"Ano nanaman to! Jein? Jein is alive? that's a Good news! Pero yung pag punta niyo pa don just to investigate!!!! is suicidal!" Ngayon ay puro mura na ang natatanggap namin. Lahat kami dito halata na kabado dahil sa galit ni Frigus. "And you! You go to a mission that I did not approve!" His attention is on me why ako?
Bakit ako nalang lagi?
"Nagawa ko naman nang ayos yung Misyon" Pag tatanggol ko sa sarili the way he talk parang ako ang may kasalanan.
Pero wait paano niya nalaman? Halos kakabalik pa lang namin imposible na malaman niya agad yon. Nagtataka na napatingin ako sakanya na nanliliit ang mata.
"I'm the one na dapat sisihin sa lahat kung bakit kami pumunta sa barrio na yon. I freak out and do a wrong thing!" Hindi siya mukhang nag ssorry, mukhang iniiba niya lang ang topic at halatang halata yon.
Sa inis ni Frigus ay umalis ito at pumanik sa kwarto niya.
Nag umpisa na gamutin ni Immix ang mga may sugat. Kaya napag pasyahan ko na pumunta na sa kwarto ko kagaya ng iba. Ilang minuto na ang lumipas at matutulog na sana ako.
"Come in" Sabi ko nang may kumatok, nakahiga na ako at ready nang matulog kakatapos ko lang maligo.
"Ikaw pala, Immix" Umupo ako.
"Ikaw na gumamot kay Frigus eto oh. Puntahan mo nalang sa kwarto niya." Nilapag niya sa gilid ko yung panggamot at umalis agad.
"Immix" Pigil ko sakanya ng paalis na siya napatingin naman siya sakin.
"Thankyou pala kanina sa pag ligtas mo sakin." Pag papasalamat ko sakanya kung hindi dahil sa kanya ay malamang namatay nako.
Tumango naman siya ng nakangiti at umalis na.
Napatingin ako sa nasa gilid ko at nakita ang first aid kit...
Hayyyy matutulog nalang ako at lahat lahat eh.
Lumabas na ako nang kwarto, rinig na rinig ang ingay sa baba siguro nandon yung iba. Kakatok sana ako pero nakabukas na nang konti yung pintuan kaya tumuloy na ako. Nakita ko siya sa nakaupo sa kama at nakatalikod sakin may hawak siyang picture frame. Nakatingin lang siya don sa picture masyado sigurong malalim ang iniisip niya kaya kahit presensya ko di niya manlang naramdaman. Tinitigan ko yung picture, picture nilang lahat yon kasama si Jein girl, they look happy sa pic na yon. Kahit kailan diko sila nakita na ganyan kasaya.
Even him nakasmile siya sa picture.
"Frigus." Tawag ko sakanya dahil inaantok na ako at pagod na din ako at gusto ko nang matapos agad to. Mukhang hindi niya ko narinig. Kaya inulit ko ang pag tawag ko sakanya.
"Holy! bakit ka nandito?!" Itinago niya ang picture sa ilalim ng unan niya, hindi ko iyon pinansin at Itinaas ko ang First aid kit at pinakita sakanya.
Inilagay ko sa study table katabi nang kama niya iyon.
Nag umpisa na akong gamutin siya kahit na naiilang tinuloy ko lang ito.
"Pikit gagamutin ko sugat mo sa mukha" Sabi ko nang nagamot ko na ang sugat sa ibang parts nang katawan niya. Noong una ay nag talo pa kami kasi ang arte ayaw mag pagamot, eh di pwede yon kasi baka mainfection sugat niya.
"Bakit ka ba nandito?" Mahina ang boses niya.
"Para gamutin ka." Sagot ko. Natanong niya na kanina yan eh. Gusto ko sana sabihin na daig niya pa boomerang sa instagram.
"I mean bakit ka sumali sa group namin, bakit ka nandito?" Seryosong sabi niya habang nakapikit, napatigil ako sa pag gamot sa mukha niya pahiya ako don ah.
"I just wan't a revenge. Demon kill my family so I want to kill them all. Kaya pumasok ako dito" Seryosong sabi ko pinipigilan ko na maalala ang pagkamatay at itsura nang pamilya ko nang madatnan ko sila.
Nagiging emotional kasi ako kapag naaalala ko.
But my mind betray me.
"Tell me what happened" Mahinang sabi niya at tila handang handa siyang makinig.
"Long story." Sabi ko dahil hindi ko kaya sabihin iyon sakanya at baka maging emosyonal ako.
Pag dating sa pamilya ko mahina ako.
"Make it short then." Sagot niya. Dumilat siya kaya napatingin ako sa malalim niyang mata.
Kasabay ng ala ala ay sinabi ko sakanya ito
Flashback
May overnight kami for study purpose pero di na talaga ako mapakali parang may mali kasi ramdam mo yon yung tipong parang may mangyayaring masama. Kaya umagang umaga di na ako nag almusal at umuwi na agad. Sobra ang pagmamadali ko dahil sobrang bigat ng pakiramdam ko at gagaan lang ang pakiramdam ko kapag nakita ko sila. Pagkapasok ko sa bahay ay puro dugo ang sahig sinundan ko ito at ang tumambad sakin ang baby ko na kapatid.
No, this is not happening! Sinampal ko ang sarili ko ng paulit ulit para gisingin sa panaginip nato pero hindi eh hindi to panaginip, totoo to.
"Nay! Tay!" Sigaw ko ng pangalan nila at umaasang sasagot si Inay ng "Anak halika na mag almusal na tayo" Pero wala, walang sumasagot! Hinanap ko sila at patay na din sila, walang laman loob sa tiyan at halos hindi makilala, halos masuka ako dahil don. Nag punta akong c.r para sumuka pero pag ka punta ko don nandon ang kambal na kapatid ko at may malaking sugat sa leeg at sa iba't ibang parte nang katawan. I feel numb parang namanhid ang puso ko sa sakit. I cry and cry to ease the pain pero never nabawasan yung sakit.
Sobrang sakit sobra, walang salita para maipaliwanag ang nararamdaman ko.
Bumalik ako sa relidad ng nag salita si Frigus.
"You're crying..." Saad ni Frigus. Agad kong pinunasan ang luha ko pero traydor ang mga luha ko patuloy lang itong tumutulo. Nagulat ako nang yakapin niya ako, gumaan ang pakiramdam ko dahil don. Iniyak ko ang lahat ng sakit.
Ngayon ko lang ulit naramdaman na hindi ako mag isa.
Salamat.
............
"Good morning!" Bati ni Caligo nang nakasalubong ko siya.
May benda siya sa braso.
"Good morning din. Have a good day Caligo."
"Teka umiyak kaba?" Linapit niya ang mukha niya sakin kaya agad akong napaatras dahil don. Nakaramdam ako ng ilang dahil sa lapit niya.
Tinignan niyang mabuti ang mata ko na nag tataka.
"Halata ba?" Tanong ko sakanya.
"Oo halatang halata. Bakit inaway ka ba ni Frigus nung ginamot mo siya?" Pang bibintang niya kay frigus.
"Hindi ah!" Depensa ko.
Kung alam mo lang.
BINABASA MO ANG
DEMON HUNTERS
Mystery / ThrillerMisteryosong lugar na pinamumugaran ng kapahamakan, handa ka bang tumira? Kaira the girl who wants justice for her beloved family. Family that killed and eat by a Rogue Demons. At first she don't believe in that kind of things or existence that ea...