Chapter V.V

374 7 0
                                    

Marco's POV.

Mukhang nabigla ko si Emily sa aking tanong.

Shit! Baka ma-turn off siya sa akin.

Teka, bakit ba masyado akong apektado?

Unang-una, gusto ko lang siya dahil maganda siya. Pangalawa, ayon sa pustahan namin, 'di ako pwedeng ma-inlove sa kanya.

"S-sorry Emily. Nabigla b-ba kita?"

Shit ulit! Bakit ba nauutal pa ako?

Ako?! Si Marco Montenegro, inuunahan ng kaba at hiya dahil sa isang babae lang?

No! Hindi naman pwede yun.

Pero kahit anong pagtanggi ng isip ko ay ramdam na ramdam at halos marinig ko na ang tibok ng puso ko ng mga oras na iyon.

Magkahalong excitement at kaba ang nararamdaman ko eh.

"S-sa totoo l-lang Marco, n-napakabilis naman y-yata."

Ramdam kong sincere si Emily sa kanyang sinabi.

Naisip ko din yun. Mukhang napakabilis ko naman nga yata.

Kakikilala lang namin kahapon tapos ako, agad-agad na ganito. Ligaw agad?

Pero hindi na bago sa akin ito eh.

Sanay naman talaga ako na madali kong nakukuha ang mga nagiging babae ko eh.

"Iba kasi si Emily..."

Bulong ng isip ko.

Hindi, babae din siya. Anong pinagkaiba nun?

"Mahal mo siya."

Nagulat ako hindi dahil sa parang taong pag-iisip ko kundi dahil sa naging sagot nito.

Mahal ko si Emily?

Parang ang bilis naman yata.

"Marco... Hindi ka na nakapag-salita."

Pukaw ni Emily sa pag-iisip ko.

"S-sorry Emily. Dyahe kasi ako sayo eh. Parang ang bilis ko kasi. Baka kasi isipin mo na ang tingin ko sa'yo eh mabilis bumigay."

Shit nanaman! Ano ba yung sinabi ko? Hindi naman yun ang dapat kong sabihin eh.

"H-hindi naman kita babawalan kung gusto mo akong ligawan. Sana lang maintindihan mo na hindi naman agad-agad masasagot ang pag-ibig mo para sa akin. Kakikilala lang natin kahapon Marco. Hindi pa natin lubusang nakikilala ang isa't-isa."

Nagulat ako sa sagot ni Emily.

Hindi ko inaasahan na papayag siya.

Pero mas nagulat ako sa naging sagot ko sa kanya.

"Huwag kang mag-alala Emily, nakahanda akong maghintay kapag ready ka na. Hindi kita mamadaliin at bibigyan kita ng time para pag-isipan ang mga bagay na ito."

Ano ba naman 'to? Kelan pa ako nagkaganito?

May isang sulok ng pagkatao ko ang gustong maniwala na MAHAL KO NGA TALAGA SI EMILY.

Gaano Kadalas Ang Minsan?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon