Chaptie 6

407 18 13
                                    

I'm so sorry for the very late update guys. Sobrang busy kasi sa work. Huhuhu pero babawi ako! So eto na. Hope you'll like it. Keep voting! Love lots bebes! :*

--

Keep the love burning they say. So I tried to burn him. Pero syempre joke lang. Love na love ko si Carl noh, kahit nanghahablot siyang bigla. Kahit na nagpanggap siyang kidnapper. Kahit na inaway niya si Red. Kahit na may kulugo siyang bisita. Kahit na.. Basta! Love na love ko talaga kahit minsan sobrang suplado niya. Tulad ngayon.

Matapos niya akong agawin kay Red. Wow agawin. Hehe so ayun nga, matapos niyang pagsabihan si Red, umalis na kami agad at hinila niya ako hanggang makasakay ako sa kanyang kotse.

Pinagsabihan ba naman siyang babaliin niya ang buto ni Red kung hahawakan pa niya ako. Ayun, natakot naman si Red at di na siya nanlaban pa kay Carl. Alam ko namang naiintindihan ako ni Red.
Sumenyas ako sakanya na tatawagan ko nalang siya mamaya. Yung kamay ko tinapat ko sa tenga ko na parang sign ng "call you later" pero mukhang di niya ako nagets kaya binabawi ko na ang sinabi kong naiintindihan niya ako.

Nagtext ba naman sya ng "Bakit ka magpapabili ng cotton buds sa akin?". Minsan talaga ang sarap bigwasan ni Red.

Napailing nalang ako ng wala sa oras. Dahil sumasakit ang leeg ko. Tiningnan ko ang katabi kong driver, este ang asawa kong masungit at tama nga ang hinala ko dahil ang sama nanaman ng tingin niya sakin.

"Sino ba yang katext mo at nangingiti ka jan?" Nagsusungit nanaman ang mahal na hari. Hmp!

"Katext ko si Red." pagsusungit ko pabalik sakanya. Akala niya siya lang marunong mag sungit. Duh!

Hindi muling umimik si Carl at nagpatuloy na sya sa pagmamaneho. Out of nowhere biglang nag alarm nanaman ang tyan ko. Gutom na si baby! Hindi pa rin pala kumakain ni baby. Si Carl kasi eh!

Biglang napatingin si Carl sa tyan ko. Mukhang narinig niya yung alarm ni baby. Napabuntong hininga nalang siya at minaneobra ang sasakyan.

Huminto kami sa harap ng isang resto. Naunang bumaba si Carl at pinagbuksan nya ako ng pinto. Hindi na ako nagtanong kung anong gingawa namin dito dahil obvious naman na kakain kami dahil may drawing ng pagkain sa karatulang nakapaskil sa tabi ng pangalan ng resto.

Nakahawak kamay kaming pumasok sa resto. Natatakot sigurong mawala ako sa tabi niya kaya todo ang hawak nya sa kamay ko habang papasok kami. Uy si Carl, may gusto sakin. Hihihi

Pumasok kami sa isang mamahaling resto na may mga weird na pagkain. Hindi ako sanay sa mga ganyang klase ng pagkain. Yung hindi maintindihan ang pangalan ng menu. Yung kailangan pang mamilipit ng dila mo para mabanggit ang pangalan ng pagkain. Tsk!

Pero dahil no choice na at gutom na kami ni baby, titiisin ko nalang. Basta makakain. Food is life eh. And baby is lifer. Hehehe

"Good morning Maam and Sir." Bati ng isang waiter na sumalubong samin.

"Good morning. Table for two please." Sagot naman ni Carl sakanya.

"This way po." Iginiya naman kami ng waiter sa aming mesa.

Medyo sosyal talaga itong resto na napasukan namin ni Carl. Ang daming chandeliers. Medyo antique din ang mga kagamitan tulad ng mesa at mga upuan. Parang pang spanish. Hanep mga repapips!

Patingin tingin ako sa paligid ng biglang dumating ang isang waiter. Hindi ito yung nagturo samin ng pwesto iba naman ito. Medyo singkit at matangkad. Mukha siyang koreano. Yung kanina naman mukhang arabo na maputi lang. Hala! Remix siguro tong resto na to. Pang spanish ang style tapos ibat ibang lahi ang staffs nila. Hmmm.

My Mister Sungit 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon