CHAPTER 26 : Rolf Angelo Martinez (RAM)

369 7 1
                                    

CHAPTER 26 : ROLF ANGELO MARTINEZ (RAM)

( R A S H E A )

Umuwi na ako nang bahay namen. Magpapaalam ako kay kuya na babalik na ako sa Philippines kasama si Haiven. Papayag naman siguro si Kuya Rolf .. ^_______^

Pagkauwi ko mugto ang mata ni kuya . Tahimik lahat nang kaibigan nya. 

"Anong meron? " Tanung ko. Walang sumasagot. 

" Wala . " Sagot ni kuya. Tapos ngumiti sya. Nakontento ako sa sagot nya. Pumasok na sya nang room nya. Sumunod ako.

" Kuya kong pogi ^_______^v Uuwi na ako nang Pilipinas. Kasama si Haiven.,. Sinundo na nya ako dito sa Korea. Bbye . Iloveyou oppa. Mamimiss kita  " Sabe ko . Pero biglang nagiba ang aura ni kuya Rolf. Naningkit lalo ang mga mata nya . Pero parang dumilim ang aura nya. 

" HINDI KA AALIS RASHEA!!! NARINIG MOKO?!!! DI KA AALIS!!!! "Sigaw ni Kuya .. 

" Ba-baket? " Nabibiglang tanung ko. Di pa ako nasisigawan ni kuya sa buong buhay ko.

" WAG MO NANG ALAMIN!!! BASTA DI KA SASAMA SAKANYA!!! AT MAKIPAGHIWALAY KA NA REN!!! DI KA NA PWEDE MAKIPAGKITA SAKANYA KAHIT KAILAN!!" Tapos lumabas sya nang kwarto nya. Naiwan akong tulala. Okay na kame ni Haiven,. Okay na lahat tapos si kuya Rolf pipigilan ako nang walang dahilan? 

Mahal ko si kuya pero mahal na mahal ko si Haiven. Higit sa buhay ko. Di ko na kayang mawala pa sya saken.. Nakapagdesisyon na ako. Iiwan ko lahat para sa kanya. Di ko kakayanin. Iniisip ko palang nasasaktan na ako. Ngayon pang ayos na kame. Ayoko na ulet umiyak. Baka ikamatay ko na ang pagiyak pag nawala si Haiven saken.

Lumabas ako nang kwarto ni kuya Rolf. Pumunta ako sa kwarto ko at nagsimulang iimpake ulet ang mga damit ko. Walang makakapigil saken. Sasama ako sakanila pabalik nang Philippines.

Naligo ako . Saktong pagkatapos ko maligo nagtext si haiven saken.. 

From : Spark Haiven

Alis na tayo. Dito ko sa labas nyo. Wag ka na magpaganda . 

Napangiti ako. Wala akong balak hindi ituloy ang pagalis. Binitbit ko na ang maleta ko at lumabas nang kwarto. Lahat sila nakatingin saken. Ang sama nang tingin ni Kuya Rolf. Parang mamamatay ako anu mang oras... 

Pero ngumiti ako. Kailangan ko nang umalis andyan na si Spark ko. 

" Aalis na ako. Uuwi na ako ng Philippines. Okay na ren naman .. Tapos na ren ang favor mo saken kuya . Magiingat kayo. I love you allll!!! " Tapos ngumiti ako. Pero hindi nawala ang galit ni kuya. Tumayo sya . Iiwas na sana ako pero bigla nalang nya ako sinampal. Nagulat ako.

" PUMASOK KA ! DI KA SABE AALIS. " Sigaw nya na parang walang makakabali sa gusto nyang mangyare. 

" Hindi!!! Aalis ako! Andyan na si Haiven sa labas. A-alis a-ako " Natakot ako dahil di ko pa natatapos ang sasabihin ko sakanya lumabas na si kuya. Sumunod agad ang mga kaibigan nya . Sumunod ren ako dahil biglang lumakas ang kaba sa dibdib ko..

Naabutan ko nalang na sinapak ni kuya si Haiven. 

" Kuyaaaaaaaaaaa!!! Tama na !! " Sigaw ko. Maluha luha na ako.. 

( H A I V E N )

Masaya ako dahil uuwi na kame ni Rashea. Ayos na kame. Kanina pa ako andito sa labas nang bahay nila Rolf pero di pa sya lumalabas. May lumabas. 

Napangiti ako dahil akala ko si Rashea na pero si Rolf pala. Magsasalita palang ako nang suntukin nya ako. 

" Layuan mo na si Rashea!!! " Pagkasabe nya nun . Suntok ulet . Suntok pa . Suntok ulet hanggang sa may sumigaw.

" Kuyaaaaaaaaaaa!!! Tama na !! "  Si Rashea . napahinto ang kuya nya. Tumingin ako sakanya. Pinunasan ko yung dugo sa labi ko. Umiiyak na sya. Shet !

" Ra-rashea! " Sabe ko . Tatayo pa sana ako pero humarang na yung kuya nya.

" Wag mo syang lalapitan.. Umalis ka na bago pa kita mapatay . Bumalik ka na nang Pilipinas. Kailangan ka nya.  "Sabe ng kuya nya at hinila na papasok si Rashea. 

" Haiven!! Haiveeeennnn!! " Sigaw pa ren ni Rashea.. 

" Rashea... " Hahatakin ko pa sana sya pero lumapet ulet ang kuya nya nang makapasok na si Rashea

" Nasa ospital sya. Nasa ospital si Angela. Nagaagaw buhay sya..  Nagmamakaawa ako .. Kailangan ka nya. Mahal na mahal ka nya.. Mahal na mahal ka nang taong mahal ko.. " At saka sya lumuhod at umiyak.. 

Mahal ko si Rashea. Mahal na mahal ko ang kapatid nya.. Pero nagaagaw buhay ang babaeng minsan kong minahal.. 

--------------------------------------------------------

Hi! Hello!!!! Tapos na pala ang Hellgirl ngayon ko lang nalaman haha. Kinilig ako kay Nathalie at Sec.Liam .. Kaya nagupdate na ako.

Everyweek lang ang update neto. 4th yr na ako. Bawal na papetiks petiks sa school ^_^

Sorry sa 4 months na nagantay ng next update. Buti naalala ko pa ang plot neto. Okay.. 

BTW Thanks sa OP ni Rashea last 3 months nya pa ginawa yan haha. Tas ngayon lang update. Sareeeehh!! Keep on reading ^_______________^v

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 17, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fcking Boss.. Haiven Nathan Young-KoronawaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon