Chapter 28

1.6K 43 0
                                    

Elaine's Pov.


"p-papa!" bigla napalingon sa dereksyon ko si Papa at nagulat ng makita ako at sunod sunod na tumulo ang luha niya at agad ako nilapitan para yakapin ng mahigpit.


"my princess....patawarin mo ako kong wala ako laging oras para sayo." ng humiwalay na sa pagyakap sakin si Papa ay pinunasan ko ang luha niya at pati na rin sakin




"hindi naman po ako nagtatampo sainyo e....n-naiintindihan ko naman po kong bakit kailangan niyo mag trabaho for my future." ngumiti siya at hinalikan ako sa noo



"saan ka ba nagpunta princess? Subra mo akong pinag alala pinahanap kita sa mga pulis pero hindi ka nila makita." napayuko naman ako at napakagat ng pang ibabang labi ko


"saan ka pumunta?" tanong ni Papa kaya napabuntong hininga ako at inangat ang tingin sakanya


"w-ag niyo nalang po ita-nong...a-ng importante nandito na ako." ngumiti naman si Papa at tumango at hindi na ako kinulit pa



Nang sumapit ang gabi ay subrang saya ko dahil sabay kami kumakain ni Papa dahil noon ng hindi pa ako nakidnap ni Jasper ay lagi lang ako mag isa tuwing kakain dahil mag uumaga na minsan kong umuwi si Papa dahil sa trabaho.




"Ahm...Papa kamusta po ang school ko? Drop na po ba ako?" kinakabahan kong tanong ng matapos kaming kumain




"hindi ka na drop princess, pero may kailangan kang kuning test bago maging regular class ulit dahil sa biglaan mong pagkawala sa mahigit na isang buwan." sabi ni Papa kaya nakahinga ako ng maluwag dahil ayoko maranasan na umulit ng klase.



"kong gusto mo ng mag aral ulit, sa susunod na linggo pwede ka ng pumasok hindi kasi pwede ngayong week dahil may exam kayo."  nalungkot naman ako dahil first time na wala ako sa exam.




Kamusta na kaya si Diane?



©sweetspicyqueen

Kidnapped By The DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon