Napatitig ako kay Carl habang nagmamaneho. Napapansin ko din ang paunti unting pawis niya sa noo at pisnge. Mukha talaga siyang tensed.Mabuti nalang at hindi gaanong traffic. Napapansin ko rin na medyo mabilis ang pagmamaneho ni Carl. Napatingin ako sa wrist watch ko. Magtatanghali na ah? Tingin ko ay wala namang pasok sa trabaho si Carl ngayon, pero bakit parang nagmamadali siya?
Uwing uwi na ba siya? Ahh.. Baka nasa bahay pa yung bisita niyang kulugo. Nag iinit nanaman ang ulo ko. Nako! Babalatan ko ng buhay yon pag nakita ko siyang lalandi sa asawa ko!!
Napabaling naman ulit ako kay Carl na ngayon ay parang hindi na mapakali. Napapa inhale exhale siya habang pawis na pawis. Ano bang problema nito? Ganyan na ba siya kasabik makita ang kulugo na yon kaya hindi na sya mapakali? Nakakasakit ng damdamin twing iniisip ko yon. Dinagdagan pa ng mga bagay na narinig ko kanina sa washroom. Parang nagtutugma yung mga sinasabi nila sa iniisip ko. Sana lang mali ang akala ko. Kundi hindi ko na alam ang gagawin ko.
Gusto ko sanang magtanong kay Carl pero parang ayoko rin. Natatakot akong malaman na tama ang hinala ko. Ayokong masaktan.
Ilang minuto lang ang nakalipas at dumating na kami ng bahay. Nagmamadaling bumaba ng kotse si Carl at patakbong pumasok ng bahay. Hindi ko maintindihan pero bat parang iba ang kinikilos ni Carl. Nakalimutan nya pa ngang pagbuksan ako ng pinto. Sobrang sabik na ba niyang makita ang kulugo na yon?
Pagpasok ko ng bahay ay nakasalubong ko agad si Nay Lisa na parang nagtataka.
"Nika, iha. Nanjan ka na rin pala. Akala ko eh si Carl lang ang umuwi." Takang tanong ni nanay Lisa. Ako rin Nay, akala ko di ako uuwi kasama si Carl. Hehe
"Opo Nay. Si Carl po? Ay, nay. Nanjan pa po ba yung kulugo, este bisita ni Carl?"
"Nako. Nakita ko si Carl na nagmamadaling umakyat ng kwarto nyo. At yung bisita nya ay pinauwi na nya agad kanina nung umalis ka."
"Ahh, ganon po ba. Mabuti naman kung ganon kundi mababalatan ko yun pag nakita ko siya.." pabulong kong sabi sa panghuli. Baka sakaling di marinig ni Nay Lisa. Medyo bingi na rin siya eh. Hehehe
"Ano kamo iha? Anong babalatan?" Tanong niya. Nako! Narinig niya ako. Mukhang nag jojoke lang si nanay lisa na nabibingi daw sya, gawa ng siya ay matanda na. Hmp! Joker ka nay lisa ha.
"Ay wala po yun. Hehe sabi ko pagbalat nyo po ako ng mansanas at susundan ko muna si Carl." Ngumiti pa ako para di gaanong halata.
"Osya. Sundan mo na yung asawa mo at mukhang hindi siya maayos."
Tumango ako kay nay Lisa at umakyat na rin ng kwarto. Hinanap ko si Carl ngunit wala akong makita ni anino niya. Saan naman yun nagpunta? Di kaya sinundan niya yung kulugo? Argh!
Narinig ko ang tunog ng tubig sa CR at feeling ko ay may tao sa loob kaya dali dali akong lumapit na pinto para pakinggan yon. Baka naman may nakapasok na sa bahay namin? Baka magnanakaw!
Napasubsob ako sa loob ng biglang bumukas ang pinto ng CR at niluwa non si Carl na pawis na pawis. Akala mo nag jogging sa loob ng CR. Mukha pa siyang constipated.
"Hey, what are you doing?" Tanong niya sakin.
"Bat pawis na pawis ka? Nag jogging ka ba jan sa loob?" Lumapit ako sakanya para punasan ang pawis sa noo niya. Galit ako pero ayoko namang natutuyuan sya ng pawis. Mahal magkasakit noh.
"Nah, I just have to release those shits. My stomach is pretty upset." Hala. Kita mo pati tyan mo nagagalit sa pinang gagawa mo.
"Eh sino ba kasing may sabi na galitin mo yang tyan mo? Kundi ka ba naman.."
"You're thinking too much again." napailing iling pa siya at naglakad palapit na couch at umupo doon.
"Masakit ang tyan ko kanina pang umaga. Hindi ko alam kung anong nakain ko. Ang sama ng pakiramdam ko." Sabi niya habang hinahaplos ang tyan nya at napipikit pikit pa.
Lumapit ako sakanya at nakihimas na din sa tyan nyang may abs. Chansing lang pag may time. Pagkakataon na din to noh.
"Carl, hindi kaya.."
Napamulat sya at matamang nakatitig sakin tila naghihintay ng kasunod kong sasabihin.
"What is it wife?"
"Hindi kaya buntis ka rin?"
Bigla syang nasamid at napatawa ng malakas. Kita mo to. May sakit pero kung makatawa wagas. Hmp!
"You're silly, wife. Hindi naman mabubuntis ang lalaki eh."
Ay oo nga pala ano. Bat diko naisip yon. Awkward naman kung sa ano lalabas ang bata diba? Hahahahaha
Napatigil siya sa pagtawa at sumandal ulit sa couch. Hinawakan ko ang noo niya at dinama kung may lagnat siya. At tama nga ang hinala ko dahil mainit siya.
"Halika. Tumayo ka jan at lumipat ka sa kama. Nilalagnat ka kaya doon ka na muna magpahinga."
Agad naman siyang sumunod at pumanhik na ng kama. Kinumutan ko siya at umupo sa tabi niya. Nagpaalam din ako sakanya para bumaba at kumuha ng bimpo at maligamgam na tubig na pamunas sakanya.
Pagbalik ko sa kwarto eh tulog na siya. Dinama ko rin ang leeg at noo nya. Mukhang mas lalong tumaas ang lagnat niya. Agad kong ipinunas sakanya ang bimpong basa ng tubig.
"Kita mo na. Pati katawan mo ayaw makisama sayo. Bad kasi yung ginagawa mo eh. Hmp!"
Mali nanaman pala yung hinala ko kanina. Kaya pala pawis na pawis si Carl nung pauwi kami at kaya pala nag mamadali siya kasi natatae sya. Kung ano ano kasing kinakain eh. Haynako Carl. Baka kumain nanaman yun ng panis. Tsk.
Tumayo ako at saka kinumutan si Carl matapos ko siyang punasan ng bimpo. Mamaya ko nalang sya paiinumin ng gamot. Lalabas na sana ako ng kwarto ng maaninag ko ang cellphone ni Carl sa bedside table na sakto namang umilaw dahil sa notification.
Isang facebook request ang nasa notification.
Acuu Xhi Zhero Fhour send a friend request.
Ang weird ng mga pangalan nila. Ganyan din kaya nakalagay sa mga birth certificates nila? Baka galing sa ibang planeta yung nag add kay Carl sa facebook. May internet din siguro yung mga Alien doon.
Nabigla pa ako nung biglang tumunog ulit ang cellphone ni Carl. Muntik ko pang mabitawan dahil sa nabasa ko.
From Stacy:
Thank you sa pagsama sa akin. I forgot to tell you that I already booked the venue for us. See you tomorrow! Let's visit the venue together.
What's the meaning of this???
And I smell something fishy.
Haay. Ano kayang nakain ni Carl. Ang baho ng utot! Lintek yan.
Pero si Kulugo Gurl ang nag text. Mukhang may makakalbong Kulugo bukas.
- - -
Author's note: This part was done last year but I forgot to published it. Huhu I'm so sorry for my readers. Please bear with me. I'll upload all the drafts that I had. Thank you! I appreciate you all. Please comment more para ma inspire akong magsulat ulit.
Ciao! :)
BINABASA MO ANG
My Mister Sungit 2
HumorPaano kung magkaroon na ng anak si Carl and Nikki? Will they live happily ever after na ba? O baka makikiepal nanaman sakanila si Red? Hmmmm. Abangan! *Read *Vote *Comment *Be a Fan