Ilang buwan nakong buntis. Tapos sabi ni Mommy ilang buwan na rin at manganganak nako. Ganito pala yung feeling noh? Minsan pag na aakyat ako ng hagdan patungong kwarto, feeling ko may back pack akong suot pero nasa harap, so baka ang tawag dun "front pack" na? Feeling ko din minsan ang dami kong dala sa tyan. Di kaya kangaroo ako? Kasi napanood ko sa Nat. Geo. dati na ang mommy kangaroo nilalagay sa tyan yung baby niya. Hala!Tiningnan ko yung tyan ko kung may pocket ba. Ganon kasi yung napanood ko. Tinaas ko ng kaunti ang damit ko, showing my tummy with a bump.
Hmmm. Wala naman eh? Niloloko ako nung tv! Nako. Susumbong ko yun kay Carl! Niloloko ako ng tv. Nako talaga! Pati tv nag sisinungaling din. Manloloko!
Pagkatapos kong marealized ang mga bagay bagay, lumabas na ako ng kwarto at napagdesisyonang bumaba dahil nagugutom nanaman ako. Gusto ko ng pancakes!
Gabing gabi gusto ko ng pancakes!!! Pagdating ko sa baba dumiretso na agad ako sa kusina at naghanap ng ingredients ng pancakes.
Teka lang? Bat parang mag isa lang ako sa bahay? Nasaan kaya si Nanay Lisa? Si Carl? Nasaan kaya yung dalawa? Hala! Baka iniwan na nila ako.
Baka iniwan nako ni Carl kasi ang taba taba ko na. Baka napapangitan na siya sakin. Baka ayaw na nya sakin. Hala!
Bigla akong nawalan ng gana kumain. Ayoko nalang pala ng pancakes. Wala na din pala akong Carl. Ayoko nalang kumain. Di na pala ako gutom.
"Ggrrrrph"
Pero nagsisinungaling yung utak ko. Sinagot ako ng tyan ko. Teka? Baka si baby yun? Nagsalita si baby sa tyan ko! Omg! Omg! Omg!
"Baby? Can you hear mommy?"
"Ggrrrrph"
"Hala! Baby nagsasalita ka na!" Sabay himas ko sa baby bump ko. Nako! Napaka accelerated naman nitong anak ko!
"Baby. Sorry nagsisinungaling yung utak ni mommy ha? Di na mauulit. Sige kakain nalang pala tayo ng pancakes." Masayang sabi ko sabay balik ulit sa kitchen at nagsimula ng gumawa ng pancakes.
Napatingin ako sa orasan na nakalagay sa wall. Pasado alas siete na ng gabi. Eto na bang pang dinner ko?
Dinner. Naalala ko tuloy kung paano namin nalaman na may baby na pala sa tyan ko.
*flash back 3 months ago*
Maghapon akong nakahilata lamang ng bed dahil feeling ko may sakit ako. Ang sakit kasi ng ulo ko at kaninang umaga eh nagsusuka ako kahit wala naman akong gaanong kinain. Akala ko nga gusto lang lumabas ng intestines ko eh. Di man lang kumatok diba? Ayaw pasabi. Bigla bigla nalang. Nako!
Sa kalagitnaan ng pagmumuni ko biglang may kumatok ng kwarto.
"Wife? Can I come in?" Nako si Carl lang pala. Nagtataka kayo bat humihingi sya ng permiso para pumasok ng kwarto namin? Paano ba naman, inaway ko. Pinalabas ko dahil ang baho niya. Ayoko siyang naamoy. Diko alam kung bat ganon. Pinaligo ko naman na din siya. Pero ambaho pa rin talaga! Ayoko sa amoy niya. Tsk!
"Ohh. Pasok ka na. Mabango ka na ba?" Binuksan niya ng bahagya ang pinto at sinilip ako mula sa pinto. Ano ba yan! Wala namang butas, bakit kailangan manilip? Ano yan secret agent? Si Carl talaga. Daming sideline. Di na napagod. Jusko!
"Yes wife. Mabango nako. Pwede na ba akong pumasok?"
"Sige pasok ka na."
Dahan dahan siyang pumasok at maingat na isinara ang pinto. Lumapit siya sakin at umupo siya sa tabi ko. Mukhang mabango na nga sya at gusto ko na ulit sa amoy nya.
BINABASA MO ANG
My Mister Sungit 2
HumorPaano kung magkaroon na ng anak si Carl and Nikki? Will they live happily ever after na ba? O baka makikiepal nanaman sakanila si Red? Hmmmm. Abangan! *Read *Vote *Comment *Be a Fan