Chapter VI.2

562 9 5
                                    

Hindi ko alam kung saan ako humugot ng loob para masabi ng buo ang mga salitang iyon kay Marco.

Siya naman hanggang ngayon ay hindi pa rin makabawi.

Hindi na ako makatiis na manatiling nakatitig sa akin si Marco kaya hinawakan ko ang braso niya.

Hindi pa rin siya natitinag sa pagkakatingin sa akin.

Tila mo tuloy di siya kumukurap.

"Hoy! Sabi ko m-mahal kita..."

Untag ko naman sa kanya.

At tsaka lang siya parang natauhan.

"Anong sabi m-mo Emliy?"

Parang 'di makapaniwalang sabi niya.

Ewan ko nga ba. Parang napakadali pero kahit ako ay 'di malaman kung paano nangyari ang mga nangyayari ngayon.

Oo gusto ko si Marco. Pero hindi ko akalain na ako mismo ang magsasabi noon sa kanya.

Ang gusto ko sana ay siya ang makapansin.

Pero sadyang ganon nga talaga siguro ang taong nagmamahal. Walang pinipiling oras at lugar. Basta tinamaan ka wala ka nang magagawa.

Ganon siguro ang nangyari sa amin ni Marco. 

Hindi man namin ginusto ay kusang dumating sa punto na nahulog siya sa akin at ako din naman sa kanya.

Sa haba ng pagmumuni ko ay wala man lang pumukaw sa akin dahil hanggang ngayon ay 'di pa din makapagsalita si Marco.

"Hoy!"

Tawag ko muli sa kanya.

"E-emily... napakasaya ko!"

Sambit niya at masuyong kinuha ang mga kamay ko at hinalikan ang mga iti.

Damang-dama ko ang kasiyahan at pagmamahal niya.

Nangniningning din ang kanyang mga mata.

"Ako man Marco. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Alam kong napaka-aga pa para maramdaman ko ito pero hindi ko mapigilan."

Madamdaming sabi ko bago yumakap at nagpakulong sa mga bisig ni Marco.

Pinaunlakan naman niya ito at gumanti ng mas mahigpit na yakap. Pakiwari ko ay hinihingal ako ng magbitaw kami. Napakahigpit ng yakap niya na tila ayaw na akong pakawalan pa.

Pagkatapos naming magyakap ay hinawakan niya ang aking mukha at dahan-dahang itinaas ito.

Malapit na malapit ang aming mga mukha at rinig na rinig namin ang paghinga ng bawat isa.

Dahan-dahang lumapit ang kanyang labi sa aking noo.

Naramdaman kong napakataas ng respeto ni Marco sa akin kaya hindi niya magawang halikan ako sa aking mga labi.

Ngumiti ako sa kanya at niyakap siyang muli.

Ilang sandali pa kaming nagtitigan bago siya nagpaalam.

"Mauna na ako Emily."

Paalam niya sa akin habang hawak ang aking kaliwang kamay.

"Sige. Mag-iingat ka sa daan ha."

Malambing ko namang paalam sa kanya.

Niyakap ko nanaman siya.

Hay, hindi na yata ako magsasawang yakapin siya.

"Siyempre naman mag-iingat ako dahil nae-excite na akong makita ka ulit bukas mahal ko."

Kinilig naman ako sa sabi niya.

May kiliti iyong dulot sa aking puso.

Napakasaya ko talaga.

"Sus! Sinagot na nga kita binobola mo pa ako."

Pabiro kong sabi sa kanya sabay tapik sa kanyang balikat.

Siya naman ngayon ang yumakap sa akin.

"Mami-miss kita. Ang tagal naman kasi magbukas."

Natawa ako ng mahina sa sinabi niya.

May reserba talaga ng kakornihan ang isang ito.

Pero kahit gaano pa siya kakorni ay kinikilig pa din ako.

Ganon talaga siguro.

Mahal ko eh.

"Sige na. Gabi na. Umuwi ka na."

Ayaw ko man ay pinilit ko na siyang itaboy dahil alam kong delikado na sa daan.

Naglakad naman siya palabas ng bakod namin.

Sa kasamaang palad ay nauntog siya sa poste ng bahay namin.

Natawa naman ako dahil sa reaksyon niya.

Para siyang ewan na nawala sa sarili ng mga oras na iyon.

"Aray! Ang sakit naman."

At tsaka lang ako lumapit sa kanya.

Tiningnan kong maigi ang parte ng noo niya na tumama sa poste.

Wala namang sugat at hindi naman namamaga. May konting pula lamang.

Hinalikan ko ang parteng iyon.

Halata namang nagulat si Marco pero agad ding nakabawi.

"Parang dito din yata masakit. Tumama din ito eh."

Umarte pa ang loko sabay turo sa may labi niya.

"Tigilan mo ako sa mga ganyan mo Marco ha. Walang epek!"

Natatawa kong hampas sa kanya. 

"Teka, nahihilo yata ako eh. 'Di ko kayang umuwi. Dito nalang kaya ako matulog?"

Sabi pa niya sabay taas-baba ng kilay.

"Neknek mo! Umuwi ka na at baka magpatawag pa ng pulis si Donya Margaret kapag wala ka pa doon."

Natawa naman siya sa sinabi ko.

Nagpaalam siya ulit at muli ay nagyakap kaming dalawa.

"Bye na. Sana mapanaginipan mo ako."

Nangiti nanaman ako.

Sa mga simpleng kilos ng lalaking 'to ay napapangiti na ako.

"Sige. Mag-ingat ka ha. M-mahal kita."

Ayan nanaman ako sa pagkautal.

Pero seryoso talaga ako ng mga oras na iyon.

"I love you more, Emily."

Sabi ni Marco bago tuluyang umalis. 

Nang hindi ko na siya matanaw ay isinara ko na ang pintuan namin.

Hay, napakasarap pala talaga sa pakiramdam ng may nagmamahal sa'yo.

Alam ko na ngayon kung ano ang nararamdaman ng mga kaibigan kong may nobyo.

May boyfriend na din kasi ako at gwapo pa. 

Ewan ko ba. Namana na ako sa kakornihang taglay ni Marco.

Makatulog na nga.

KWARTO.

Paghiga ko sa kama ay isa pang makulit na ngiti ang kumawala sa akin. Huminga ako ng malalim bago tuluyang ipikit ang aking mga mata.

Hindi ko alam na simula sa pagsagot kong ito kay Marco ay simula na rin ng pagdanas ko na kasiyahan at kalungkutan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 01, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Gaano Kadalas Ang Minsan?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon