Chapter 37

1.5K 47 0
                                    

Elaine's Pov.

Buong klase namin ay wala ibang laman ang isip ko kundi ang ginawang pag halik sakin kagabi ni Jasper. Hindi ko alam kong bakit hindi maalis sa isip ko ang halik na yon e, hindi naman yon ang unang beses na hinalikan niya ako. At hindi ko rin niintindihan ang tibok ng puso ko dahil subrang bilis na pakiramdam ko parang kinakabahan ako.



"elaine!" muntik na ako mahulog sa kinauupuan ko sa gulat ng biglang sumigaw si Diane sa tenga ko.



"bakit ka ba naninigaw?" kunot noong tanong ko at nilibot ang paningin sa loob ng room namin at ngayon ko lang napansin na kaming dalawa nalang ang naiwan dito sa loob.



"duh! Kanina pa kaya kita tinatawag para pumunta ng canteen pero tulala ka lang dyan at parang t-nga na nakangiti. Aminin mo nag de-daydream ka na naman ba sa kuya ko?" nang aasar na ngumiti siya kaya akward naman ako na ngumiti at tumayo


"tara na nga kong ano ano pa ang tinatanong mo." sabi ko at hinila siya patayo at naglakad palabas



"nagtatanong lang naman bakit hindi mo sagutin?" naka irap na tanong niya pero nagkibit balikat lang ako


Nang dumating kami ng canteen ay naghanap muna kami ng upuan bago kami nagdesisyon na ako naman this time ang pipila para bumili ng lunch namin pero hindi pa ako nakakaalis sa pwesto namin ng biglang may dumating na mga cheif ng school namin at madaming pagkain na nilagay sa mesa namin.



"ahm...cheif para kanino po yan? Nagkakamali po yata kayo ng mesa na nilagyan." nahihiyang sabi ko nilingon naman niya ako at nginitian.



"para talaga sayo yan Elaine, infairness ang gwapo ng manliligaw mo kahit subrang lamig niya kong tumingin." kumunot naman ang noo ko at magtatanong sana kong sino ng maunahan ako ni Diane.



"kanino po yan galing? Ang dami heheh."



"Luhence ang pangalan na sinabi e! At damihan mo raw ang pagkain Elaine dahil napansin niya daw ang kunti mo kong kumain." sabi niya bago umalis napahawak naman ako sa dibdib ko dahil sa bilis ng tibok ng puso ko.



Umupo ulit ako sa upuan at napatingin ako sa plato ko na may nakalagay doon pamilyar na rose sakin na sa garden lang ni Jasper ko nakita.



"may manliligaw ka? Sino yon bakit hindi ko kilala mas gwapo ba kay kuya drake?" tanong ni Diane pero hindi ko siya pinansin at kinuha ang crystal rose na nasa plato ko at kinikilig na ngumiti ng maalala ang sinasabi sakin noon ni Lance tungkol sa rose na to.




©sweetsicyqueen

Kidnapped By The DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon