#whatleader
This person they call leader should quit. The band needs a better looking leader.
Naghanap siya ng picture nito na nakalabas ang sungki. Cute naman.
Naisip niya kaya lang .....in upload niya ang picture.
Post. Ok na yan.
Bukas ipo post ko yung wacky pictures nila sa camera ko.
Hagikgik siya ng hagikgik.
Sumilip naman ang mommy niya.
Baby... Gabi na..
What are you doing?Pinindot niya ang 'x' at nag close ang tab. Lumabas ang google at wikipedia sa screen.
Lumapit ang mommy niya sa tabi niya at niyakap siya.
Sinuklay suklay pa nito ang buhok niya.
Masyaado kang concentrated sa pagaaral. Sabi nito.
Naguilty naman siya. Napayuko na lang.
Mommy may nakita pala akong page. Ang daming bag things na sinasabi tungkol kila kuya Shin.
Ganun ba? Huwag kang maniniwala dun kilala mo naman ang kuya mo di ba? Tsaka mga walang nagawa yan. Imagine maguubos ka ng time para lang manira ng tao.
What if harmless jokes po yun or mga wacky pictures? Tanung naman niya ulit.
Baby, those are personal photos siyempre may personal life naman ang mga celebrity. Di maiiwasan yun but still, it could hurt the other person.
Hindi na siya kumibo.
Paano kaya pag nalaman nilang ako yung gumawa ng page?
Tumayo na ang mommy niya at hinila siya.
Nahiga na siya at inayos naman nito ang kumot niya.
In three months nasa big city ka na. Si apa naghanap na ng apartment for you. Sabi nito habang inaayos ang kumot niya.
Naalala niya. Last week na nga pala nila sa middle school.
Di bale, I'll ask Shin para dalawin ka ng madalas.
Hinalikan siya nito sa noo at saka tumayo. Pinatay nito at ilaw at lumabas na ng kwarto.
In three months Im gonna be free!