Chapter IV.2

4.5K 14 0
                                    

Tinulungan nga ako ni Marco. Hindi ko na kailangan pang sabihin kung ano ang gagawin niya dahil siya na mismo ang nagkusa na gawin ang mga iyon.

 "Salamat talaga S-sir ay M-marco pala."

Sabi ko sa kanya. Seryoso ako ng mga oras na iyon. Ewan ko nga ba pero sadyang malakas nga yata ang karisma ng lalaking ito sa mga kababaihan.

Di ko namamalayan ay kanina pa pala ako tingin ng tingin sa kanya. Partikular na sa gawing mata niya. Dahil nandun ang nunal niya na may dala ring pang-akit.

Ngayon ko lang napagtanto na pareho pala kami ng nunal

"Oh baka naman matunaw na ako ha. Kanina ka pa nakatingin sa'kin. Hahaha."

Yung tawa niya bakit ganon? 

Parang kinikiliti ang puso ko na hindi ko malaman.

I can't explain the feeling pero ...

Teka nga, bakit ba napapa-Ingles pa ako?

Emily! Magtigil ka. Walang epek sa'yo 'yang mga ganyan.

'Diba nga ilang manliligaw mo na ang umuwing malungkot dahil hindi ka nagpapadala sa mga ganyan?

Bakit ngayon naiiba yata?

Crush mo siya.

Sabi ng makulit na bahagi ng isip ko.

Che! Itigil mo 'yan. Babaero yan. Sasaktan ka lang niyan.

Parang may sariling buhay ang isip ko ng mga oras na iyon.

Kusa nalang silang nag-aaway at tungkol pa kay Marco.

Hindi ko tuloy napansin na kanina pa pala niya ako kinakausap.

"Ha? Ano nga yun? May sinasabi ka ba?"

Tila napahiya kong tanong sa kanya.

Ewan ko ba. Tila nagayuma yata ako ng lalaking ito at ganon na lamang ang kaba ko sa tuwing titingin siya sa akin.

"Ang sabi ko akin na nga 'yang mga napigaan mo na. Parang gusto mo nang sirain sa sobrang higpit ng pagpiga mo eh."

Napatingin naman ako sa damit na kanina ko pa pinipiga.

Sa sobrang pag-iisip ko tungkol kay Marco ay itong kawawang damit ang napagdiskitahan ko.

"Naku, lagot nanaman ako nito. Mukhang mamahalin pa naman ang isang ito."

Sabi ko ng bumalik na sa realidad ang aking pag-iisip.

Kinabahan ako kaya naman lumapit sa akin si Marco.

"Don't worry, 'di ko naman na masyadong ginagamit ang isang yan eh. Masikip na kasi. Alam mo naman lumalaki muscles ko."

Sabi pa niya na nagpatawa naman sa akin.

Yung tawa ko may halong sarkasmo.

"Talaga lang ha? Muscles talaga ha?"

Ganting sagot ko naman habang tumatawa din.

Natapos kaming maglaba ng puro biruan lamang.

Hindi ko alam pero napakasaya ko ng araw na iyon.

Kahit pa napagalitan si Marco ng Mama niya ay mas pinili niya akong samahan.

Di pala bumalik ang loko sa loob samantalang nandoon pa ang mga bisita.

Nakapag-ayos na ako ng biglang may kumalabit sa akin.

Natakot ako at napatili ng may humawak sa aking mata.

"Hulaan mo kung sino 'to. Hahaha."

Kahit yata hindi ko hulaan ay kilala ko na kung sino ang may-ari ng kamay na iyon.

Kanino pa nga ba?

Edi kay Marco lang.

"Marco! Alisin mo na nga."

Tumawa nanaman siya at saka lumabas na.

Sumunod naman ako.

Nakita ko ang motor niya at may dalawang helmet.

"Halika na. Ihahatid na kita. Gabi na oh."

Nagulat naman ako sa sinabi niya.

Gusto ko man ay tumanggi ako sapagkat baka akalain niya ay madali akong makuha. Isa pa ay takot akong sumakay sa motor.

"Hindi na. Maglalakad nalang ako."

Sabi ko sa kanya at sinimulan ko nang maglakad.

"Samahan na kita. Delikado na."

Sabi niya na ikinatalon naman ng puso ko.

Gaano Kadalas Ang Minsan?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon