Dalawang taon na ang nakakalipas mula nung kinasal kami ulit ni Carl. Sa loob ng dalawang taon na yun ay hindi puro saya ang naranasan namin kundi may mga lungkot din.
Hindi naman mawawala sa isang relasyon ang mag away at magkatampuhan. Madalas nga kaming magkatampuhan ni Carl eh dahil sa mga malalaking bagay. Oo malalaki, tulad nung isang araw.
*flashback*
Kararating lang ni Carl galing trabaho at dumiretso agad sya ng kwarto. Hindi man lang niya ako pinansin. Dinaanan lang niya ako sa may sofa. Hindi niya ba alam na hinihintay ko sya? Ni hindi ako kumain ng maayos dahil sabi ko sasabay nalang kami. Sobrang konti lang ng kinain ko. Nakadalawang plato lang nga ako ng kain eh.
Sinundan ko siya sa kwarto dahil hindi nga sya namansin. Hindi man lang sya nag "Hi" sakin. Grabe!
Pagpasok ko ng kwarto nadatnan ko siyang naghuhubad ng suot niyang three piece. Kita mo na! Nakapasok nako ng kwarto, hindi pa rin sya nag ha-Hi sakin! Aba naman!
Umupo nako sa sofa sa may kwarto at hinihintay na pansinin niya ako at mag Hi sya sakin. Pero hindi pa rin niya ko pinansin! Instead kumuha na siya ng pamalit at nag bihis at humiga na.
Sumusobra na talaga si Carl! Masyado na siyang pa famous. Snob! Mamaya ia-unfriend ko na sya sa facebook dahil snob sya! Akala mo famous! Madami lang kaya siyang likers kasi gwapo sya! Duh!
"Sige! Wag mokong pansinin! Snob ka! F.O na tayo!" Sigaw ko sakanya.
"Ay regalo!" Ha! Regalo! Hindi ako regalo! Tao ako! Tao!
Bigla syang napabangon at parang gulat na gulat. Ay grabe! Ang galing umarte! Amp!
"Bubu naman! Nang gugulat ka naman eh." Kalmado niyang sabi habang nakahawak pa sa dibdib.
"Bat ka nakahawak sa dibdib? Wala namang flag ceremony ah! Gabing gabi na kaya!"
Parang baliw tong si Carl. Ang daming alam. Wala naman flag pole dito sa kwarto. Nakahawak pa sa dibdib. Kulang nalang kakanta sya ng lupang hinirang. Hmm!
"Anong flag ceremony ka jan? Nagulat lang ako at nanjan ka pala."
"Aba malamang! Kanina pa ako nandito. Hindi mo man lang ako pinapansin! Ang snob mo! Bakit peymus ka? Ha? Ha?" Naiiyak nako. Naiinis kasi ako. Hindi ko alam kung bakit.
Bigla namang tumayo si Carl mula sa bed at lumapit sakin.
"Ano bang iniisip mo? Hindi kita napansin kasi hindi kita nakita. Etong asawa ko naman." Ngiti ngiti pa siya habang lumalapit sakin.
"Wag kang ngingiti jan! Di tayo bati! Snob ka! F.O na tayo. Di ka man lang nag hi sakin! Di kita rereplyan sa messenger pag nag hi ka! Bahala ka!" Inis na inis na ako kaya akmang lalabas nako ng kwarto ng bigla niya akong niyakap mula sa likod.
"You're so cute wife. Masyado kang matampuhin. O ayan na. Mag ha-Hi na ko. Hindi naman ako snob eh. Oh, Hi wife! I love you." Hindi pa rin siya bumibitaw sa yakap niya sakin.
Hindi ko alam pero bigla akong naiyak. Hindi naman kami nag dadrama ni Carl. Pero bat ganon? Nakakaiyak yung amoy niya. Feeling ko ambaho baho niya.
Kaya inalis ko ang yakap niya sakin. At lumayo sakanya ng konti.
"Wag mokong niyayakap! Ang baho mo!"
"Ha? Anong mabaho? Hindi naman ah!" Sabay amoy niya sa sarili niya.
"Hindi! Mabaho ka talaga."
"Hindi naman ako mabaho wife. Ano bang problema mo sa amoy ko?"
"Ewan ko sayo. Bahala ka! Ambaho mo sa labas nalang ako matutulog. Bye!" Akmang lalabas ako ng kwarto ng biglang may naalala ako.
"Nga pala! Di na tayo friend! Kaya wag mokong i aadd sa fb! Ayoko sa mga snob! Bye!" Sabay labas ko ng kwarto.
Kainis talaga si Carl. Hindi ba siya naliligo? Bat ambaho niya? Hindi naman kulang yung sabon namin ah. Maliban nalang kung kinain niya yun. Hay! Ewan ko! Bahala siya.
Dumiretso ako ng kusina at kumuha ng chocolate at strawberry sa ref. Nakakagutom kasing magsalita eh. Dami ata ng sinabi kong words kanina. Dapat siguro nag abbreviate nalang ako ng words para tipid.
Pumunta ako sala at humiga sa sofa. Ni on ko na rin ang tv at nanood ng cartoons habang ngumunguya ng strawberry at chocolate.
Hindi ko namalayan na inaantok na pala ako kaya hinayaan ko nalang na makatulog ako.
Nagising nalang ako nakayakap na ako kay Carl. Tinitigan ko yung mukha niya. Ang gwapo gwapo talaga ng lalaking to! Kaya siguro ang dami ng likes sa fb nung mga pictures niya.
Pero teka, di naman ako dito natulog ah? Sa sala ako eh! Hala! Nag sleep walk ako? O baka nag teleport ako dito? Tsaka nasaan yung chocolate at strawberry ko?!
Bigla namang gumalaw si Carl na nasa tabi ko at nagsalita ngunit nakapikit pa rin at nakayakap na din sakin.
"I carried you here wife. Don't think too much. Ayokong sa sala ka natutulog. Malikot ka pa naman kaya baka mahulog ka."
Mind reader talaga tong si Carl eh. Share naman niya yang powers niya. Kainggit eh.
"And your strawberry and chocolate, nasa ref na. Mamaya mo ng kainin. Diko binawasan yun kaya wag kang mag alala."
"Ahh k. Thanks. Bye."
Hmm! Sya na! Sya na mind reader! Kainis. Peymus talaga eh.
"Hahaha. I love you wife." Sabay yakap niya ng mahigpit at halik sa noo ko.
*end of flashback*
Sabi senyo! Maliit na bagay kinakatampo ko. Sorna kasi. Pero okay lang talaga dahil hindi naman siya nagagalit sakin. Hehehe
Mahal na mahal ko talaga tong asawa ko. Kahit minsan mabaho siya. At feeling peymus at madaming likers.
Friend na nga pala ulit kami sa FB kasi nag post ako ng status na "Now eating breakfast with hubby." Tapos itatag ko sana sya kaso di kami friend kaya inadd ko na rin sya ulit. Ako din nag accept ksi alam ko naman password niya. Hehe
Baka sabihin niya hinahabol ko siya. Tapos baka mas lalo maging feeling peymus kaya ayun diko na sinabi.
Mamaya ipapabili ko siya ng cucumber na hindi kulay green. Nag ki-crave kasi ako eh. Hehe
BINABASA MO ANG
My Mister Sungit 2
ЮморPaano kung magkaroon na ng anak si Carl and Nikki? Will they live happily ever after na ba? O baka makikiepal nanaman sakanila si Red? Hmmmm. Abangan! *Read *Vote *Comment *Be a Fan