medyo tanggap na kita as tutor ni john, mukhang karapat-dapat ka naman pala
Benjamin:
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Ianne:
may girlfriend ka pala?
parang di kapani-paniwala hahaha
Benjamin:
HA?
Ianne:
nakita kita kanina eh hahaha akala ko alalay ka ni atigurl
saan ka nakahanap ng magandang jowa?
teach me your ways senpai~
Benjamin:
Alam mo natatakot na ako sayo ate
Stalker ka ba?
Ianne:
LUH GRABE KAPAL HA
di ba pwedeng nasa same place at the same time lang?
ikaw lang ba may karapatang pumunta sa mall na to ha? iyo? iyo?
Benjamin:
Ay daming sinabi
Ianne:
nang-aano ka eh
Benjamin:
So nandito ka rin?
Ianne:
ay wala nasa bahay ako kaya nga nakita kita eh
Benjamin:
🙄🙄🙄
Ianne:
🤪🤪🤪
Benjamin:
Assuming mo dun, ate
Kapatid ko yun, di girlfriend. Kadiri
Ianne:
AY HAHAHA SORRY NAMAN
eh di ako na ang assuming
pero ang ganda niya kasi, di kayo magkamukha
sinong ampon sa inyo? ikaw ba yung naipagpalit sa isang mayamang pamilya?
HAHAHAHAHA chz
Benjamin:
alam mo ate konti na lang ipapatumba na kita
Ianne:
HAHAHAHA
GE UUNAHIN KITA
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.