"Ah!" Sigaw ko ng may tumama ng dagger sa likod ko. Pag ka tingin ko si Reverie ang may kagagawan non!
Dumating lang silang dalawa ay mas lalo akong nabanas kaya binunot ko ang dagger sa likod ko at ibinato sakanya. Sapul sa siya sa braso. Gusto ko munang pahirapan siya bago patayin kaya sa braso muna at huwag muna sa ulo. Patuloy nila ako nilabanan at inatake madami sila pero wala pa rin sila sa bilis at lakas ko ngayon ko lang naramdaman to feeling ko lahat kaya kong gawin.
Nakikita ko ang pag aalinlangan sa kilos nila tuwing aatake, takot at awa.
"Kaira! Labanan mo kaibigan ka namin! Isa ka samin tandaan mo!" Sigaw ni Reverie habang nakahawak sa braso niyang duguan.
"Your a human deep inside" It's Pridian.
Tumakbo ako sa direkyon niya at gusto ko din siyang patayin. Natigil ako ng pinigilan ako ni Frigus, niyakap niya ako...
Nag pumipiglas ako.
"We love you, I love you." Saad niya at mas hinigpitan pa ang yakap sa akin. Unti unti ay kumalma ako dahil sa sinabi niya at dahil sa init ng yakap niya... ramdam na ramdam ko ang pag mamahal niya at sinseridad sa sinabi niya. Para akong naging isang maamong lion dahil sa yakap niya.
Unti unti akong bumalik sa dati kong anyo. Doon ko narealize ang nagawa ko.
Nasaktan ko sila.
Lahat sila!
Umiyak ako patuloy ang pag tulo ng luha ko sinaktan ko ang mga kaibigan ko, sumubsob ako sa dibdib niya at umiyak. Gumapang sakin ang guilty dahil sa nagawa ko. Ang tanga ko ang tanga tanga ko. I can't control it anymore.
I betrayed them.
"Shhhh" Pag papatahan niya at tila sinasabi na okay lang ang lahat. Hinahagod niya ang likod ko pero hindi iyon nakakatulong mas lalo akong umiiyak.
"I'm so-rry" Saad ko. Binitawan niya na ako, tumingin ako isa isa sakanila dumating na din si Galad na may bakas ng kamay ko sa leeg nito at si Vadon na muntik nang mamatay dahil sakin.
Lumuhod ako at humingi ng tawad sakanila. They look all afraid on me but at the same time they pity me.
"Forgive me" Huling salitang binitawan ko bago sila iwan.
Tumayo ako at agad na tumakbo palayo.
Sinaktan ko sila.
*********
Halos isang buwan na pero sariwang sariwa pa rin sa isip ko ang pangyayaring iyon. Simula non ay hindi na ako bumalik pa. Ngunit araw araw akong nag mamasid sakanila. Halos patayin ko ang sarili ko sa sisi dahil sa nagawa ko sakanila. Magaling na sila ngayon at kumukuha na ulit ng misyon, kagaya noon.
Ang pinagkaiba lang ay di na ako kasama doon.
Nasanay akong mabuhay kasama sila noon at ngayong ako nalang ulit mag isa ay sobrang lungkot. Hinanap nila ko pero mahirap hanapin ang ayaw mag pahanap. Kailangan ko silang layuan para sa kaligtasan nila. Hindi ko kakayanin kung isa sakanila nanaman ang masaktan ko.
Marami nang mga tao sa syudad na ang napatay ko na dahil sa hindi ko ma control ang sarili ko. Nag karoon din ako ng dalawang kasama ang una ay ang lalaki na binalaan ako noon at pangalawa ay ang babae sa bar na kinausap ako noon. Sila ang kasama ko tuwing aatake sa syudad, hindi ko sila kakampi ngunit hindi rin matuturing na kaaway.
They are both dangerous.
Kinabukasan ay hating gabi na ng pumunta sa gubat malapit sa HQ na dati lang ay parte ako. Pumupunta ako dito para pag masdan sila, ako lang mag isa at hindi ko sinasama ang dalawa kahit gustong gusto nila.
Nakikinig sila sakin dahil alam nila kung sino ako.
Nang naramdaman kong may mali ay agad akong bumaba ng puno at pumasok sa loob.
Sigurado akong walang tao dahil sa nakakabinging katahimikan.
Pag ka pasok ko ay nagkalat ang dugo sa paligid.
A freaking blood!
Tumakbo ako at sinagaw isa isa ang pangalan nila pero walang sumasagot!
Sobra ang kaba na nararamdaman ko.
NO!NO!NO
Wag naman sanang tama ang hinala ko. Sa oras na may mangyaring masama sakanila ay papatayin ko sila!
Pag ka punta ko sa c.r ay may nakasulat sa salamin at dugo, ang ginawang panulat don.
I feel my blood boiling dahil sa galit na nararamdaman ko at ang hitsura ko ay nag iiba na nang makita ko ang sarili ko sa salamin .
Nakita kong umitim ang buong mata ko at humaba ang mga ngipin ko pati ang kuko ko. Ang buhok ko ay nag pula na. Nag bago ang anyo ko hindi dahil sa mga dugo sa paligid ko kung hindi dahil sa galit na nanggagaling sa puso ko.
'You know where they are, see you our Princess!'
It's them! The true family that I will never acknowledge.
Matagal na nila akong kinukuha pero hindi ako pumapayag dahil gagamitin lang nila ako. Mukhang nirerespeto nila ang desisyon ko pero ngayon ay masyado na silang nainip kaya nila ginawa to. Mabilis akong tumakbo ramdam ko ang luhang tumutulo sa pisnge ko. Ipinangako ko sa sarili ko na hindi ako papayag na may masaktan sakanila dahil sakin.
Ito ang bario kung nasaan ang isa nilang kasama si Jein, na minsan na rin akong kinausap. Malaki itong lugar na ito at makaluma, malapit ito sa bundok mukha itong kastilyo sa laki.
Bumababa ako sa puno at agad na ginilitan sa leeg ang dalawang nakabantay, wala na akong pakielam kung kalahi ko sila masyado nila akong ginalit.
Pag ka pasok ko ay para akong bumalik sa nakaraan dahil sa lumang disenyo nang lugar.
May mga sumugod sa akin na demon at nag laban laban kami ngayon isa na akong hayop. Nag kamali sila nang desisyon.
Nang masyado na silang dumami ay isa isa ko silang sinunggaban sa leeg at kinagat ilang segundo lang ay patay na sila. Marami akong nakuhang galos dahil sa pag laban nila kahit alam nila kung sino ako ay nilalabanan pa rin nila ko dahil alam nilang kaya ko silang patayin.
Nang natunton ko kung nasaan sila na silid ay pinatay ko ang bantay nito sa labas at ang nasa loob. Ramdam ko ang titig nila sa akin. Ibinalik ko ang dati kong anyo at kinalagan sila. May mga sugat sila, siguro ay nanlaban sila noong kinuha sila.
BINABASA MO ANG
DEMON HUNTERS
Mystery / ThrillerMisteryosong lugar na pinamumugaran ng kapahamakan, handa ka bang tumira? Kaira the girl who wants justice for her beloved family. Family that killed and eat by a Rogue Demons. At first she don't believe in that kind of things or existence that ea...