Chaptie 5

252 9 5
                                    

Huminahon na ang puso ko from the pain na naramdaman ko kanina. Charot. Nasasaktan pa rin ako. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit ganon si Carl. Bumabalik nanaman ba sya sa dati? Baka narealize na niya na hindi pala nya ako mahal at naku'kyotan lang sya sa akin. Huhu Carl why? Why you do this?

Okay. Ayoko ng magdrama dahil lalabas pala ako ngayon. Kaya naghanda na ako para sa lakad. Kumuha ako ng twalya at nagtungo na sa CR upang maligo. Sinulyapan ko muna ang oras at alas otso e'medya na. Tamang tama at malapit na rin ang oras ng pagbubukas ng shop namin.

Makalipas ang 20 minutes natapos na rin akong maligo. Paglabas ko ng CR ay tamang tama naman ang pagpasok ni Carl sa kwarto. Nagkatinginan kami saglit ngunit ako na ang unang umiwas. Wala lang. Trip ko lang maging snob ngayon. Akala niya kasi siguro siya lang ang marunong. Hmp!

Nag madali akong tumungo sa loob ng wardrobe at pumili na ng masusuot. Sinuot ko ang isang kulay peach floral dress na abot hanggang tuhod. Hindi na ako pwedeng magsuot ng jeans dahil lumalaki na din ang baby bump ko. Kinuha ko rin ang white flats ko na babagay sa floral dress ko. Extra careful na ako ngayon sa mga ginagamit dahil buntis nga ako at ayokong mapahamak si baby.

Bitbit ang white sling bag ay lumabas na ako ng wardrobe. Nakita ko si Carl na nakaupo sa gilid ng kama. Napansin niya ang paglabas ko kaya napatingin na din sya sa akin.

"Nakabihis ka? Are you going somewhere?"

"Ahh oo, pupunta akong shop ngayon."

Kinuha ko ang hair brush at inayos ang aking buhok sa harap ng salamin. Habang nagsusuklay ay nakikita ko ang repleksyon ni Carl na nakatingin sakin. Ayoko syang kausapin. Nagtatampo ako. Hmp!

Pagkatapos kong mag ayos ay naghanda na ako para lalabas. Magtataxi nalang ako ngayon. Ayokong mag drive dahil, wala lang. Trip ko lang. Hehehe

"Uhm, wife. Hatid na kita."

"No thanks. I can manage. Besides, may bisita ka. Asikasuhin mo. I'll go ahead."

Naglakas loob akong magtaray dahil may kasalanan sya. Kaya bahala sya sa buhay nya.

Pahakbang na ako palabas ng kwarto ng biglang hawakan ni Carl ang braso ko. Bat ako pinipigilan nito? Hmmm!

"Hey, is there something wrong? Bat parang iniiwasan moko?"

"Wala naman. Nagmamadali lang ako. May kailangan akong asikasuhin sa shop."

"I'll take you there."

Binitawan nya ang pagkakahawak sa akin at naglakad para makapagbihis. Ngunit bago pa sya makapasok ng wardrobe ay nagsalita na ako.

"I can manage. I'll take a cab. Don't worry I won't drive."

Nagmadali na akong lumabas ng kwarto para di na nya ako maabutan. At himala dahil wala akong nakitang kulugo na pakalat kalat sa bahay. Mukhang umuwi na sya. Huh! Dapat lang noh. Baka makitira pa yun dito.

Nagpaalam na rin ako kay Nanay Lisa at simabing babalik ako bago maghapunan. Kailangan ko lang kitain ang mga kaibigan ko. At kailangan ko rin ng space. Yung malayo! Yung di abot ni Carl. Charot!

Makalipas ng higit 30 minuto, nakarating na din ako sa shop. Mabuti nalang at hindi naman kalayuan ang shop at mild lang ang traffic. Pagbaba ko ng taxi ay natanaw ko na ang isang itim na kotse na naka park sa harap ng shop. Mukhang kay Red to. Wow, change of preference na din sya at hindi na kulay red ang kotse nya. Asensado!

Ilang taon na rin ang lumipas mula nung umalis si Red. Kailangan nya daw mapalayo dahil mag momove on muna daw sya. Bakit kaya ganon noh? Hindi naman naging kayo pero kailangan mo pa rin mag move on, wala talagang hustisya sa pilipinas. Tsk.

My Mister Sungit 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon