'Di ko na rin sure lol but wow I'm scared of my intuition sometimes
Gawin ko na ba 'tong business? Madam Auring the second
Pero 'wag mong ilihis ang topic
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Ianne:
Hahahaha ano kasi
May crush na ako 🥺
Elloise:
Crush ampucha
High school ka gurl?
Ianne:
HAHAHAHA BAKET BA
Anyway, alam mo naman ang aking track record sa ganito
Di ko sure kung dapat bang i-push or not kasi you know medyo scary na mafall sa maling tao chz
Anong advice mo, Tsang Amy
Elloise:
Unang tanong: matinong tao ba 'yan?
Like from 0 to Mark, gaano kagago? Lol
Pero basta wala 'yang history ng cheating, abuse, at extreme possessiveness ogow landiin mo na
Di ka rin naman mapipigilan lalo na kung nagkafeelings ka na eh
Ianne:
Matino naman naconfirm na ni Cayleigh chz hahahaha
Elloise:
So kilala ni Cayleigh? 🤔
Alam mo lagi lang namin sinasabi na ilapag mo sa gc kung sino man ang magustuhan mo para maging careful ka pero at the end of the day, discretion mo pa rin naman yan dahil ikaw ang involved at ikaw ang nagiinvest ng feelings
Pero PLEASE iwasan mo agad kung may tendency siyang magcheat. Di ko alam kung coincidence lang ba o lapitin ka talaga ng cheaters
Minsan gusto ka na naming pabasbasan eh
Ianne:
HAHAHAHA BASBASAN AMPUTEK
ENGKANTO YERN?!
Elloise:
Comparable naman lol
Saka wag ka nang tanga-tanga ha. Kung magiging boyfriend mo yan, wag mong balikan kapag nagcheat once tulad nung sinabi mong ginawa mo nung college
Ianne:
AWOW ADVANCED MAG-ISIP?!
Crush pa lang te wag kang ano HAHAHA
Saka kasi super sorry nun si Dex kaya pinatawad ko tho yun nga nagka-trust issues na ako haha
Nung kay Mark naman siya yung nakipagbreak
Tae ka bat mo ba binabalik yung nakaraan at ang mga kamalian ko sa buhay?!
Elloise:
Mabuti nang may nagpapaalala no. And take note, people who never cheat exist, but there is never a person who has only cheated once. Kaya mag-ingat sa ganyan.
At sus deny ka pa eh lahat naman ng crush mo nauuwi sa malalim na hukay ng feelings
Manang-mana si Cayleigh sa yo eh. Buti pa sina Gray at Chi, napalaki ko nang tama