Chaptie 3

265 10 1
                                    

Nagising ako ng malakas na katok sa pinto. Ano ba yan! Storbo naman eh. Napatingin ako sa tabi ko at nagtaka dahil wala na si Carl sa tabi ko. Napatingin rin ako sa orasan na nasa tabing table. Hmm? 8 am na pala. Napasarap yung tulog ko! Lasang chocolate. Hehehe

Pero teka? Nasaan naman si Carl? Ang aga aga nagpapaka busy na. Hindi man lang ako ginising. Di man lang rin nag good morning. Huhu

Naalala kong may baby na pala ako sa tyan. Kaya sya nalang igi'greet ko ng Good Morning.

"Hello baby ko. Good morning. Di man lang nag good morning yung daddy mo. Hmp! Sige at di natin sya papansinin. Kala nya ah!" Hinimas himas ko rin ang tyan ko.

"Grrrpphh"

"Uy baby ha. Sinasagot mo na si Mommy. Hmm."

"Grrppphh"

"Ahh? Gutom ka na ba? Hehehe. Tara na baba na tayo. Gutom na din si Mommy eh."

Nag ayos na ako at napagdesisyonang lumabas na para makakain na rin. Nakakagutom pala ang pag tulog noh? Try ko kayang kumain habang natutulog. Para di ako magutom. Hehe sige next time.

Pagdating ko sa kusina ay nagulat ako ng may makita akong pigura ng babae na nakatalikod sakin at tila ba naghahalungkat sa Ref.

Nako! Baka may magnanakaw dito! Pero hindi sya mukhang magnanakaw dahil nakasuot ito ng fit na red dress. Mukhang mamahalin din ang suot nyang heels. Hmmm? Baka model? Tangkad eh. Pero model tapos magnanakaw? Aba! Modus siguro!

Dali dali akong nagtago sa corner at hinagilap ang vase sa tabi. Ipapalo ko to sakanya! Kala niya ah. Di porket maganda at mayaman, di na pwede maging magnanakaw!

Dahan dahan akong lumalapit sa nakatalikod na babae habang ready na ang vase sa aking kamay. Lord! Tulong! Baka nakawin din ako!

Pareho kaming nagulat ng bigla syang humarap sakin.

"Aaahhh! Good gracious! What are you doing?!" Bulalas ng babae sakin. Aba! Umi english! Hmmp!

"Syempre. Nakatayo may hawak na vase. Di mo ba nakikita? Nagtatanong ka pa. Tsaka don't English me! Inaano ba kita?!" Bulalas ko rin pabalik.

Tinitigan ako ng babae from head to toe. Taray mga bes! Don't me ha! Don't me!

"Oh? Anong tinitingin tingin mo? Checking me out? And teka. Sino ka ba? Bat ka nandito sa bahay namin? Siguro magnanakaw ka noh! Tatawag ako ng pulis!" Pananakot ko sakanya. Mukhang hindi man lang natakot. Wa epek! Ngumisi pa siya. Aba naman!

"So.. You must be Nikka? Am I right?" Uy kilala niya ko. Baka stalker ko to.

"Oh eh ano ngayon kung ako si Nikka? Sino ka ba?"

"I'm Stacy, by the way." Inilahad niya sakin ang kamay nya. Ngunit diko tinaggap. Dzuh! Di kami friends.

"I suppose hindi pa ako nababanggit sayo ni Carl." Nagpalakad lakad sya sa kusina. Aba naman. Kung makaasta akala mo sakanya yung bahay. Gawin ko syang katulong eh!

"I'm his childhood friend. And a my family is his family's friend too."

Tinignan ko sya ng masama dahil nakakairita ang presensya nya. Nagugutom ako eh! Baka gusto niyang sya ang kainin ko?

"Okay. Enough with your introduction. Bakit ka ba nandito? Wala ba kayong bahay? At bakit ka nakapasok dito? Trespassing yan ah!"

"Well, kagagaling ko lang sa airport. Ngayon lang ako dumating from New York. And namimiss ko na din si Carl kaya dito na ako dumiretso. Tita gave your address. That's why. And your yaya let me come in."

Ahhh. So si Nanay Lisa ang may kasalanan bat nakapasok ang kulugo na to dito.

"Pwes. Wala rito si Carl. Kaya makakaalis ka na."

Naglakad na rin ako papuntang sala para mabuksan ang pintuan. Kailangan na nyang umalis dito. Bago ko pa sya kainin! Grrrrr!

"Oh ganon ba? Sige. Aalis na lang ako. Pakisabi sakanya na babalik ako." Naglakad na sya palabas ng pinto habang may nakatagong mapanlinlang na ngiti sa labi.

Agad agad kong sinara ang pinto pagkalabas niya. Padabog akong pumasok ng kusina at kumuha ng tubig sa ref.

Nakaka init sya ng dugo. Diko gusto ang awra nya! Feeling ko may sanib yung kulugo na yon. Hmmmp!

Lagot talaga sakin si Carl pagbalik niya mamaya. Ang dami na ng kasalanan nya sakin.

Una hindi sya nag Good morning. Ngayon mayroon nanamang trespasser na pumasok sa bahay at hindi man lang nasasabi sakin na may kaibigan siyang kulugo! Lagot sakin yon!


Kumuha ako ng strawberries at pancakes at nilantakan yon. Nako! Hindi ko alam kung sino may gawa nitong pancakes. Hmmm. Buti nalang at kayang lutuin ng pancake ang sarili niya.

~
Omaygahd. Word vomit. Sabaw na update. Sorna po. Aayusin ko sa susunod pramis! Hehe

Don't forget to read, vote and comment. Labyu to the moon and back.  Mwaps! :*

My Mister Sungit 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon