Chapter 30

1.5K 47 0
                                    

Elaine's Pov.

Umupo ako sa upuan ko at humarap sakanya at pinunasan ang luha niya na tumulo.


"im sorry Diane. May nangyari kasi na hindi ko inaasahan e." inirapan naman niya ako



"ano ba talaga kasi ang nangyari sayo?" umiwas ako ng tingin sakanya



"basta...w-ag mo nalang tanongin please?"  magtatanong pa sana siya ng biglang dumating si Miss kaya wala siyang nagawa kundi ang tumahimik at makinig sa lesson namin.



"class dismiss, and Miss Davids welcome back." sabi ni Miss bago umalis sa room namin lahat naman na classmates namin ay napalingon sakin at akamang lalapitan ako ng ilan sakanila ng tumayo bigla si Diane



"opps...dyan lang kayo wag niyong lalapitan ang bestfriend ko." napangiti nalang ako sa inasal niya. Kahit hindi halata miss na miss ko din si Diane dahil siya lang ang nag iisa kong kaibigan mula noon hanggang ngayon.



"bakit ba? E sa may gusto kaming itanong sakanya."


"oo nga, dati nong wala naman dito si Elaine e ang tahimik mo."


Tumayo na ako at bago pa magkagulo ay hinila ko na ang kamay ni Diane palabas ng room para pumunta ng canteen.


"uyy excited siyang pumunta ng canteen miss mo na siya no?" nang aasar na tanong niya kaya napakunot ang noo ko


"ha?" inirapan niya ako at mahinang hinampas sa balikat



"duh! Si kuya Drake syempre...im sure kong hindi ka lang siguro nawala ng mahigit isang buwan im sure may lovelife ka na."



Napakagat naman ako sa pang ibabang labi ko. Crush na crush ko noon si Drake kaya nagulat ako sa sarili ko na halos makalimutan ko na ang tungkol sakanya, ni hindi nga ako nakaramdam ng excitment tulad noon kapag alam ko na makikita ko siya, hindi na rin ako kinikilig tuwing naririnig ko ang pangalan niya.



Dati siya lagi laman ng isip ko ngayon hindi na.....ibig sabihin ba nito hindi ko na siya crush?



©sweetspicyqueen

Bigla ako sinipag magsulat dapat dalawang chapter lang ngayong araw e, pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. Gusto ko pa sana magsulat ng isa pang chapter kaya lang gabi na at masakit na din ang kamay ko from to module to wattpad hehe.

Kidnapped By The DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon