SYDNEY'S POV
4:56 PM Na pero nandito parin ako sa kuwarto ng opisina ni Darwin at nanatili paring nakakulong. Nakaupo ako sa kama at nakatingin sa pinto. Ilang oras na ang nakalipas hindi parin siya bumabalik. Kinakabahan ako baka tulad noon hindi rin niya ako papauwiin. Okay lang sa akin noon dahil wala pa si Astrea no'ng panahon na iyon pero ngayon ay meron na kaya kailangan kong umuwi dahil may anak na naghihintay sakin.
Hindi pa naman sanay si Astrea na hindi ako kasama. Sigurado akong magwawala siya kapag hindi ako uuwi.
Napatayo ako ng bumukas ang pintoan, bumungad sa akin ang malamig na mukha niya. Bumaba ahg tingin ko sa kamay niyang may dala-dala siyang supot ng plastic sa Jollibee. Hindi ko maiwasan na matakam dahil sa gutom. Isiniwalang bahala ko nalamg ang gutom ko at matapang na hinarap siya.
"Mag re-resigne na ako." Matapang na sabi ko pero hindi niya ako pinansin at dumeritso sa kusina. Nilagay niya ang mga pinambili niya sa lamesa at inayos ang mga kubyertos. Parang wala siyang narinig at prente lang na gumagawa sa gusto niya.
"Sabing mag-re-resign na ako!" Pag-uulit ko pero wala parin.
"Sabi nang mag-re-resign na ako--"
"Shut up will you?!" Napatigil ako dahil sa sigaw niya at napaatras ng kaunti dahil sa takot. Nakakatakot ang mukha niya.
"Pagsinabi kong hindi ka aalis, HINDI KA AALIS! Naiintindihan mo ba ako? Huh?" Napapikit ako ng hilain niya ang buhok ko at padabog na itinulak sa lamesa.
Ngumiwi ang labi ko sa sakit at tatayo na sana ngaunit napasubsob ang pagmumukha ko sa lamesa dahil hinawakan niya ang likod ng ulo ko. Unti-unti ko narin nararamdaman ang init ng presensya niya dahil dumikit ang katawan niya sa akin.
"You're not going anywhere baby, akin ka lang, akin!" Mariin niyang sambit at ramdam ko ang init ng hininga niya sa tenga ko.
"M-masakit." Mahinang daing ko dahil nakaipit na ang tiyan ko sa lamesa. Mabuti nalang nakaramdam siya ng awa at binitawan ako. Naglakad siya at dumeritso ulit sa kusina. Napaupo nalang ako sa upuan at pinahiran ang luha na lumandas sa mga mata ko.
Nagbago na siya. No. Ang laki na ng pinagbago niya. Buong buhay ko hindi pa ako nasaktan ng ganito physically and emotionally pero sa kanya ko lang ito naranasan.
Bakit? Bakit niya ito ginagawa sakin? Oo alam kong malaki ang kasalanan ko sa kanya pero hindi ko akalain na kapag babalik ako sa buhay niya ay magiging ganito kami. Na basta-basta niya akong sasaktan. Pagbubuhatan ng kamay, sisigawan at pagbibintangan ng mga malalaswang bagay na hindi ko pa nararanasan sa buong buhay ko.
"Eat." Nabalik ako sa ulirat nang magsalita siya. Nasa harapan ko na ang pagkain at nasa tabi ko narin siya. Nihindi ko napansin ang pagtabi niya sakin sa kakaisip.
"I said eat." Pag-uulit niya dahil hindi parin ako kumikilos.
"Busog ako." Mahinang sabi ko sapat na para marinig niya.
"I don't fucking care, now eat." Pagmamatigas niya.
Wala na akong nagawa kundi ang kumain. Natatakot parin ako dahil sobrang sama ng tingin niya at hindi ko gusto iyon baka maslalo siyang magalit sa akin at hindi niya ako palabasin. Hindi maaaring hindi ako makakauwi dahil may anak ako na naghihintay sa akin.
Kumain rin siya at hindi na nagsalita pa. Hanggang sa natapos na kaming kumain at oras na ng uwian. Kinakabahan na ako dahil baka hindi niya ako papauwiin at ayokong mangyari iyon. Natatakot ako para sa sarili ko kung sakaling lulubog na ang araw. Baka hindi siya makatiis at angkinin ako.
Alam kong mali, sa ngayon oo. Hindi ko pa napapatunyan na wala siyang karelasyon o kinakasama kaya kinakabahan parin ako kung sakaling may mangyari sa amin at bigla na namang may sumulpot na ibang babae at aangkinin siya.
BINABASA MO ANG
My Selosong Husband | Hiding My Daughter From The C.E.O (BOOK 2 OF MSSSGP)
Romance"If you didn't leave me with my daughter, this story might not be that long. My name is Darwin Astrey Adelaide, and this is the continuation of our love story as a living partner until we both commit with my baby wife, Sydney Canberra-Adelaide." WAR...