Dito ka matutulog...
Nilibot ni Chloe ang paningin sa kwarto.
Maliit lang yun pero ok lang sa kanya.
Ang daming stuff toy sa gilid at duon siya naka focus.
Tinitingnan naman ng apat ang reaction niya.
Umupo siya sa kama at hinawakan lahat ng stufftoys.
kuya akin na lang ba tong lahat?
Natawa si Jungshin.Hindi naman akin lang yan baby.. regalo yan ng mga fans.. Napakunot noo siya.
Kahit di kayo marunong tumugtog? me nagbibigay?
Tanung niya sa kuya niya.
Ang lakas ng tawa ni Jonghyun sa narinig.
Pati si Minhyuk. Pinipigilan ang tawa.
Napasimangot naman siya.
" Sinong nagsabing hindi kami marunong tumugtog? " Tanung ni Jonghyun.
" Nabasa ko sa internet." Sagot naman niya.
Nagkatinginan ang apat.
Nilapitan siya ni Jungshin.' Baby hanggang ngayon ba yun pa rin binabasa mo? "
Hindi siya kumibo. Tiningnan nito ang paa niya. "Masakit pa ba yung
nabuhusan ng tubig?" Umiling nman siya." Gusto mong mamasyal? " Tanung nito at napatingin siya sa kuya niya.
'Pwede ba?" Tumango iyon. Tumayo agad siya..
"O saan ka pupunta? "
"Sabi mo mamamasyal? " sagot naman niya.
"Nang Naka pajama ka? " Tanung nito ulet. Oo nga pala. Natawa siya.
Itinulak niya itong palabas ng kwarto.
Excited siya.lalabas sila at gabi pa. Nagmadali siyang nagbihis,
yung pantalon niyang suot kanina at red tshirt na may malaking question mark sa harap.. Hinanap pa niya ang cap niya.
Paglabas niya nakita niyang naguusapusap ang apat.
Nakaupo si Yonghwa at nakikinig sa kanya ang tatlo.
TIningnan niya ang mga ito. Tumatango habang
nagsasalita si Yong.
Iginagalang pala nila yung leader nila.
Naisip niya.Ok naman pala ang tatlo.
Kahit papano may paggalang ito sa leader nila.Hyung ang tawag nila, ibig sabihin kuya o nakakatandang
kapatid na lalaki.
Tiningnan niya ang maputing tawa ng tawa kanina.
profile : JongHyun Lee
Lead guitarist
Sa sobrang putla mukhang bampira.
Tapos tiningnan naman niya ang leader na nakaupo.
profile : Yonghwa Jung
Lead vocalist
Pinakamaliit sa apat at kita ang sungki pag tumtawa
Si Minhyuk ang unang naka pansin sa kanya at nginitian siya.
Gustong gusto niya ang mukha nito lalo na kapag ngumingiti.
Pero nagulat pa rin siya. Namula siya at napayuko.
Nakita naman siya ni Yonghwa. Kumunot ang noo niyon sa reaksiyon niya kay Minhyuk.
Napalingon si Jungshin at tinawag siya.
" ,Chloe... ready ka na? " Tumango lang siya at lumapit dito.
Binilinan siya nito.
" Huwag kang lalayo sa amin. Kapag napansin mong dumadami yung tao,kalabitin mo agad ako. Hindi tayo pwedeng mag stay kapag
dumami yung tao,,Kung mapapalayo ka sa akin, pwede kang lumapit kila hyung..Araseo? "Puro tango nman ang isinagot niya.
Kotse ni Jonghyun ang sinakyan nila. Nasa harap si Yonghwa at nakapagitna naman siya kay Minhyuk at Jungshin sa may likuran.
" San tayo pupunta? " Tanung niya ng tumatakbo na sila sa HIghway.
" Sa Seoul, mag i skate tayo.."
"Hindi tayo babalik sa airport? May gusto akong puntahan na tindahan dun."
" Hanap na lang tayo sa mag Hongdae mamaya "sabi sa kanya ni Minhyuk.
Napatingin siya dito at nginitian niya ito.
Habang si Yonghwa lihim na nakatingin sa knila sa rear view mirror.