Prologue

6.1K 122 0
                                    

"Elaine! Pakoypa bilis." tarantang inagaw ni Diane ang papel ko at agad na kinopya ang answer ko na ikina iling ko. Pero agad din napayuko at nagkukunwarung nagsusulat ng biglang mabaling ang tingin sa dereksyon namin si Miss.


Biglaan kasi nagpa suprise quiz si Miss at dahil wala sa vocabolary ng bestfriend kong si Diane ang mag aral ayan walang masulat kaya kokopya sakin wala naman kaso yon sakin dahil soon to be sister-in-law ko naman yan HAHAHHA.



"pass your paper finish or not finish." sabi ni Miss kaya palihim na inagaw ko kay Diane ang papel ko at pinasa sa harapan at ng umalis na si Miss ay agad na nakahinga ng maluwag ang mga kaklase ko kasama na don si Diane

"kinabahan ako dun ng sobra ha! Buti nalang matalino bestfriend ko kaya hindi blanko papel ko." napatawa naman ako

"binola mo pa ako, at may bayad yon no! Yong kapatid mo." nakangiti kong sabi mahina naman niyang hinampas braso ko

"malandi ka! Kahit naman hindi kita tulongan magiging kayo din ni Kuya e." magsasalita pa sana ulit ako ng matigilan ako dahil nararamdaman ko ang malalamig na titig sakin pero hindi ko alam kung saan.


Bata palang ako nararamdaman ko na ang mga titig niya sakin pero hindi ko alam kung sino siya at kung ano ang kailangan niya sakin.


"Elaine!" napalingon ako kay Diane na nakataas ang kilay sakin

"okay ka lang?" tanong niya sakin nilibot ko muna ang tingin sa buong classroom namin pero wala naman akong nakita na nakatitig sakin pero ramdam ko parin ang malalamig niyang titig.


"O-kay lang ako." sagot ko at pilit na ngumiti bago tumayo at sinukbit sa isang balikat ko ang bag ko


"gutom na ako Diane, tara sa canteen hindi na naman siguro magpapakita ang Mapeh teacher natin." aya ko sakanya na hindi naman niya tinanggihan.

"gutom o gusto lang talaga makita si kuya na siguradong naka tambay ngayon sa canteen." pang aasar niya kaya inirapan ko siya.

©sweetspicyqueen

Kidnapped By The DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon