CHAPTER 23 : Smileee~

457 8 5
                                    

CHAPTER 23 : Smileee~

( H A I V E N )

Mas mabilis pa sa alas kwatro bumaba ako para kausapin si mommy. Di na ako makakpaghintay nang flight sa airport.. 

" Mommy.. " Tawag ko sa nanay ko

" Yes baby? " Ang sweet nya di ba? 

" Ah. Favor.. " Tipid na sabe ko. 

" Ano yun? " Ngumiti sya. Ngitian ko nga para di ako matanggihan , Pogi ko kaya.

" Pwede bang gamitin ang private plane naten? " Lumaki ang mata nya.. Ang singkit nyang mata. Feeler mom ko. Singkit pa den kahit lakihan nya. Butas nang ilong nya lumalaki xD

" Para san? " Tanung nya

" Si Rashea.. Gusto ko sya ibalik dito.." Tumango si mommy at may tinawagan.. Gara! Inuna pa ibang tao.

" Selos ka agad .. Sige na yung piloto yun. Pumunta ka na nang airport. Inaantay ka na nang private plane naten dun. Alangan dito maglanding . E di nasira ang bahay ko at mansyon naten xD " Minsan walang sense kausap nanay ko -_-  

Tumakbo na ako palabas .. Nagpahatid ako sa driver para maiuwi nya din ang kotse. Nagulat ako nang pagbaba ko asa loob din pala nang kotse si Alie diko napansin.. 

" OPPPAAAAAAAAAAAAAAA!!!! *O* " Nagniningning pa ang mata nya..

" ANUNG GINAGAWA MO DITO?!!! " Sigaw ko. Nagpout pa sya.. 

 " Baket marunong kaba magkorean ha? ha?!!!  Bahala ka dyan. Papatayin ka na sa Korea di mo pa alam. Ikaw din.. Bbye!! " Papasok na sya ulet nang kotse nang hatakin ko sya

" Ona!! Sumama ka na -_- " Kahit ayaw ko kasi mangaasar lang sya .. 

" Yeeeeyy! Apppaaaaaaaa!!!! *O* " gusto lang pala makita ang daddy Jiyong nya.. 

Pumasok na kame sa loob at nagdirestso kung nasan ang private plane namen. Walalng ticket ticket. Passport lang. Pogi ko kaya ang dameng nakatingin.. Nako! Bawal yan mga girls. Susunduin ko ang babe ko eh..  Di ko sila pinansin. Sana kung si Rashea sila eh -_- 

halos tatlong oras din ako sa plane .. Pagkarating namen ang dameng nagkkorean.. MALAMANG ASA KOREA AKO -_- 

" Annyeong haseyo! " Bati ni Alie sa nakasalubong namen. Ano daw? Anu yun? Oo na kahit basic wala akong alam. Taga Pilipinas ako. Dun ako pinanganak. Dun ako lumaki at dun ko nakita yung babaeng gusto ko kaya ibabalik ko syang Pilipinas. Mamaya maligawan pa nang koreano yun !!! Mukha pa namang Kpop yung babaeng yun tss -_- 

" Tara na Alie!! " Ang bagal kasi nya maglakad may nakita ata daw syang gwapo na koreano. Hay ewan. Papuntahin ko si Dream dito eh. Tingnan naten kung di ka matameme.. 

" Oo na ! Oo na!!! Kj neto. Finefeel ko lang ang Korea eh -_- "  Nagpout pa sya.. Hinila ko nalang sya.. May sumundo samen. Kaibigan daw ata to nang daddy ni Alie. Since 1st time ko sa Korea at wala akong kaalam alam sa lugar na to. Di katulad nang mga pinsan ko na nakakapunta dito every Summer . Eh sa nakakatamad bumiyahe. 

Nasa sasakyan kame. Naguusap si Alie at yung nagddrive nang kotse. Diko sila maintindihan -_-Tumatawa pa si alie. Mamaya ako na pinaguusapan nang mga to.. 

Kinalabit ko si Alie.. " Pst! Punta na tayo kay Rashea. Sabihin mo yung address " Sabe ko sakanya. Tumawa sya .. 

" HAHAHAHAH! Adik lang oppa? Alam mo ba kung anung oras na ha? 10 pm na !!! " Kahit di sya sumisigaw malakas ang boses nya. Pinakaen kasi to dati nang mic ni tita Chelle.. 

" Wala akong pakialam! May pasok na bukas " Sabe ko

" Uso Absent.. " Kahit anung pilit ko di ako mananalo dito.. Tumahimik nalang ako. Nagmamadali pa ako .. Di ko din naman pala sya makikita. Nakipagusap na ulet si Alie sa kaibigan nang daddy nya.. Eh di sya na koreana. 

Fcking Boss.. Haiven Nathan Young-KoronawaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon