lab ka ba?
FRI AT 11:54 AM
Andrea:
Bakit walang tao sa lab?
Saan kayo? Naglulunch na ba kayo?
Benjamin:
Wow kadarating mo lang?
Ayos ah
Andrea:
Excuse me nag-overnight ako kagabi no
Three hours pa nga lang tulog ko
Bryle:
Di naman namin tinanong
Andrea:
John:
Nasa cafeteria ako
Andrea:
Pareserve ng upuan!
John:
👍
Andrea:
Thankieee
Ikaw lang talaga mabait na lalaki sa grupong to
Benjamin:
Excuse me noong nagsabog si Lord ng kabaitan, nasa front row ako
Bryle:
Ako katabi ni Lord
Andrea:
Kilabutan nga kayo
Kitang-kita nga mga sungay nyo
Anyway, dumaan ako sa office ni Ma'am kanina bago ako pumasok sa lab. May meeting daw ng 4:30 PM para sa updates sa projects
Bryle:
Biglaan? Wala siyang email or chat sa group ah?
Andrea:
May out-of-town conference/meeting daw silang aattendan sa Monday tapos two weeks yun kaya ngayon na lang daw tayo magmeeting
Benjamin:
Siguradong aabutin yan ng 2-3 hours
Bakit naman walang pasabi Ma'am
Andrea:
Wala ka namang magagawa lol
Benjamin:
Sad life
ni John HAHAHA
Andrea:
Bakiiiiiit
Bryle:
Baka may date ulit
Maharot yan tuwing Friday eh
John:
😑
Andrea:
Omggggg
Pero baka naman matapos tayo nang maaga. Sabihan mo na lang siya.
Anong oras ba kayo magkikita dapat?
John:
6 PM
Andrea:
Kaya yan!
Give her a heads up na lang na baka malate ka dahil may meeting
John:
👍
FRI AT 5:51 PM
Andrea:
Omggg grabe naman yung pagmamadali, iniwan kami!
Bryle:
~Priorities~
Benjamin:
Gago tumatakbo na nga pabalik sa lab
Parang gusto ko rin tuloy sumama para makita ko kung gaano kalakas tong bata ko
Bryle:
Hmm 🤔
Parang gusto ko ring makita
Benjamin:
TARA NA MALAPIT NA TONG LUMIPAD
Bryle:
BINABASA MO ANG
Hello, Co-Captain (Hello, #2)
Humor𝗛𝗲𝗹𝗹𝗼 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀, 𝗕𝗼𝗼𝗸 #𝟮 || I was just happily watching my ship sailing when suddenly, someone boarded the ship I was in.