Dumating si Jungshin na madaming bitbit na bags ng groceries.
Sabay na nagtaas ng tingin si Minhyuk at Chloe na kumakain ng ice cream habang nanunuod ng reruns ng Slam Dunk.
Tumaas ang kilay ni Jungshin.
Naabutan niyang nag tatawanan ang dalawa.
Oh Shin.. ang dami naman niyan.
Bati sa kanya ni Minhyuk. Sabay taas ng icecream na dala. Gusto mo? Bumili ako ng lima andyan sa freezer.
Umiling siya. Inilibot ang tingin sa paligid. Nasaan si Yonghwa hyung?
Napakunot ang noo ni Minhyuk.
Di ba nasa Australia?Nag text siya kanina. Kaya nga ang dami kong binili. Magluluto daw siya. Dumiretso na sa kusina si Jungshin.
Sumunod naman si Minhyuk. Anong oras daw natin susunduin?
Huwag na. Kanina pa ako nandito.
Sabay silang napalingon sa nagsalita.
Si Yonghwa. Nakacross arms at nakasandal sa pinto ng kusina.
Tahimik na nakatingin kay Minhyuk.