her lips pero medyo napaatras siya at tumingin sa paligid.

"Is there something wrong baby?"

"Wala. I'm just feeling a little bit sleepy. Ingat ka pag uwi ha." Ngumiti siya at saka lumabas ng kotse.

Nakakapagtaka ang kinilos niya pero hindi ko na din masyadong pinansin, baka nga pagod lang ito.

=======================================

Feel free to write your comments.

A Beautiful Mistake (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon