FRI AT 8:01
Benjamin:
Ikaw ba yang may suot ng umiilaw na ribbon sa ulo? 🤣
Ianne:
seen
Benjamin:
Tinanggal pa HAHAHAHA
Ianne:
DI AKO YUN
Benjamin:
Okay sabi mo eh
Pero bakit parang may gustong tumakbo hahaha
Ianne:
Nasaan ka?!
Benjamin:
Secret
Ianne:
😤😤😤
Benjamin:
Wag ka nga magpanic dyan di naman kita aatakihin haha
Ianne:
EH KASI NAMAN
Benjamin:
Wag mo rin masyadong seryosohin sinabi ko last time
Di ko naman talaga yun gagawin kung di ka komportable at di galing mismo sa yo
Ianne:
😳
Benjamin:
Maloko ako madalas pero marunong naman akong rumespeto haha
Ianne:
Parang di naman chz haha
Sorry jinudge kita 🤣
Matino ka pero di kasi halata hahahaha huhu
Benjamin:
Medyo nakakainsulto pag galing sa yo 😑
Ianne:
HAHAHAHAHA SORRY NA
Pero di lang talaga ako sanay sa ganito
Benjamin:
Sanay sa?
Ianne:
Sa yo haha
I mean I admit medyo nakakafluster yang pagiging daring mo bigla lol
Di rin ako sanay na ako yung nasa receiving end haha
Benjamin:
Anong receiving end?
Ianne:
Hmm pano ba i-explain haha hirap
Wait example na lang lol
When I'm in a relationship, I tend to give my all haha gusto ko napapakita ko kung gaano ko kamahal yung partner ko. I shower him with affection and tell how I feel but that also backfires a lot of times
Siguro kaya rin ako iniiwan kasi they find it burdensome to be with someone who wears her heart on her sleeve and loves too much HAHAHAHAHA
Alam ko namang anything too much can be toxic kaya I'm trying my best now to be more careful in expressing my feelings haha advice din nina Elle pero minsan ang hirap din
Tapos ngayong ako naman nakakareceive ng ganyan (not that it's too much), medyo nakakaoverwhelm nga
Bwisit bakit ganito yung topic kung kelan silent sanc na yung tumutugtog lol
Benjamin:
Uy tumutugtog yung Di Na Kita Mahal baka umiyak ka dyan ha HAHAHA
Pero jokes aside, if you love too much then you just need to find someone who responds the same way?
Tama rin naman na nakakasama at nakakasakal ang sobra. But it's also good that you're making a conscious effort to change what you deem as problematic pero at the end of the day, hindi lang naman dapat ikaw ang nagaadjust. Para saan pa't dalawa kayong nasa relationship?
If showing too much of your love makes him uncomfortable, then he should have told you that and worked it out with you. Kung gusto talaga ng dalawang tao na masalba at magpatuloy ang relasyon nila, magagawa naman ng paraan di ba?
Ang sa akin lang, huwag mo masyadong sisihin ang sarili mo sa mga bagay na hindi lang naman ikaw ang involved
Well wala rin naman ako sa lugar para magsalita dahil di naman ako ang nakaexperience HAHAHAHA
At kung sumosobra na ako sa pang-aasar at kung anuman, sabihin mo lang
Ianne:
🥺🥺🥺
Nasaan ka?
Benjamin:
Bakit?
Ianne:
Basta
Nasaan ka nga?
Benjamin:
Papunta na sa yo
BINABASA MO ANG
Hello, Co-Captain (Hello, #2)
Humor𝗛𝗲𝗹𝗹𝗼 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀, 𝗕𝗼𝗼𝗸 #𝟮 || I was just happily watching my ship sailing when suddenly, someone boarded the ship I was in.