Chapter 2

4.4K 181 38
                                    

"Ano ba! Bitawan mo nga ako! Nandito ako para mag apply," Naiinis na sabi ko sa kanya. Ayaw parin niya akong bitawan at kasalukuyan na yakap-yakap parin niya ako.

"Nuh, you're hired as my wife Baby, not a secretary." Alam kong nakangisi siya ngayon base sa pananalita niya. Mahina ko siyang siniko at umalis sa pagyakap sa akin.

"Ano ba, kailangan ko talaga ng trabaho!" Demanding na pagkasabi ko.

Desperada na talaga akong magkaroon ng trabaho. Ayoko ng umasa sa mga magulang ko dahil sa loob ng dalawampu't limang taon, naging pabigat ako sa kanila. Ayoko ng dagdagan pa ang problema namin. Naawa narin ako kay papa, pero wala naman akong magagawa dahil kasalanan ko ang lahat kung bakit kami naghirap. Hindi ko rin naman sinisisi si Darwin sa ginawa namin at nagpasalamat pa ako sa kanya dahil nabiyayaan kami ng isang pinaka magandang anak kahit ramdam ko ang paghihirap namin noon hanggang ngayon bagaman hindi parin ako sumuko na kayanin lahat ng problema.

"You're hired as my wife nga," Mahina nitong sabi kaya hindi ko alam kong biro ba iyon o totoo. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Ano ba, tatawagan mo lang ba ulit ako? Dahil aalis na ako. Marami pa akong gagawin." Inayos ko ang sarili at inihanda ko ang dala kong bag bago napatingin sa relo. Shems.. Puwede ko pang puntahan ang anak ko.

"No! Hindi ka aalis! Dito ka lang!" Biglang napaigta ang katawan ko at nanlaki ang mga matang napapatingin sa kanya dahil sa gulat.

"Bwesit ka! Inaano ba kita? Sigaw ka ng sigaw diyan? Baliw ka na ba?" Malakas na sigaw ko sa kanya bago padabog akong lumakad palabas, kung makalabas man ako.

"Ah!" Mahinang daing ko dahil bigla nalang may humila sa braso ko at padabog na pinaharap sa kanya.

"Now I found you baby, hindi na kita papayagang umalis, akin kalang akin" Mapangakit na salita niya sa tenga ko na kaagad akong napalayo.

"Uuwi na ako baka hinihintay na ako ng anak-- I mean nila m-mama oo tama, nila mama hehe." Shit Sydney malapit na! Kainis na dila, makisama ka. Napatingin naman ako sa kanya sumalubong ang kilay niya. Alam kong matalino siya at kayang-kaya rin siyang basahin ang nasa isip ko kaya sana hindi niya napansin ang sinabi ko dahil baka malaman niyang may anak ako sa kanya. At hindi ko hahayaan iyon. Ayokong masaktan ang anak ko. Ayoko siyang masaktan dahil lang sa kanya.

"You can start tomorrow Baby," Napahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi niya.

Siguro hindi niya talaga napansin ang sinabi ko.

"S-sige salamat." Nakangiting sambit ko at lumabas. Napahawak naman ako sa dibdib ko shit! Ang bilis tumibok ng puso ko.

"Momma!" Sigaw ng anak ko at patakbong niyakap sakk. lumuhod naman ako para pantayan siya at kaagad na niyakap at kinarga.

"Namiss ka ni Momma anak." Nakangiting sabi ko at hinalikan siya sa noo at labi niya.

"I miss you too momma." Napangiti naman ako.

"Siyanga pala anak, Tada! Ice cream! Ang promise ni momma." Kaagad kong pinakita sa kanya ang isang supot ng plastic na naglalaman roon ang ice cream.

"Wow! Thank you momma I love you po!" Masayang sambit niya at kinuha roon ang ice cream na cornatto sa loob ng plastic. Hindi ko maiwasan na mapangiti dahil nasilayan ko ang masayang mukha ng anak ko.

"Ako na anak." Presenta ko dahil napasin kong nahihirapan siyang buksan iyon. Napatingin ako kay mama na nakaupo sa bench rito sa parke. Ngumiti siya sa akin nakita ko rin na may hawak siyang cotton candy.

"Ouh nandito kana pala anak ano? Kumusta ang interview?" Tinignan ko muna si Astrea na nakatingala sa akin habang hinihintay na ibigay ko sa kanya ang ice cream.

"Anak pwede bang doon ka muna? Upo ka po muna doon?" Utos ko sa kanya bago ko binigay ang ice cream. Tumango naman siya at naglakad paupo doon habang dinidilaan ang ice cream. Hindi naman kalayuan kaya okay lang.

"Anak?" Napalingon ulit ako kay mama nang tawagin niya ako. Bumagsak ang balikat ko habang napakagat labi na nakatingin sa kanya.

"May problema ba? Hindi kaba natanggap? Okay lang naman, meron pa naman sa susunod." Nag-aalalang sabi niya. Umiling naman ako.

"Hindi ma, sakatunayan nga po, natanggap ako sa trabaho at mag sisimula napo ako bukas." Dismayadong saad ko. Kumunot naman noo niya sa sinabi ko.

"Bakit parang hindi ka masaya?" Nagtatakang tanong niya. Npakagat naman ako ng ibabang labi.

"S-si Darwin po ang b-boss ko." Nakita kong nanlaki ang mga mata niya matapos kong sabihin iyon.

"Ano!?" Napatakip ako ng tenga dahil sa lakas ng boses niya. Ano ba iyan, wala talagang pinipiling Lugar 'tong si mama.

"Anak, baka panahon na para ipakilala muna ang anak niyo." Napabuntong hininga ako. Inaasahan ko na talagang ito ang sasabihin niya sakin.

"Hindi po ako sigurado ma, gusto ko po munang masigurado na wala akong masasaktan na ibang tao kapag malaman niya na may anak kaming dalawa." Mahinahong sabi ko. Nakita ko namang napabuntong hininga rin siya at hinawakan ang pisnge ko at pinisil iyon.

"Ang bait talaga ng anak ko mana sakin!" Napangiwi ako sa sinabi niya. Nagyakapan kami sa isa't isa at hinalikan niya ang pisnge ko.

"Astrea anak may binili si momm--Astrea?" Nanlaki ang mga mata ko dahil wala ng batang nakaupo sa bench. Nasaan na iyon?!

"Hala Apo? Astrea?" Napatingin ako kay mama. Nakita koring nataranta siya. Napalingon kaagad ako sa paligid pero wala akong mahanap na batang blonde ang buhok kaya nagsimula na akong kabahan.

"Astrea!!???" Malakas na sigaw ko dahilan na napalingon narin sa amin ang mga tao at ibang bata na naglalaro pero hindi ko na iyon inabala pa, kailangan kong mahanap ang anak ko.

"Nandito lang iyon kanina eh" Naiiyak na bulong ko habang tumitingin sa paligid.

"Anak, doon ako maghahanap ikaw naman dun sa kabila, dito nalang tayo magkikita mamaya." Napatango naman ako kay mama at nagsimula ng maglakad sa right side ng parke. Hindi ko na mapigilang mapaluha dahil sa nararamdaman na takot. Natatakot ako na baka mawala sakin ang anak ko, hindi ko yata kayang maisip na mawala siya sakin dahil siya ang buhay ko. Ang anak ko lang ang nagpapasaya sakin.

"A-Astrea? N-nasaan kana ba? Nanndito na si M-momma" umiiyak na sambit ko habang tumitingin sa paligid.

"No! Gusto ko sa Momma ko!, isusumbong kita sa Momma ko!" Napalingon kaagad ako kung saan ko narinig boses na iyon. Ang anak ko!

"Astrea!?" Malakas na sigaw ko. May nakita naman akong batang blonde ang buhok at hindi nga ako nagkamali. Si Astrea iyon. Ang anak ko. Pero may kasama siyang lalaki na ngayon ay dinuduro niya ito kaya napatingin ako sa lalaki kung sino ang kinakausap niya. Bumilis ang tibok ng puso ko nang masilayan ko ang mukha ng kausap niya.

"P-peyansey?"

My Selosong Husband | Hiding My Daughter From The C.E.O (BOOK 2 OF MSSSGP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon