Nothing is permanent in this world. Life is constantly changing, and that's a fact. People will come and go in your life, there is always that someone who will stay with you until your last breath.
~ ~ ~
"Hindi ko na kaya! Loving you for almost 2 years was nonsense!"
"Hindi ko alam kung bakit nagtagal pa tayo kung ganito lang din naman ang kahahantungan natin! Sabi mo sakin noon mahal na mahal mo ako at hindi mo ako kayang saktan, pero ano ngayon? Ano ngayon tong ginawa mo! Niloko mo ako." sabay hagulgul niya ng iyak.
"Minahal kita! Sa panahon na magkasama tayo, minahal kita! Alam kong nasaktan kita, oo inaamin ko, pero hindi ko naman ginusto yun eh!"
"Kung hindi mo gusto eh di sana hindi mo ginawa, sana hindi tayo magkakaganito! Mas mabuti pang maghiwalay nalang tayo! Hindi ko na kaya, akala ko nung binigyan kita ng pagkakataon ay magbabago ka na, pero hindi. Mali lahat ng akala ko! Maghiwalay na tayo!" ang huli niyang nasambit bago siya tuluyang umalis.
"Uyyy! Bruhaaa! Iyak iyak ka jan, palabas lang yan. Heller!" Sabi ni Mitch na hindi man lang apektado sa pinapanood naming teleserye. Kahit kelan talaga, masyadong insensitive tong best friend ko eh!
Ewan masyado akong nacarried away sa pinapanood ko.
"Ehh kasii *sniff* yung guy *sniff* sinaktan niya yung girl. Napakasama niya!"
"Alam mo, mabuti pa uuwi na ako! Kakainis eh. Ge! Bye bruu, titext nalang kita." ano naman kayang problema nun at mukhang ang pait ng timpla ng aura niya. Kanina pa yun ganun eh!
Oo nga pala, nasa bahay kami ngayon, ay I mean ako nalang pala. Umalis na pala si Mitch. Ay oo pala, kasama ko din si Nay Lisa. Oo, bale kami pala ang magkasama. Hehehe pero nandun siya sa kwarto niya nag aayos ata. Ako naman nasa sala nanonood mag isa.
Wala na akong kasama. Ano ba yan! Bakit pa kasi umuwi yun. Siguro nag away sila ni Kyle.
Oo nga pala, hindi ko na ikwento. Si kyle kasi uhhh ahhh uhhh. Ewan diko alam anong status nila ni Mitch. Pero ang pagkakaalam ko eh nagkakamabutihan sila ni Mitch. Aso't pusa yun dati eh, kaya siguro nag inlove sa isat isa. Hahaha
Okay back to reality. Si Bubu, wala pa rin. Kakainis! Huhuhu miss ko na siya. Ang tagal tagal niya. Huhuhu
3 taon na ang nakakalipas, since nung kinasal kami ni Bubu ulit. Hihihi pag naalala ko yun, kinikilig pa rin ako.
Maraming nagbago, lalo na sakanya. Naging sweet at hindi na siya outspoken. Proud na siya sakin. Kaso masungit pa rin as ever. Pero kahit ganun yun, mahal na mahal ko yun. Hihihi
Speking of hubby bubu, nasa trabaho siya ngayon. Hindi pa siya doktor, pero balak niyang mag proceed. Siya ang namamahala sa kompanya ng mga magulang niya. Kaya napaka busy niya.
Ako naman, may sarili na kaming art gallery. Kasosyo ko ang aking bestfriend na si Mitch at ang binebestfriend na si Red.
Siguro nagtataka kayo kung bakit nangyari yun, pero siguro hindi rin. Hehehe alam nyo naman siguro na mga fine arts ang course namin dati, kaya ayun. Tumulong sina Mom and Dad para mapatayo namin yun. Kami mismo ang nag hahandle nun. Hihihi
*Ding Dong*
"Hala, baka si Bubu na yan!" Napatingin ako sa orasan. 7:05 pm na. Mukhang napaaga ata.
"Ayan na po." Pagbukas ko ng pinto, si Bubu nga.
"Hi Bubu! Kamusta ang work? ^_^" ang lapad ng ngiti ko! Ang saya naman, nandito na siya. Yeee! :)
"Okay lang, nakakapagod." sagot niya. Bakit ang tamlay niya? Wala ba siyang gana makipag usap sakin? Bat ganun?
"Aah Bubu kum--" hindi na ako nakapagsalita ulit kasi umakyat na siya at pumasok na ng kwarto. Bakit ganon?
BINABASA MO ANG
My Mister Sungit 2
HumorPaano kung magkaroon na ng anak si Carl and Nikki? Will they live happily ever after na ba? O baka makikiepal nanaman sakanila si Red? Hmmmm. Abangan! *Read *Vote *Comment *Be a Fan