CHAPTER 21 : Regret
NP : Seperated by Usher -->
( H A I V E N )
Namiss nyo POV ko? Pogi ko talaga. Nagalarm ako nang 5 am pero 10 am na ako nagising. Shet!!! Sinuot ko ang damit ko at tumakbo na ako pababa. Nakita ko si Nathalie at mommy kakababa lang nang kotse. Sinalubong sila nila Alie
" Oy Haivenn!! San ka pupunta? " Tanung ni Nat
" Si Rashea? Asan na sya? " Tanung ko.
" Paano mo naman naalala si Rashea? Di ba may Alzheimer's disease ka? " Nakataas kilay na tanung ni Nat.
"Amnesia Nat -_- Ginawa mong matanda si haiven " Crux
" O kung anu pa yun? -_- Baket concern ka ha? " Nat
" Oo naaa! Wala akong amnesia!!! Can you pls. Just tell me!!!! " Nasigaw ko na yun. Bigla akong sinampal ni Nathalie. Sumunod si Alie. Magkabilang pisngi.. Pumasok sila sa mansyon . Naiwan si Panny , Crux at Andi na nakatitig saken
" Whaaat? Sampal na.. !!! " Sigaw ko.
" Di kita sasampalin oppa. Kasi tatadyakan kita!!!" Bigla akong tinadyakan ni Panny . Duet pa sila ni Andi. Araaaayy!!! Ang kaligayahan ko .. Shet!! Ang saket.. Napaluhod ako .. Pumasok na sila. Umiling lang si Crux at pumasok na den.. Tinayo ako ni mommy.
" Saket nang karma no? " Nakangiti si mommy. Habang sinasabe yan. Pati ba naman si mommy >_____<
Tumalikod na ako at sumakay sa kotse. Kelangan ko abutan si Rashea.. Dahil may pilay pa ako si Manong ang nagdrive.
" Bilissss naman!!!! " Sigaw ko.
" Sandali sir ha? Nakastop ang traffic light di ba?? " Pilosopo to ah -_- Di na lang ako nagsalita at tinawagan ko si Rashea.. Pero out of coverage area na sya..
Nahawakan ko na ang ulo ko.. Naalala ko lahat nang ginawa ko. Ang tanga ko kasi. Oo na balak ko lang talaga sila lokohin na may amnesia ako paggising ko. Gusto ko lokohin si Rashea. Titingnan ko lang kung magseselos sya. Pero lumabas agad sya nang room ko sa ospital .. Gusto ko habulin kaso naisip ko baka madoble ang pilay ko dahil andun sila Nathalie. Kaya tinuloy ko ang pagpapanggap.. -_-
Namimiss ko si Rashea. 2 days syang di nagpunta sa bahay. Lageng si Angela.Gustong gusto ko na umamin kaso baka magalit sila . Nabobored na ako kasama si Angela. Pupunta dapat ako kela Rashea pero nakita ko si Angela sa park kasama nya yung kuya Rolf ata ni Rashea. Narinig ko silang naguusap.. Kaya nakichismis muna ako. oo na chismoso ako nagmana ako kay tita Chelle .
Narinig kong ex ni Rolf si Angela. At narinig ko ding may cancer si Angela.. Stage 3. Nabigla ako. Pagkaalis ni Rolf nakita kong umiyak si Angela. Lumapit ako. Tinanung ko kung baket sya umiiyak. Akala ko sasabihin nya pero di nya pa den sinabe. Kaya ginawa ko lahat para tumawa si Angela. Minsan ko din naman minahal to eh. Pero napansin kong nanunuod si Rashea
Pinakaen ko sya nang ice cream. Pinatikim nya pero isang tikim lang. Di talaga ako mahilig sa matamis eh... gusto nya mag slide kaya nagpunta kameng playground. Tumingin ulet ako sakanya.. umiiyak sya. Gusto ko na sya lapitan at punasan ang luha nya .. Aalis na sana ako nang yakapin ako ni Angela. mas pinili ko nalang si Angela. Niyaya ko na sya umalis kasi diko na kayang makitang umiiyak si Rashea.. Aalis na kame pero pahamak si Alie. Napatingin ako pagtawag nya kay Rashea.
Yung pangalan ni Rashea .. Ang pangalan na lage akong napapatingin pag naririnig ko.. Pinilit kong tumawa nun pero umiyak sya. Gusto ko syang yakapin pero hindi pwede. Buti nalang nandyan si Nathalie at hinila sya paalis ..
Nung nasa mansyon. Akala ko uuwi na sya. Nalungkot ako. Namiss ko kasi sya Gusto ko pa syang magstay buti nalang andyan si tita Khate.. Nung nasipa ni Nat ang paa ko. Gusto ko sya ang magtanung at tumingin saken.. Pero andyan si Angela. timing na naman si Panny.. Kakaen na daw..
Pagupo ko. Akala ko sa tabe ko uupo si Rashea dahil eto ang pwesto nya. Pero si Angela ang umupo .. Nung kumakaen sinaway ko si Nat. Di kumakaen si Angela nang nilagay ko dahil nga pala sa saket nya.. Tumakbo sya kaya hinabol ko.. Nagulat ako nang may nabasag nung hinihipan ko yung mata ni Angela. Pagtingin ko si Rashea. Tumakbo sya paalis. Hinabol ko sya.. Sinundan ko pero nakita ko sila ni Xander. Nakangiti sya.. Umuwi na lang ako..
At nung intrams. Halos gumuho yung mundo ko nung sinabe nyang aalis na sya. Muntikan ako mabuko. Gusto kong aminin sakanya.. Nang kame lang pero langya ! Di ako nagising.. 10 am ang flight nya narinig ko kay mommy. 10:15 na
Nagbabakasakali akong delayed..
" Andito na po tayo " Bumaba ako nang kotse. Tumakbo ako papasok..
Pumunta agad ako sa loob. Hinarang pa ako..
" Gusto mong ipasisante kita?? !!! " Sinigawan ko. Iniwan ko ang id ko. Hinayaan nya ako..
" Miss nakaalis na po ba yung flight papuntang Korea? " Hinihingal na tanung ko.
" Opo sir.. " Di pa ako nakontento. Pumasok ako saloob pero pagpasok ko..Wala na. Wala nang tao na nakaupo.. Kahit isa.. Wala na talaga nakaalis na sya =(
Napaupo ako. Nasabunutan ko ang buhok ko. Aray. Ang laki kong tanga.Ang tanga tanga kooo!!!!!
![](https://img.wattpad.com/cover/3384310-288-k354333.jpg)
BINABASA MO ANG
Fcking Boss.. Haiven Nathan Young-Koronawa
HumorHaiven Koronawa.. He'll do anything to make his adopted sister fall inlove with him He wont let Rashea to be part of his family. Will Rashea fall for him?