Buong araw akong nakatambay sa bahay dahil tinatamad akong pumunta ng shop at ayoko rin gumala. Mabuti nalang at nandito si Nanay Lisa at kahit papano may kausap ako. Pero madalas syang nasa kwarto nya kaya eto mas madalas kong kausap yung sarili ko. Minsan kinakausap ko rin si baby kaso ang snob niya dahil di nya ko sinasagot.
Mag aalas syete na ng gabi at wala pa rin Carl. Magtutuos pa kami, bat ang tagal tagal niyang dumating? Siguro nakipagkita pa yun dun sa kulugo na yun! Aba't malilintikan talaga sakin si Carl pag nagkataon.
Tapos na din akong ihanda ang hapag kainan para pagdating ni Carl ay kakain nalang kami bago mag usap.
"Baby, ang tagal tagal naman ng daddy mo."
Hinihimas himas ko ang baby bump ko at baka sakaling sagutin ako ng anak ko. Pero bigo ako dahil hindi pa rin sya sumasagot. Huhu
"Baby? Tulog ka ba? Bat dika sumasagot kay mommy?"
Patuloy ko pa ring kinakausap ang baby ko nang marinig ko ang andar ng sasakyan ni Carl at ng pagbukas ng gate. Mukhang nandito na si Carl. Hmmm.
Dali dali akong tumayo mula sa sofa at nagtungo sa bintana para silipin kung si Carl ba yung dumating. Baka naman kasi magnanakaw ang dumating diba? O di kaya mga trespasser na nakipark sa garahe ng bahay namin.
Pagsilip ko sa bintana ay agad ko namang nakita si Carl na bumaba ng kanyang kotse.
"Baby nanjan na ang Daddy mo. Behave ka lang jan ha? Mag uusap lang kami ng daddy mo." Sabay himas ko sa tyan ko.
Tamang tama naman ang pagbukas ng pinto at pagpasok ni Carl. Nakita niya agad ako lumapit sya sakin upang bigyan ako ng halik na pisngi.
"Wife."
"Bakit ngayon ka lang? Ginabi ka ata?"
"I have tons of work in the office. Kailangan kong tapusin dahil tadtad ako ng meetings bukas."
"Kumain ka na ba?"
Naghubad sya ng kanyang coat at sinabit sa kanyang braso. Tumalikod na rin sya sakin at naglakad na paakyat ng hagdan.
"Kumain na ako sa office. I need to rest."
"Ah ganon ba, ako di mo ba tatanungin?" Ngunit huli na ang lahat dahil naisara na niya ang pintuan ng kwarto namin.
Bakit ang cold ni Carl ngayon? Is there something wrong? Kakausapin ko pa naman siya tungkol dun sa babaeng kulugo na pumunta dito sa bahay.
Nawalan na rin ako ng gana kaya napag desisyonan ko ng pumanhik nalang rin ng kwarto. Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko agad si Carl na nakahiga na sa kama at mukhang pagod na pagod dahil hindi man lang nakapagtanggal ng slacks nya.
"Bakit ba ang cold mo? May kasalanan ka pa sakin. Dalawa pa yon. Gusto kitang kausapin kaso tinulugan mo naman ako. Hinintay kita para makapagsabay tayong mag dinner kaso nauna ka na pala."
Hindi ko alam kung bakit ko kinakausap ang mga taong ayaw sumagot. Tulad nitong si Carl. Haaaay. Nakaka down naman sa feeling.
Nag ayos at nagpalit na rin ako ng pantulog at humiga na rin sa tabi ni Carl. Nakatalikod siya sakin kaya tumalikod nalang rin ako sakanya.
Hindi ko alam pero parang feeling ko meron talagang something. Parang meron talagang mali. Or is it just me? Oh hormones. Not now. Wag mo muna akong paiyakin.
Pero traydor talaga. Hindi makuha sa pakiusap dahil diko namalayan na nakatulog na pala ako habang umiiyak.
~
BINABASA MO ANG
My Mister Sungit 2
HumorPaano kung magkaroon na ng anak si Carl and Nikki? Will they live happily ever after na ba? O baka makikiepal nanaman sakanila si Red? Hmmmm. Abangan! *Read *Vote *Comment *Be a Fan