Isang linggo din sa ospital si Chloe.
Bumalik agad ang mommy nito sa Seoul dahil sa nangyari.
At iniuwi ito sa Ilsan para makapag pahinga at magpagaling.
Habang nasa ospital ito halos araw araw na pumupunta si Yonghwa.
Kung anu ano ang dala. Karamihan stuff toys. Napuno nga ang kwarto ni Chloe ng Sakuragi dolls at action figures.
Nung araw ng alis nito papuntang Ilsan nag prisinta pa itong maghatid sa airport. Gamit ang sarili niyang kotse. Maagang gumising.
Hyung... Pupungas pungas pa si Jungshin kinatok siya ni Yonghwa at di tinigilan hanggat di siya bumangon. San ka pupunta?
Bihis na ito. Bilisan mo alas 8am ang flight ni Chloe di ba?
Napakamot ng ulo si Jungshin. Alas 6 pa lang kasi. Malapit lang naman sila sa airport.
Pagkatapos maligo lumipat na sila sa apartment ni Chloe. Kakagising lang nito at naka pajama pa.
Ito ang nagbukas ng pinto.
Ngumiti agad pagkakita sa kanila.
Ang tagal na nakatulala si Yonghwa.
Na mesmerize siya sa ngiti ni Chloe.Kailangan pang sikuhin siya ni Jungshin para makakilos ulit.
Pabalik na sila sa dorm ng magsalita si Jungshin.
Hyung... Ang lakas ng tama mo sa pinsan ko ah...
Napalingon siya dito at nakita niyang seryoso ito.
Ngumiti siya. Hindi ko nga rin alam kung bakit.. Pero mula nung makita ko siya sa airport.. Iba na ang dating niya..
Bata pa yun.. Sabi ulit ni Jungshin.
Hindi naman ako nagmamadali Shin.. Gusto ko din makilala muna niya ako. Napabuntung hininga siya.
May tiwala naman ako sayo hyung.. Nilingon siya ni Shin at ngumiti ito. Ngayon lang kita nakitang ganyan eh.
I just hope na hindi siya mainlove sa iba.. Seryosong sabi ni Yonghwa.
Naalala niya ang pamumula ng mukha nito tuwing mapapatingin kay Minhyuk.
Napatingin naman ito sa hyung niya. Parang alam niya ang tinutukoy nito. Napapansin din niya kasi na maasikaso si Minhyuk kay Chloe.
Bukod pa sa nahuhuli niya ang pinsan na palihim na sumusulyap dito.
Mukhang magkaka love triangle pa sila. Nailing siya ng bahagya.
Paano kung sakaling... ganun ang mangyari hyung? Tanung niya dito tinitingnan ang reaksiyon ni Yonghwa.
Napatitig siya kay Jungshin.
Paano nga kaya?