Matagal na tinitigan ni Chloe ang page niya.
Ang dami niyang nasabi dito na alam niya, kung mababasa ng kuya niya at mga kabanda nito, pwedeng ikasama ng loob ng mga ito.
Pumunta siya sa accounts setting at mag de delete na sana ng biglang umilaw ang pula sa inbox niya.
Out of curiosity, pinuntahan niya ito.
At binasa ang message.
Mula sa isang fan siguro naisip niya.
DSM ang pangalan nito.
Why do you hate CNBLue?
Do you know anyone of them personally?
Sinagot niya ito.
I dont really hate them.
I just thought that they are
fooling their fans because they dont know
how to play instruments.
Dsm
Did you see them perform live?
Not-a-LoveGirl
Before I created this page, no.
DSM
Then you should have reserved your judgement
Not-a-LoveGirl
Im sorry if you are one of their fans
I already said Im deleting this page.
DSM
may I ask why?
Not-a-LoveGirl
No
DSM
haha
Not-a-LoveGirl
>:|
Natatawa si Yonghwa na siya palang ka chat ni Chloe.
Ang saya pa naman kausap.. naisip niya.
Nag send pa ito ng isang message.
Not-a-LoveGirl
annyeong :)
Maya maya pa kusang nagrefresh ang page at nag error na siya.
Deleted na.
--------------------
Napabuntunghininga si Chloe.
Inayos niya ang mga gamit niya.
Babalik na siya sa Seoul sa LInggo.
Naka enroll na siya sa Seoul National University.
Kukuha ng kursong Graphic Design and Animation.
Nakakuha na rin siya ng apartment at malapit iyon sa dorm ng kuya niya.
Ayaw pa sana niya dahil mas gusto niya yung malapit sa
Shops kaso nagdown na ang apa niya.
Kasama niya ang mga itong lumuwas mula sa Ilsan.
Hinatid siya sa apartment niya at siniguradong well stocked ang
pantry niya. Puno ang ref ng coldcuts at meat pieces na na cut na.
Iluluto na lang niya at hahaluan ng ibang ingredients.
Marunong na din siyang magsaing . Tinuruan siya ng mommy niya
kung paanong magluto gamit ang rice cooker.
Bukod duon ang tatlong medium size gallon ng paborito niyang
strawberry ice cream.
Isang araw lang ang inilagi ng mga magulang niya sa Seoul at bumalik na ang mga ito sa Ilsan.
Naiwan siya mag isa.
Nag movie marathon siya ng unang gabi niyang mag isa sa Seoul.
Hindi siya lumabas ng bahay.
Hindi rin siya pumunta sa kuya niya kahit na sinabi nitong
nanduon lang sila sa dorm at nag pa practice.
Clueless. Princess Diaries at Buffy the Vampire Slayer ang pinanood niya.
Nakaharap siya sa isang malaking
bowl ng popcorn at softdrink.
Hindi na niya naisip magluto dahil panay ang tili
niya sa bawat makakalabang bampira ni Buffy.
Time Check 5pm.
Dumilat siya dahil sumasakit ang tiyan niya.
Nakatulogan pala niya ang panunuod kay Anne Hathaway.
Nag stretch siya ng kaunti pero biglang
sumakit ang tagiliran niya.
Hinimas niya iyon.
Bumangon siya at pumunta sa cr.
Baka kailangan lang niyang magbawas ng nakain.
Pero habang tumatagal lalong sumakit ang tiyan niya.
Sumilip siya sa bintana at tinanaw ang dorm ng kuya niya.
Dahan dahan siyang naglakad papunta sa upuan.
Inabot ang cellphone at tinawagan si JungShin.
Nakailang dial siya. Hindi naman nito pini pik ap ang phone..
Pumikit siya.
Mamamatay na yata ako, tapos ako lang mag isa.
Kung anu anu na tuloy ang pumapsok sa isip niya.
Nag try siyang hindi kumilos at baka
sakaling mawala ang pananakit ng tiyan niya.
Ilang minuto din siyang nakapikit at nagulat pa siya
ng biglang mag ring ang cellphone niya.
Chloe ngayon ko lang nakita ang dami mong miss call bakit?
Si Jungshin iyon nasa living room sila at naglalaro ng COC.
Chloe?
Hindi kita marinig..Napatayo siya ng marinig ang hikbi ni Chloe sa kabilang linya.
Mamamatay na yata ako kuya..
Nagulat sila Minhyuk ng tumakbo si Jungshin palabas ng
dorm at hindi na nagsuot ng sapatos.
Saan pupunta iyon? - Jonghyun
Ewan..Baka kay Chloe - Minhyuk
Napataas ang ulo ni Yonghwa na nakahiga sa couch at Nakapikit.
Napatayo din ito at sumunod kay Jungshin.
Naabutan pa niyang kinakatok nito ng sunod sunod ang pinto.
Shin bakit? Tanung ni Yonghwa.
Hindi naman sumagot si Jungshin.
Baby open the door!
Chloe!Pumihit ang seradura.
Bumukas ang pinto.
Paghakbang ni Chloe palapit kay Jungshin, hinimatay na siya.