Chapter VI.1

401 8 3
                                    

Habang nasa may bukid kami ay panay ang hawak ni Marco sa kamay ko.

Wala naman akong ibang magawa kundi pisilin ang kamay niya at paminsan-minsan ay kinukurot ko pa ito habang nakangiti sa kanya.

Hindi ko alam subalit napakasaya ko ng araw na iyon.

Nang mag-uuwian na ay inaya ko muna si Marco sa bahay upang mag meryenda.

Agad naman niya itong pinaunlakan at masaya kaming naglakad pauwi.

"Mukhang ang saya saya mo ngayon Emily. Huhulaan ko. Siguro dahil sa akin no?"

Sabi ni Marco na bumasag sa katahimikan namin.

"Talagang makapal ang mukha mo no? Haha."

Hindi ko alam pero noon ko lang naramdaman ang sobrang kasiyahan.

"Sus! Nahiya pa sa akin. Alam ko namang ako lagi ang iniisip mo eh."

Kinurot ko siya sa tagiliran kung kaya't nagtatakbo siya na hinabol ko naman.

Wala kaming ginawa kundi ang magtawanan hanggang makauwi kami sa bahay.

Pagdating namin sa bahay ay inilagay na ni Marco sa upuan ang aming mga dala-dalahan.

Ako naman ay naging abala na sa pag-aayos ng aming kakainin.

"Emily tutulungan na kita."

Suhestyon ni Marco.

"Che! Maupo ka riyan at baka masira pa ang lulutuin ko."

Tumawa lang siya at kumuha na ng mga pinggan at inihain ito sa mesa.

Sakto namang dumating si Itay sa bahay.

"Mang Hernan, magandang hapon po. Kamusta po kayo?"

Bati ni Marco sabay mano sa aking Itay.

Aba at feeling close talaga ang isang to ha.

Lumapit din ako kay Itay at nagmano. 

"'Tay, kumain na ho tayo at naghanda po ako ng sopas."

Aya ko kay Itay na tinanggihan naman niya.

"Nako anak pass muna ako. Nag-aya si Pareng Gusting na mag-inuman. Dumating yung anak niyang si Lilian galing ng Maynila. Hindi ko naman matanggihan dahil mabait naman ang kumpare kong 'yun."

Mahabang paliwanag ni Itay.

"Ganun ho ba? Sige ho, paki-kamusta nalang ho ako kay Lilian. Teka, baka maglasing nanaman kayo Itay ha."

Nag-alala naman ako para sa kanya.

"Naku, hindi anak. Kontil lang at may tatapusin pa ako mamaya. O siya pa'no aalis na ako."

Paalam ni Itay na mukhang nagmamadali.

"Sige ho Itay. Ingat ho kayo."

Paalam ko din.

"Sir Marco, ikaw na ang bahala dito sa dalaga ko. Huwag mong gagawan ng masama yan."

Babala ni Itay kay Marco.

Natawa naman ako sa reaksyon ni Marco na parang bata na nagkamot ng ulo.

"Mang Hernan naman. Hindi ko naman po gagawin kay Emily yun. Mahal ko po ang anak ninyo."

Aaminin ko, kinilig ako sa huli niyang sinabi.

"O sige. Alam ko namang may isang salita kayo. Mauna na ako."

"Sige ho. Ingat ho kayo Mang Hernan. Huwag ho kayong papagabi."

At tuluyan na ngang umalis si Itay.

Bigla ay naalala ko naman ang Sopas na nakasalang sa kalan.

Pinatay ko na ang gasul at pinalamig sandali ang Sopas bago ko inihain.

Tinulungan naman ako ni Marco sa pagdala ng kaserola.

"Salamat."

Sabi ko sa kanya at sinabayan ko pa ng pinakamatamis kong ngiti.

"Walang anuman."

Sagot naman niya at ngumiti ng katulad ng sa akin.

Habang kumakain kami ay wala kaming ginawa kundi ang magharutan.

Inabot kami ng gabi na puro tawanan lamang.

Hanggang sa dumating na muli si Itay.

"Oh Marco, nandito ka pa rin?"

Tanong ni Itay na himala at mukhang hindi lasing.

"A-ah eh oho Mang Hernan. Sinamahan ko na po si Emily kasi ayoko naman pong iwan siyang nag-iisa lamang dito."

Nauutal pa siya. Hay naku! Ang cute talaga ng lalaking ito.

"Ganun ba? Sige. magbibihis lamang ako. Siya nga pala, kumain na ba kayo?"

Tanong ni Itay na walang tiyak na tinutukoy.

"Opo Itay."

Sagot ko naman dahil alam kong kinakabahan si Marco.

"A-ahm Emily, m-mauna na ako ha. Sige h-ho Mang H-hernan tuloy na po ako."

Paalam ni Marco.

Nalungkot naman ako ng aalis na siya.

Pero di bale may sorpresa naman ako bago siya umuwi.

"Sige. Mag-iingat ka sa daan hijo."

Paalam ni Itay at pumasok na sa aming kwarto.

"Sige ho Itay. Ihahatid ko lang si Marco sa labas."

Hindi ko na hinintay ang sagot ng aking ama at lumabas na ako ng bahay kasama si Marco.

"Emily, alis na ako ha. Bukas ulit."

Paalam ni Marco na parang nahihiya pa sa akin samantalang kanina ay akala mo nobyo ko na kung maka-asta.

"Sige. Mag-iingat ka."

Paalam ko naman sa kanya.

Tumalikod na siya ngunit bigla ulit lumingon ng tinawag ko.

"M-marco..."

Ang gwapo niya ng biglang lumingon.

"Ano yun Emily?"

Ayan nanaman ang pamatay niyang ngiti.

"Ah may g-gusto sana akong sabihin eh."

Nauutal at kinakabahan kong sabi.

"Ano yun?"

Sabi niya sabay hawak ng kamay ko.

Hindi ko alam kung anong pwersa ang nagtulak sakin upang magkalakas ng loob na sabihin ang bagay na iyon.

"M-mahal kita..."

Gaano Kadalas Ang Minsan?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon