"Momma!" Napangiti naman ako dahil sa pagsalubong ni Astrea sakin. Ang kaninang pagod na nararandaman ko ay biglang nawala dahil nasilayan ko ang masayang mukha ng anak ko. Nasa eskinita palang ako malapit sa bahay kung saan ang anak ko na naka-abang sakin sa labas habang nakaupo sa gawang kahoy at patakbong lumapit sa akin nang makita ako.
"Hi anak na-miss ka ni Momma," masayang sabi ko sa kanya at sinalubong ko siya ng yakap 'sabay karga.
"Momma namiss din po kita, bakit ngayon lang po kayo? Late po kayo." Kinurot ko siya sa pisnge dahil sa kakyutan.
"Sorry na po, six kasi ang uwi ni momma sorry po." Sambit ko.
"Six po? Ang tagal naman po Momma." Nakanguso parin ang labi nito habang senesermonan ako.
"Huwag kana po mag reklamo, kailangan kasi ni momma mag trabaho para sayo." Paliwanag ko.
"Momma tinulongan ko po si lola mag luto ng sinigang na baboy, favorite mo po iyon momma diba?" Proud na sabi niya.
"Favorite natin." Natatawang sabi ko. Bumungisngis naman siya.
Tuluyan na kaming nakapasok sa bahay at naabotan ko si mama na nag-hahanda sa lamesa.
"Dumating kana pala anak." Napalingon ako kay papa na may hawak-hawak na tuwalya habang kinukuskos nito sa buhok niya. Kakatapos lang niyang maligo at kakalabas lang ng kuwarto. Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa kanya at nginitian siya.
"Mano po pa." sambit ko at nag mano umupo sa sofa namin.
"Anak, may dala si momma ng barbeque. Tulongan mo po si lola maghanda nito." Utos ko kay Astrea na kaagad naman nitong sinunod.
"Anak, kumusta naman ang unang araw mo?" Nagmano ako kay mama nang lumapit siya sakin sabay kuha niya kay Astrea ang dala kong barbeque, nakita ko naman na tinutulungan siya ng anak ko.
"Ito po medyo okay lang, nakakainis po kasi ang amo ko. Ang kulit kainis!" Naiinis na sabi ko. Napalingon si Papa sakin kaya napatingin naman ako sa kanya.
"At talagang siya pa ang makulit? O, may ginagawa na kayong---"
"Papa naman," nakita kong tumaas ang kilay niya sa reklamo ko.
"Binabalaan kita Sydney ha? Kasal muna bago gagawa ulit ng bata." Naiinis kong tinignan si papa bago ako padabog na kumilos patayo at lumapit kila mama.
"Hoy-hoy! Huwag mo akong tatalikoran dahil kinakausap pa kita!" Hindi ako nakinig kay papa at umupo sa lamesa este sa silya.
"Tumahimik ka nga diyan honey, kumain kana anak siguradong gutom kana." Ngumiti ako kay mama pati narin si papa sa gitna ng lamesa habang katabi ko naman ang anak ko at nasa harapan ko naman si mama. Nagdasal pa kami bago kumain.
"Siyanga pala anak, pina-enroll kona pala si Astrea. Mabuti na lang malapit ang eskwelahan niya dito satin." Napa-angat ang ko kay mama.
Oo nga pala, papasok na pala si Astrea.
"Sa june five ang simula ng klase nila diba ma?" Panigurado ko. Tumango naman siya.
April 12 ngayon, mabuti nalang may isa pang buwan at makakapag sweldo pa ako para pambili ng pang school supplies ni Astrea.
Kinaumagahan, maaga akong pumasok sa trabaho malaki ang pasasalamat ko at hindi nagwala su Astrea. Dumerutso ako sa Office ni Darwin dahil may mahalaga akong kailangan ibigay sa kanya. Galing ito sa Demand's Company.
Lumapit ako sa kanya at nilagay sa lamesa ang folder kaya napaangat nito ang tingin.
"Galing daw po sa Demand's Company Sir. Sambit ko bago umupo sa katabi niya. Nakita kong hinalungkat niya iyon.
"Give me some coffee." Malamig na utos niya, tumango ako at tumayo bago naglakad papasok sa kwarto para magtimpla.
Agad naman akong nagtitimpla Napatingin ako sa paligid bakit kaya may kwarto siya dito? Ay, ewan bahala siya!
Palabas palang ako ng kwarto rinig na rinig ko na ang mga taong nag-uusap sa labas. May bisita ba siya?
"Dud naman sige na kahit ngayon lang."
"Oo nga, puro kanalang trabaho."
Teka familiar iyong mga boses ah?
Lumabas ako ng kwarto at napatingin sa mga lalaki. Ganun rin sila sa akin at napatigilat lumingon sa kinaroroonan ko. Si Hobart at Carlson pala at sa tingin ko ay gusto nilang imbitahan si Darwin.
"Sydney! Kumusta kana? It's been fice years ah, mas lalo kang gumanda." Natawa ako kay Carlson dahil sa sinabi niya. Lumapit ako sa table ng kaibigan nila at nilapag doon ang ginawa kong kape. Nakita ko naman na sinamaan niya ako ng tingin pero tinaasan ko lang siya ng kilay.
"Ah salamat." Nahihiyang sabi ko, natawa naman sila.
"Hindi ka parin nagbabago mahiyain kaparin Sydney." Napapahiya akong ngumiti sa kanila.
"Kaya pala ayaw magyaya ng kaibigan natin, may iba na din palang pinagkakaabalahan." Rinig ko kay Hobart.
"Tsk, shut up!" Tugon naman ni Astrey. Hindi ko na lamang sila pinansin at nag fucos nasa kailangan kong ipaperma sa BOSS ko.
BINABASA MO ANG
My Selosong Husband | Hiding My Daughter From The C.E.O (BOOK 2 OF MSSSGP)
Romantiek"If you didn't leave me with my daughter, this story might not be that long. My name is Darwin Astrey Adelaide, and this is the continuation of our love story as a living partner until we both commit with my baby wife, Sydney Canberra-Adelaide." WAR...