Chapter IV.

603 15 6
                                    

EMILY'S POV.

Ano ba naman 'to? Bakit ba nasasaktan ako? Hindi ko naman dapat nararamdaman 'to ah. 

Nakaka-inis. Ibinubunton ko nalang ang galit ko dito sa mga nilalabhan ko.

Bakit ba kasi nakita ko pa yun?

Teka, ano ba 'tong iniisip ko?

Bakit ba masyado akong naaapektuhan sa Marco Montenegro na yun?

Ano naman kung halikan niya ang kahit sinong babae dito sa Olivares o kahit sa buong mundo pa?

Nagmamaktol kong sabi sa sarili ko.


Sa sobrang pag-iisip ko ay 'di ko namalayan na nakamasid pala sa akin ang lalaking kanina ko pa iniisip.

"Sino ang nakaka-asar?"

Sa pagkabigla ko ay nailaglag ko ang palangganang may laman na kalahating dami ng tubig.

Gaano Kadalas Ang Minsan?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon