Chapter 13: Good times

12 5 1
                                    

"Inaway ka niya no? Hayaan mo Igaganti kita." Pag pipilit niya. Lumaki ang mata ko nang nasa likod niya si Frigus.

"Sa paanong paraan?" Seryosng sabi nito.

"Igaganti ki-t-ta na--a-ng" Halos di niya maituloy ang sinasabi niya nanlalaki pa ang mata niya at tinuturo ang likod niya. "Halik." Bigla siyang tumalikod at kiniss sa pisnge si Frigus at tumakbo.

Diring diri si Frigus at parang gusto ng manapak.

Natawa ako dahil don. Halos tawa ako nang tawa hawak ko pa ang tiyan ko. Pinunasan ni Frigus nang kamay niya kung san siya kiniss ni Caligo. Diring dira siya don at pikon na pikon na siya, habang si Caligo ayon nawala na nang tuluyan.

Puro talaga kalokohan si Caligo kahit kailan.

"Ew. Yuck! It's disgusting lagot ka sakin mamayang Caligo ka!" Maarteng sigaw niya kaya natawa ulit ako.

Tumigil ako nang nakatingin na lang siya sakin at parang hinihintay na matapos ako tumawa. Nag crossed armed pa siya at tumingin sakin ng diretso.

Tumigil ako at umubo kunwari.

"Ah eh sorry." Sabi ko mukha kasing napikon siya lalo dahil sa tawa ko.

"We have a mission tommorow, be ready." Seryosong sabi niya at nilagpasan ako.

Ganyan na lang siya lagi puro mission, mission, mission and missions. Pero I'm happy sa wakas balik mission na ulit.

"Amity, Reverie, Immix, Caligo and Niteõ your going to mission today. Galad give them the info." Napatingin ako kila Amity na kumakain nang sabihin yon ni Frigus. Galad look genius as always, sinabi niya na sundan sila nang mga binanggit ni Frigus.

"The rest sa labas, we have training." Na excite ako bigla dahil sa sinabi ni Frigus, ngayon lang ako mag ttraining na sila ang kasama. Lumabas na agad ako dahil sa pag ka excite ko.

"Good to see you smiling" sabi ni Pridian at nilagpasan ako.

WHAT?

Gusto kong sumigaw dahil pinuri niya ako.

Buo na araw ko!

I sectretly admire him napaka mature niya, lahat nang bagay naiintindihan niya, unlike Frigus pero may tinatago din naman na bait si Frigus kahit papaano.

Teka bakit ko ba sila pinag kkumpara?

Biglang may sumulpot sa harap ko

"Goodluck" Ano nga palang klase nang training gagawin namin? Sa tono kasi ni Vadon parang nanakot eh.

I smile at Vadon, nagulat ako sakanya.

"Your new to this pero masasanay ka din." Saad niya at tumabi sakin. Ilang minuto na kami dito pero wala pa din siya.

"Ang tagal naman ni Frigus." Angal ko. Mukhang bawat oras mahalaga sa dalawang to di ba siya nahihiya na pag hintayin to.

Oh God, dumating na din siya.

I can't believe this. Our training is ridiculous una nilagyan kami nang blindfold and hinanap namin siya. Tas umakyat kami nang puno para maghanap ibon at pinakawalan din naman. Tas Pumunta kami ngayon sa batis na malapit at nanghuhuli nang isda gamit ang sibat halos hirap na hirap ako at basang basa nako. Pero si Pridian at Vadon tapos na agad at si Master nakatayo lang at nakangisi tuwang tuwa na nahihirapan ako.

Binabawi ko na sinabi ko kanina, wala siyang tinatagong bait.

"Go Kaira! kaya mo yan!" Cheer ni Vadon ng nakita niya na nawawalan nako ng pag asa. Lumakas ang agos kaya natumba ako at nabasa pati pang itaas ko basang basa na din ngayon.

Tumayo na ako nagulat ako ng hindi na nag sasalita si Vadon, na kanina sumisigaw ng paulit ulit na kaya ko to. Basa na din ang mukha ko kaya tinanggal ko ang tubig dito, pag ka dilat ko sapul may tumama sakin this time hindi tubig kung hindi bagay pag katingin ko jacket, wait eto yung suot ni Frigus ah.

"Let's Go, it's enough" Nakatalikod na siya non at paalis na. I look at Pridian and Vadon nakatalikod na din sila at nag lalakad na. Isinuot ko ang jacket niya halata pala yung panloob ko sa pang itaas, kasi nabasa ako.

Napakasweet niya pala jusko. Ihagis ba naman sa mukha ko yung jacket para isuot ko. Sa Korean drama sweet eh, sinusuot pa nang lalaki sa babae yung jacket o kaya inaabot nang maayos pero sakanya jusko ibato ba naman sa mukha ko, masakit kaya tumama pa ziper sa noo ko!

"Nakapag warm up na kayo, ngayon mag hand to hand combat tayo kagaya nang dati." Sabi niya nandito na din Sila Amity warm up lang pala yung kanina? Nag umpisa na sumugod agad si Immix kay Amity at si Niteõ naman kay Reverie. Si Vadon at Pridian. Si Caligo at ako. Si Frigus at Galad.

Ngumiti pa si Caligo sakin bago sumugod mabuti at ready ako agad ko siyang binalibag, una ang likod. Napahawak siya dito agad siyang sumugod, sumuntok siya pero naiwasan ko yon. Nang nakatyempo ako sinuntok ko siya sa sikmura sabay pilipit nang kamay niya. Binitawan ko siya ng lumapit sakin si Pridian akala ko tutulungan niya si Caligo pero nakipag laban din siya sakin. This time ako yung napunta sa sahig. Ang sakit feeling ko nabali buto ko don ah. Sinugod siya ni Caligo sila naman ang nag laban si Frigus naman ngayon ang kaharap ko.

Unang atake palang niya humalik na ako sa lupa. Bawat pag sugod ko naiiwasan niya at tila nababasa niya ang sunod na gagawin ko dahil naiiwasan niya yon. Pag ka sipa ko sa mukha niya ay nahawakan niya ang paa ko kaya hindi iyon dumikit sa mukha niya agad niya iyong binitawan at tinulak dahil don bumagsak ako sa lupa at feeling ko nabali buto ko sa likod.

"Aray" Sabi ko nang ginagamot ni Immix ang sugat ko. Tapos na kami grabe parang nag ka roon nang world war 3 kanina.

"Tsk, kalaban mo ba naman si Frigus eh. Tanga mo dapat tumakbo ka." Harsh na sabi ni Immix.

"Akala ko di niya ko papatulan nang ganon, kasi babae ako." Angal ko.

"Walang baba- babae kay Frigus. Ano ka ngayon bugbog ka no." Sabi niya.

"Kaira sorry pala kanina" Sabi ni Pridian pag lapit niya isa pa siya bumalik ata pag ka sakit nang likod ko dahil naalala ko.

"Sana all nag ssorry no? Sakin dika mag ssorry?"Sabat ni Immix.

They seem close but sometimes hindi.

"For what Immix?"

"Duh? Nag ka laban din kaya tayo!"

"I know pero di kita sinaktan?"

"Ayon nga eh parang ayaw mo akong kalaban!"

"Don't overthink things Immix."

Dahan dahan ako gumapang at umaalis dahil mukhang nakalimutan nila na may kasama sila at baka pag tumayo ako at umalis ay maistorbo sila sa pag aaway sayang naman.

"Ay kalabaw!" It's Galad gumagapang din siya at si Vadon

DEMON HUNTERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon