CHAPTER 19 : Pain

462 9 3
                                    

CHAPTER 19 : Pain

NP : Missing me by RJ Helton

( R A S H E A )

Pagkaaalis ko sa ospital na yun. Di na muna ako nagpakita sa kahit sino sa kanila. Pero tinatawagan ako ni mommy paminsan minsan. Nung gabeng yun nakalabas na den si Haiven pagkatapos sya itest sabe ni mommy.. Sa Monday pwede na sya bumalik sa schl.

 Nung wala pa si Haiven sa buhay ko.. Maayos naman eh. Masaya naman akong si lola lang ang kasama.Masaya na den akong makita lang ang mga crush ko na barkada ni kuya Rolf.. Pati si Lorenz. Speaking of kuya Rolf. Dadalawin ko na lang sya para di ako malungkot.

 Umalis na ako. Maglalakad na lang ako para din madaanan ko ang bahay nila Haiven. Masokista talaga ako. Ang hilig kong saktan ang sarili ko. Naglalakad ako sa park papunta sa subdivision nila Haiven. Kabilang subdivision kasi dun na si kuya.. Kinabisado ko na mamaya maligaw na naman ako katulad dati.. Bawat lugar sa subd na to. Naaalala ko si Haiven

Pero maling sa park ako dumaan kasi nakita ko si Haiven.. Nakangiti sya..

 Kasama si Angela.. Masaya sila. Imbis na umalis nalang agad ako sa lugar na yun . mas pinili kong sundan sya. Mas pinili kong saktan ang sarili ko. Anong magagawa ko kung ang tanging kasiyahan ko ay ang umiyak din . Ang gulo ba? xD Kasing gulo nang nangyayare sa buhay ko ngayon..

 Kahit na alam kong iiyak ako. Pinanuod ko pa ren sila. Si Haiven tumatawa nang sobra. Kahit kailan di sya tumawa nang ganyan nung kasama nya ako. May hawak din syang icecream . Malaking icecream. Hati sila ni Angela. Di din ginagawa ni Haiven yan. Ayaw nyang may kahati sa lahat nang bagay.. At saka nung niyaya ko sya kumaen nang ice cream ang sabe nya ayaw nya magkadiabetes. Pero kasama si Angela kumaen sya.. Naglalaro din sila sa playground. Minsang inaya ko siya. Ayaw nya. Pambata daw. Pero ngayon andito sya sa playground..

Umupo sila sa damuhan. Hinahawakan ni Angela ang buhok nya. Katulad nang palaging ginagawa ni Haiven saken. Mahilig din si Haiven na hawakan ang buhok ko dati. Pero mas gusto nya palang ang buhok nya ang hinahawakan. Inipitan sya ni Angela. Pero tinanggal ni Haiven at tumawa sila. Di ko man naririnig ang pinaguusapan nila. Ang alam ko masaya si haiven. Masaya sya..

Naglakad sila. Palabas na sila nang park pero nakasunod pa den ako.

“ Rasheaaaa!!! “Sigaw ni Alie. Napatingin si Angela at Haiven. Tumalikod ako at humarap kay Alie. Mabilis kong pinunasan yung mga pumatak na luha. Nakita ko pang tinakpan ni Nat ang bibig ni Alie pero huli na..

“ Ang ingay mo talaga kahit kailan!!!!!! -_- “ Nat

“ Oy Alie. Andito din kayo? “ Tapos lumapit si Haiven samen kasama si Angela..

“ Oo kuya ^_^ Si Nathalie kasi may sstalk daw ^o^ “ Bigla syang binatukan ni Nathalie.

“ Sino? Woaaa! Babae ka na Nathalie? O_O hahahahaha” Tumawa si Haiven.. Namiss ko ang boses nya pati ang tawa nya. Nakagat ko yung labi ko. Pinipigil ko pumatak ang luha ko.. Pero pumatak na sya..  Tuloy tuloy na.

“ Miss , Okay ka lang? bat umiiyak ka?  Si Rashea ka diba? Kapatid daw kita dapat.  “ Tanung ni Haiven .

Oo. Kapatid mo ko dapat pero minahal kita. Kaya di na kita naging kapatid.. Ako nga si Rashea. Ako nga Haiven. Sabihin mo ulet yung pangalan ko, Sabihin mo ulet .. Gustong gusto ko sabihin mo yan.

“ Oo sya nga Nathan. Umiiyak sya kasi di sya sinipot nang date nya. Sige mauna na kame” At hinila na ako ni Nathalie paalis. Nagpunta kame sa mansyon

 ~

“ Goodafternoon po tita Marie.” Bati ko

“Goodafternoon hija.. Tuloy kayo “ kiniss din ni Nat ang mommy nya saka umakyat kame sa kwarto nya. Maganda ang kwarto ni Nathalie. Puro picture nang sports.. At may baseball bat sya na may pirma pati bola nang basketball at volleyball. May mahaba din syang espada. Samurai ata. Basta punong puno. Ang pinakaumagaw sa atensyon ko ay ang bow and arrow.

Fcking Boss.. Haiven Nathan Young-KoronawaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon