Chapter 23: Demon Clan

4 1 0
                                    

Rush POV

Akala ko ay di niya na ililigtas ang mga pasaway na Demon Hunters, pero pumunta pa rin siya.

Agad kaming pumunta ni Fawn kung nasaan ang Hari at Reyna. Kinausap na sila ni Fawn at ako ay nakikinig lang.

"Di po namin alam ang nangyayari ngayon, pero isa lang po ang malinaw. Maraming pinatay ang anak niyo sa atin. Hindi po namin siya kayang labanan, dahil baka masaktan siya." Magalang na sabi ni Fawn.

Nakatingin at nakikinig lang ako sa pag uusap nila.

"Tara na, panahon na para bawiin ang anak ko sa mga tao." Sabi ng Reyna, ang totoo ay matagal na panahon na namin alam na buhay ang isa sa pinakamalakas na demon ngunit sa di malamang dahilan ay tutol ang Reyna na kunin ang anak niya, iniintay niya ito ang lumapit pero dahil nainip na ang hari, gumawa na ito ng paraan.

Pinadukot niya samin ang mga mahahalagang tao sa buhay ni Kaira.

Kailangan na din namin sila patayin dahil may order sa lahat ng Demon Hunters, na patayin si Kaira.

Umalis na kami at papunta na kung saan iniwan namin ang mga demon hunters na mahalaga sa buhay niya.

Traydor ang mga tao, hindi sila dapat pinag kakatiwalaan.

Madami ang patay na demon ang naabutan namin.

Ramdam ko ang tingin ng lahat ng tao na nasa malaking kwarto na ito.

Shocked because of our number.

Madami kami at puro malalakas.

I feel the fire burning on my body. I want to kill them all.

Tumigil ang tingin ko, sa babaeng balang araw ay makakatuluyan ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa kinatatayuan ko.

Pumikit ako para mag focus, kahit pag huni ng ibon galing sa labas ay naririnig ko. Nanghina nag loob ko nang di kor marinig ang tibok ng puso niya. Pag ka bukas ko ng mata ko ay ramdam ko ang galit sa paligi, nag uumpisa na magbago ng anyo ang mga ibang rogue dahil sa nakita.

Nang tignan ko ang hari nararamdaman ko ang ang galit nito. Paniguradong ang lahat na demon hunters na nandito, at ang mga demon hunters pa na galing sa iba't ibang lugar ay mamatay.

Nang may nag kasa ng baril ay agad ko itong nilapitan para dukutin ang puso nito. Dahil sa bilis non ay hindi manlang ito nakalaban. Tila nagulat ng katabi nito at namutla, dinukot ko ang puso ng demon hunter na ito, tumumba ang patay nitong katawan sa sahig at hawak ko naman sa kamay ang puso nito. Nabitawan ko ang hawak ko ng biglang sumigaw ang Reyna.

"Anong ginawa niyo? Pag babayaran niyo to!" Sigaw ng Reyna at tinulak ang babaeng nasa tabi ni Kaira kung hindi ako nag kakamali, Immix ang pangalan niya. Kilala ko lahat ang Demon hunters na nakasama ni Kaira dahil noon palang ay nag mamatyag na kami sa buhay niya. Kaya noong panahon na umalis siya sa demon hunters ay agad namin siyang sinamahan ni Fawn at pinaliwanag ang lahat about sa pamilya niya.

Sumuka ng dugo ang babaeng nag ngangalang Immix, Nilapitan agad ito ni Niteo isa sa matalik na kaibigan ni Kaira.

Umiiyak na ang Reyna na ngayon ay buhat sa braso ang anak niya. Walang kumikilos ni isa na demon hunters sa takot na mamatay sila.

Agad kong nilapitan ang nag ngangalang Frigus, gusto ko siyang pataying dahil alam ko na may gusto sakanya si Kaira. Nakatingin siya ng masama sa akin at tila handang handang lumaban kahit patayan. Isa siya sa pinakamagaling na demon hunters pero ako ang isa sa pinakamalakas sa demon clan dahil kagaya ni Kaira ay Daunting din ang magulang ko.

Sinugod ko ito at sinubukang saksakin pero mabilis siya, at naiwasan niya iyon. Ang mga kasama niya ay kumilos na din at sinubukang atakihin ako. Hindi ako nag ibang anyo dahil gusto ko silang labanan ng patas.

Binuhat ko ang babaeng nauna akong atakihin at hinagis ito. Agad itong tumilapon at umuubo na ngayon.

Panigurado ay may bali siya dahil sa lakas ng pag kakabato ko.

"Amity!" Sigaw ng mga kasama niya at pinuntahan siya. Nag umpisa na ding umatake ang mga Rogue na kasama namin. Dahas at pag patay na ang nagaganap.

Kumuha ako ng kutsilyo sa lapag at hinagis sa kanya para gamitin niya. Nginitian ko siya at umaatake na. Pag wasiwas ko nito ay napuruhan siya sa braso. Papatayin ko na sana ito ng biglang umatake ang pinaka gusto ko na maging kalaban sa lahat. Si Pridian ang taong unang nagustuhan ni Kaira.

Nakita ko sa paligid na kalaban ni Fawn si Reverie. Sugatan na ito ng husto, nasa paligid sila ang mga demon hunters at prino-protektahan si Immix at Amity na hindi makakilos dahil sa natamo.

Napatumba ko ang dalawa at nag bago na ako ng anyo. Balak ko silang patayin ng sabay. Gusto kong tumawa sa isip ko dahil sabay silang pasugod sa akin.

"Rush, tama na yan. Wag niyo papatayin ang mga taong minsan ay naging parte ng buhay ng anak ko." Sabi ng Reyna. Nag dadalwang isip pa ako dahil malapit na ang dalawa sa akin, lumapit ang hari at sabay na hinawi ang dalawa. Tumilapon ito sa gilid.

"Tara na, dalhin mo si Kaira ubos na sila. Ang natira nalang ay ang mga demon hunters na kasama ng anak ko noon" Sabi ng Reyna. Papalapit na ang hari kay Frigus at Pridian mukhang balak niya ng tapusin ang buhay ng dalawa.

"Amir! Wag!" Pigil ng ina ni Kaira at agad na hinrangan ito.Nakikiusap ang mata nito. "Para sa anak natin. Please hayaan mo silang mabuhay."

"Pinatay nila ang anak natin Dahlia!"

"May paraan pa, tara na umalis na tayo."

Mabait ang Reyna pero may tinatago din itong sama ng ugali kagaya ng bawat isa saatin.

Mukhang na kumbinsi na ang Hari.

Binuhat ko na si Kaira at umalis na kami. Mukhang natutulog lang siya kung titignan.

Noong bata ako ay nakikita ko na siya at pinag mmasdan sa malayo. Matagal na panahon ang inintay ko para makasama siya. Pero masyado na akong nahuli, kung alam ko lang, noon pa lang ay kinuha ko na siya at di na pinabaayaan sa mga tao. Alam ng buong angkan ng Demon na si Kaira ang makakatuluyan ko dahil pinag kasundo na kami ng magulang namin sa isat't isa bago pa kami ipanganak.

Inilapag ko siya sa batong lamesa at tinignan ang Hari at reyna.

"Iraden, kunin mo ang venom." Siya ang pinag kkawtiwalaan ng hari sa lahat.

Mabilis na umalis si Iraden at sinunod ang utos. Pag kabalik nito ay dala na nito ang case at nasa loob nito ang venom.

Agad ito na kinuha ni King Amir at tinusok kay Kaira. Pag ka tapos non ay kinagat naman ni Queen Dahlia sa iba't ibang parte ng katawan si Kaira. Nanginig ang katawan ni Kaira at walang tigil ito sign na ang venom ay kumakalat na sa katawan niya.

Kahit ako ay hindi ko alam kung mabubuhay pa ba siya. Napahakbang ako ng hindi na normal ang panginginig niya wala itong tigil. Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko dahil maaring di na maging epektibo ang venom sa katawan niya kagaya ng sa magulang ko noon. Hinawakan ni Fawn ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.

Nang tumigil sa panginginig ang katawan ni Kaira ay tumigil na din sa pagluha ang reyna at mukhang nabuhayan na ng loob ang hari.

"Rush at Fawn dalhin niyo na sa kwarto niya ang anak ko." Tumigil na sa panginginig ang katawan ni Kaira. Binitawan ko ang kamay ni Fawn at binuhat na si Kaira. Tinignan ko ang magulang ni Kaira.

"Magiging maayos din ang lahat, maari na po kayong mag pahinga kami na pong bahala ni Fawn sakanya." 

DEMON HUNTERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon