Chapter II.

723 15 7
                                    

Nang makalabas si Emily ay nagpasya na akong magbihis.

Saktong tatanggalin ko na ang twalya ng biglang pumasok ang Mama sa kwarto.

"Oh Marco, bakit hindi ka pa naman nakagayak? Kanina pa naghihintay ang mga bisita sa Lanai."

Bigla akong napabalikwas sa pagkagulat. 

"Eh Ma, palabas na ho talaga ako eh. Pumasok lang kayo."

Paliwanag ko sabay kamot sa ulo.

Sa totoo lang ayoko naman talagang harapin ang mga bisita eh. 

Mas gusto ko pa ngang bisitahin si Emily sa may laundry area kesa makipag-socialize sa mga bisita namin.

Pero syempre, ano ba naman ang magagawa ko pag ang Mama ang nag-utos?

"Oh siya sige, bababa na ako. Sumunod ka na ha."

Paalam ni Mama at binuksan nanaman ang kanyang pamaypay.

"Sige ho."

Oh diba? Sabi ko naman na di maganda ang buhay ko kahit nag-iisang anak lang ako eh.

Utos dito, utos doon.

Wala akong sariling buhay.

Lahat ng ginagawa ko, de-susi ng nanay ko.

I hate my life.

Sometimes I just wanna leave this house at sumama sa barkada ko.

But I can't. Di ko alam kung saan ako pupulutin.

Nagbihis na ako ng mabilis dahil baka magalit nanaman ang Mama kapag wala pa ako doon sa mga oras na ito.

Nang makababa ako ay dumaan muna ako sa may salamin malapit sa dirty kitchen.

Sa pagdaan ko ay di ko sinasadyang marinig ang usapan ng mga babaeng nag-uusap. 

Di ko alam kung sino yun pero sigurado akong mga babae yun dahil sa kanilang malambing na boses.

"Ang gwapo talaga ni Sir Marco hano?"

Napangiti pa ako nang marinig ko ang sinabi ng unang babae.

"Sana magka-gusto siya sa'kin. Kahit mapansin man lang niya ako. Ayyyy!"

Gusto ko nang matawa ng marinig ko yun.

Pero napigil lang nang sumagot ang kausap niya.

"Naku, 'wag ka ng umasang mapapansin ka nun. Sa hitsura nun at sinamahan pa ng yaman, malabong mapansin ang mga katulad nating mababang tao lang."

Pamilyar ang malamyos na boses na yun.

Kay Emily yun.

Ang boses niya yata ang pinakamagandang narinig ko.

Hindi na ako makatiis sa kinatatayuan ko kaya lumabas na ako.

"Hi Tita! Penge naman ng sandwich. Thanks!"

Syempre pa-epek ko lang yun para makita si Emily.

Nakita ko namang na-awkward siya.

"Magandang umaga ho Sir!"

Bati nila nung kasama niya.

"Hi. Hi Emily!"

Ganting sagot ko sa bati nila.

I felt that Emily is getting more awkward kaya pagkabigay ng Tita ng sandwich ay hinalikan ko siya at umalis na ako.

Gaano Kadalas Ang Minsan?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon