Chapter 32

1.5K 45 0
                                    

Elaine's Pov.

Nag iisip ako ng isasagot kay Diane ng biglang lumapit sa pwesto namin si Drake kaya sabay kami napalingon sakanya.




"samahan mo ako mamaya sa mall may bibilhin kasi ako at pwede ka rin sumama kong gusto mo E-laine." sabay baling niya ng tingin sakin na kanina na kay Diane lang pero agad ako umiling at tumingin sa labas



"wag na may kailangan rin kasi akong gawin e." ng ibalik ko ang tingin ko sakanya ay nakita ko ang lungkot sa mata niya pero ngumiti siya ng pilit bago tumango


"sige, hoy Diane samahan mo ako ha." huling sabi niya bago bumalik sa upuan nila ng kaibigan niya.




"bakit humindi ka? This is your chance para mapalapit kay kuya, and the last time na hindi ka sumama samin nawala ka ng matagal." naka simangot na sabi ni Diane




Wala naman talaga kasi akong gagawin mamaya e. Nagbabakasakali lang kasi ako na baka mamaya ay magpakita na si Jasper sakin.



Hindi ko alam kong ano ang nangyari sakin dahil simula ng bumalik ako saamin ay hinahanap hanap ko na ang presensya niya.



"may gagawin pa kasi ako Diane." pagsisinungaling ko kaya inirapan niya ako



"alam ko naman magbabasa ka lang mamaya e, si kuya na kaya mismo ang nag aya sayo kaya sige na sumama ka na." pangungulit pa niya kaya napabuntong hininga ako bago dahan dahan na tumango dahil alam ko hindi niya ako titigilan hanggang sa hindi ako pumayag.




"yes, sabi ko na hindi mo matitiis na hindi makita si kuya e." napangiti nalang ako bago sumipsip sa milktea ko na hindi pa nangangalahati.



Nang matapos ang lunch time namin ay sabay na kami bumalik ni Diane sa room namin at tulad kanina ay lahat ng nadadaanan namin ay nagugulat kapag nakikita ako dahil sa tagal kong nawala akala sigur. nila nag drop na ako o kaya lumipat ng school.




©sweetspicyqueen

Kidnapped By The DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon