FRI AT 6:59 PM
Benjamin:
Oyy
Ikaw ba yang nakabrown na jacket?
Ianne:
San ka?
Benjamin:
Grabe makalingon to si ate lol
Mabalian ka ng leeg nyan 🤣
Ianne:
Di nga nasaan ka?
Ayun
Benjamin:
Sino yung nakasunod sa yo? Kilala mo?
Ianne:
Ex ko
FRI AT 9:47 PM
Ianne:
Uy kuya thanks ulit kanina haha
Utang na loob ba ulit to 🤣
Benjamin:
Pwede para kapag kinulit ulit ako ng kapatid ko, ikaw ang iaalay ko HAHAHA
Ianne:
Ge keri medyo close naman na kami ni Bridgette lels
Benjamin:
Pero yun talaga yung ex mo?
Ianne:
Oo bakit haha
Benjamin:
Ang baba naman pala ng standards mo HAHAHA
Ianne:
GRABE SIYA?!?! HAHAHAHAHA
LOVE IS BLIND KASI MINSAN
Benjamin:
Patingin ka na ng mga mata mo ate
Ianne:
LUH JUDGMENTAL NITO HAHAHAHA
Pero at least di na ako umiyak hahaha
Benjamin:
Pero ang sama ng tingin sayo nung kasamang babae haha
Mukhang kilala ka
Ianne:
Di ko naman siya kilala lol baka bago niya
Baka nagcheat na naman ang hayop
Benjamin:
Cheater?
Ianne:
Haha yep
Benjamin:
Nahuli mo?
Ianne:
Oo nung dumalaw ako sa work niya as a surprise haha aayain ko sana mag-dinner kasi birthday ko kinabukasan pero nakita kong may kayakap nang mahigpit
Syempre ako namang si tanga in denial pa. Sabi ko sa sarili ko baka friend lang or something kaya minessage ko siya at inaya nga magdinner pero kunwari nasa work pa ako lol
Sabi niya he can't kasi busy sa work tapos kinagabihan nakipagbreak sa tawag 🙃
HAHAHA DALDAL KO SHUTA WAG MO NA LANG IPAGKALAT KUYA
Benjamin:
Ge tahimik naman akong tao
Ianne:
Sure yarn?
Benjamin:
HAHAHAHAHA
BINABASA MO ANG
Hello, Co-Captain (Hello, #2)
Humor𝗛𝗲𝗹𝗹𝗼 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀, 𝗕𝗼𝗼𝗸 #𝟮 || I was just happily watching my ship sailing when suddenly, someone boarded the ship I was in.