Chapter V.2

4.5K 9 0
  • Dedicated kay Elaine Salamanca Soriben
                                    

Tinotoo ko nga ang sinabi ko sa barkada.

Kinabukasan ay maaga akong nagpunta sa bukid para tumulong sa mga tauhan namin.

Anihan na kasi ngayon kaya naman kailangan ng maraming tao. 

At tsaka gusto ko ring ma-impress si Emily sa akin.

Pagdating ko sa palayan ay nakita ko agad si Emily kasama ang ilang kababaihan sa aming lugar.

May dala silang mga basket na puno ng mga ani.

Nang tumingin sila sa gawi ko ay kumaway ako sa kanila. Partikular na kay Emily.

Sinuklian naman niya ito ng matamis na ngiti.

Hay, kay ganda ng mga ngiti niya.

Para siyang anghel talaga.

Ginanahan akong magtrabaho ng araw na iyon.

Pagdating ng pananghalian ay niyaya ako ni Emily na kumain sa tapat ng bahay nila.

Naghanda ang ilan sa mga asawa ng mga trabahador namin ng isang munting salu-salo para sa masaganang ani ngayong taon.

Magkatabi kami ni Emily.

Inaabot niya sa akin ang mga plato ng mga pagkain habang nilalagyan ko naman ang plato naming dalawa.

"A-ako nalang M-marco."

Nahihiyang sabi pa niya sa akin.

As usual, hindi ko siya pinakinggan at itinuloy lang ang aking ginagawa.

Maya-maya pa ay masaya na kaming nagsasalo sa mga putaheng nakahain sa aming harapan.

Pagkatapos naming kumain ay naglabas naman ng mga desserts ang mga kababaihan.

Kinuhanan ako ni Emily ng platito at nilagyan niya ng buko pandan.

"Ako'ng gumawa niyan."

Matamis na sabi niya sa akin sa pinakamahina yata niyang boses.

Ngumiti naman ako ng pagkatamis-tamis at tinikman ko ang kanyang gawa. 

"Hmmm, ang sarap."

Yun lang ang nasabi ko at ipinagpatuloy na ang pagkain.

Napahagikgik naman si Emily sa ginawa ko.

Ang sarap pakinggan ng tawa niya.

Ilang sandali pa ang lumipas at oras na ng pahinga ng mga tao.

Inalalayan kong tumayo si Emily kaya naman inulan kami ng tukso.

"Uy, kayo na ba? Ang bilis niyo naman Sir!"

Panghaharot ng isa.

"Maswerte pa kamo. Aba'y ang tagal kong nililigawan yang si Emily eh hindi ako sinasagot."

Dagdag pa nila.

Napansin kong namumula si Emily.

Ngiti lamang ang isinagot ko sa kanila at tsaka inalalayan kong muli si Emily.

Niyaya ko siya sa may bundok.

Noon, napagpasyahan kong ipagtatapat ko na ang pag-ibig ko sa kanya.

Gaano Kadalas Ang Minsan?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon