CHAPTER 17 : Accident

440 8 4
                                    

CHAPTER 17 : Accident

 Waaah Crying Haiven T^T -->

(L I A M)

Ngayon ko lang nakitang umiyak si president. Nung kay Angela kasi pinanghawakan nya yung pangakong babalik yun. Kaya di sya umiyak kahit nung umalis. Kahit alam nameng miss na miss na nya to. Pero kay Rashea .. Ngayon lang namen nakitang umiyak si president.

Pero pinipilit nya magiging matatag . Alam ko na nung nagyaya sya nang racing kasi madameng luhang gustong pumatak pero ayaw nyang ipakita samen. Pumayag nalang kame kasi alam ko yung pakiramdam na ayaw mong maging mahina sa harap nang mga barkada mo.

Sumakay na kame nang motor.. Nagsimula na nameng paandarin. Walang nananalo kay Dream sa bilis magpatakbo pero ngayon si president ang nangunguna.. Masyadong mabilis ang pagpapatakbo nya.. Kinukutuban na kame sa pwedeng mangyare..

“ Presidddddeeeennnt!!! Waag ganyan kabiliiis!!! “ Sigaw ni Dream na pinipilit habulin si president. Hindi para mauna sya kundi para pigilan sa sobrang bilis at kausapin.. Nagtinginan kame ni Khizel . Minadali na den namen pero ..

“ Presiddeeeeeennnnnnnnttt! “ Sigaw ni Dream. Bumaba sya nang motor.. Pinahinto din namen ni Khizel at bumaba kame.. Madameng dugo ..

“ Ambulansya. Tumawag kayong ambulansya!!! Biliiiissss!!! “ Sigaw ni Dream samen.. Natulala ako. Di ako makagalaw.. Nagkakalas kalas ang motor ni Haiven. Masyadong malakas ang impact..  

Nakita ko si Khizel na tumatawag.

“ He-hello.. Emergency.. St.Anthony Hills . Opo. Pakibilis lang po.. “ Khizel.

Di nagtagal ang paghihintay namen dumating ang ambulansya.. Mabilis nilang nilagay sa stretcher si president at sinakay .. Habang nasa ambulansya kame .. Di pa den ako makapagsalita. Ni isang salita walang lumalabas sa bibig ko..

“ Liam.. Tawagan mo ang mama nya..May number ka di ba? “ Dream

Tumango lang ako at nilabas ang cellphone ko..  Nanginginig din ang kamay ko na puno din nang dugo..

“ he-he-llo . ti-tita. Si Haiven po.. *huk* “ Di ko na talagang kaya magsalita.. Garalgal na ang boses ko at hindi ko masabe ang nangyare kay Haiven. Nagiisang anak lang sya kaya malamang atakihin sa puso ang nanay nya pag nalaman..

“ Hello!!! Anung nang-nangyare sa anak kooo?! “ Tanung nang kabilang linya..

Fcking Boss.. Haiven Nathan Young-KoronawaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon