eleven

32 4 2
                                    

Si Yonghwa na rin ang bumuhat sa kanya at nagdala sa kwarto niya.

Inayos nito ang kumot niya at si Jungshin naman ang nagtanggal ng sapatos niya.

" Mukhang lumalakas yung snow sa labas, " Puna ni Yonghwa ng masilip nito sa bintana na kumakapal ang snow.

"Hmmm..Oo nga hyung." sagot ni Jungshin sa pagitan ng paghikab.

". Baka bukas matunaw na agad yan,.." sabi naman ni Minhyuk na sa may pinto ng kwarto.

Pumasok ito at ipinatong nito ang dalang lavalamp sa mesita na nasa gilid ng kama.

Nagtatanong naman ang mga ni Yonghwa.

" Baka kasi matakot siya kung magigising siya na sobrang dilim ng kwarto, " sabi ni Minhyuk. In -on niya ang switch at nagkaroon ng pattern sa dingding ng kwarto.

Lumabas na sila pagkatapos.

Pinatay ni Yonghwa ang switch ng ilaw at isinara na ang pinto.

" Matulog na tayo." Sabi niya sa mga maknae niya si Jonghyun kanina pa pumasok sa kwarto niya.

Nagkanya kanya na silang pasok sa kwarto.

---------+

Maagang nagising si Yong kinabukasan at naghanda ng almusal. Nagulat naman si Jonghyun ng maabutan siya sa kusina.

Kadalasan kasi si Jungshin ang pinagagawa nito.

Magluluto ka Hyung? Nakatawang tanung nito.

Ngumiti lang si Yonghwa.

Napasilip ito sa labas ng bintana, medyo makulimlim at patuloy pa rin ang pagbagsak ng snow.

Napakunot noo siya. Makakauwi kaya so Chloe mamaya?

Kumuha naman si Jonghyun ng banana milk at uminom.  Tinitingnan niya ang mukha ni Yonghwa na pangiti ngiti habang nagluluto ng pancakes.

Tapos nag prito pa ng hotdog at bacon. Anu kayang nakain nito? Natanung niya sa sarili.

Dapat yata palaging me bisita sa dorm para kumilos si leader. Natawa ng bahagya si Jonghyun sa naisip niya.

because of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon