"I gather all the info." Binigyan na kami nang paper ni Galad. "It's an underground illegal Demon fighting."
Tinignan ko ang papel may mga litrato ito nang nag lalaban na tao at demon.
Puro misyon ang inaatupag namin at wala nang halos pahinga, kita sa mga kasama ko na kailangan na nila ng pahinga. Si Amity ay nasa hospital dahil sa nangyari.
Sugal at pag pusta.It's insane ginagawa nila yon para sa kasayahan.
It's matter of life and death and sinong matino ang lalaban sa demon nang walang kahit anong sandata.
"We have to arrest the responsible for that gamble. And kill all the demons na tinatago nila" Paliwanag ni Galad.
Galad and Caligo fight when we arrive from the mission. He blame Galad sa nangyari samin. Pero mabuti at mejo naging okay na sila ngayon.
Na ttrauma na ako dahil sa mga misyon na ginagawa namin, buwis buhay ito lagi.
Nang makarating kami sobrang ingay puro mga taong ang nag sisigawan kahit nasa entrance palang kami ay rinig na rinig ito. Binigay ni Pridian ang ticket naming apat. Nang makapasok kami ay nilibot ko ang mata ko malaking lugar na ito at madaming tao ang kasya. May second floor din. May isang malaking Glass room na may iilang mga tao at sila ang mga namamahala dito.
Pumunta kami sa may bandang harap at doon kami umupo, may nag lalaban na isang malaking lalaki at isang Beast Demon. Kapag nanalo ang lalaki may malaking pera siya na panalo, kaya siguro kahit delikado ay go pa rin siya. Isang paraan lang para matalo niya ang demon, kailangan niya lang lagyan nang tali ang kamay paa at bunganga nito yon ang rules.
Pero siya kapag nasugatan siya o namatay sa laban, wala nang paki ang namumuno. Basta sabihin niyang suko na siya makakaligtas siya pero mag babayad siya nang malaking halaga.
Parang pampalubag loob.
Katabi ko si Frigus at Pridian. Habang katabi nila si Vadon at Galad nasa pinaka gitna ako dito kasi ako pinapwesto ni Galad.
"Chicks pare" Rinig kong sabi nang nasa likod ko.
"Kaya nga ang ganda pare parang dyosa, pwede nang pamalit sa Girlfriend mo." So means sila pa, hindi ex eh.
Aba matindi babaero.
Alam ko ako ang tinutukoy nang dalawang nag uusap sa likod ko ramdam ko ang pag tingin nila. Hindi ko iyon pinansin at nag focus nalang sa Arena.
"Hi, anong kailangan mo?" Maayos na sabi ko nang pag ka tingin ko sa humawak sa balikat ko. Maayos at presentable naman ang hitsura nito pero halatang maloko at babaero. Napatingin din sila Pridian.
"Don't touch a girl without her consent" Formal na sabi ni Pridian. Bawal kaming gumawa nang gulo dahil makakaapekto sa plano.
Binitawan naman nung lalaki ang balikat ko dahil sa sama ng tingin ng mga kasama ko sakanya.
"Pwedeng makahingi nang calling card mo?" Maayos na tanong nito.
Kinuha ko ang wallet ko at binagay ang hinihingi niya para lang matigil na siya. Ang kasama niya ay nakatingin lang.
Tumalikod na ako narinig ko silang nag bubulungan.
"Akala ko ba popormahan mo." Bulong nang isa sakanila.
"Ang sasama nang tingin sakin nang mga kasama niya kasi kainis." Inis na sabi nito.
"Ang duwag mo naman pare."
"Ikaw nga, hindi nag salita eh." Pang aasar nito sa kasama.
"Ah eh natakot din kasi ako" Sabay tawa nito nang awkward. Tinignan ko ang katabi ko si Frigus mukhang wala naman siyang naririnig. Siguro sadyang malakas lang pandinig ko pati paningin ko sobrang linaw din.
Hindi lang kami ang involve sa misyon na to madami pa galing sa ibang demon hunters dito, pero iisa lang ang plano. Tumayo na si Pridian at umalis, yon na ang hudyat na kumilos na kami. Nag hiwa hiwalay na kami pero kasama ko si Vadon at Galad habang si Pridian at Frigus ay mag ka iba nang landas.
Biglang nag kagulo ang mga tao nang biglang bumagsak yung demon dahil sa tama nang baril sa ulo nito sabog ang ulo nito kaya tumalsik pa ang ibang laman non sa kalaban niya.
"Sino gumawa non? Wala sa plano yon ah." Saad ni Galad.
"Sa ibang association yan panigurado. Pasaway ang iba doon." Sagot ni Vadon. Seryosong seryoso na sila ngayon, they look so serious and dangerous.
Nag mamadali ang mga tao palabas. Nabangga pa ako ng mga ito mabuti at hawak ako ni Vadon kaya hindi ako natangay ng mga ito. Nag alarm na din ang Arena. Tumakbo na kami papunta sa taas kung nasan ang mga namamahala, doon kami at doon isesecure namin na walang makakatakas.
"Just sit down and relax hindi namin kayo sasaktan." Seryosong sabi ni Vadon nang pag ka pasok namin don.
Mabilis ang kilos namin kaya naabutan pa namin sila.
"Sino kayo!" Sigaw nang isa sakanila.
"We're a demon hunters" Sabay sabay na sabi namin tatlo nag katinginan kami dahil don.
"I sense that one of you is a demon" Saad ng isa sakanila. Lumaki ang mata ko dahil don.
"Pano mo nasabi?" Nag aalangan na tanong ko.
Unti unti gumapang ang kaba sa sistema ko. Matagal ko nang nararamdaman na may kakaiba sa akin.
"I feel it dahil demon din ako." Nag bago na ito nang anyo at sumugod sakin. Muntik niya nang makalmot ang mukha ko mabuti nalang at nakailag ako. Bigla siyang sumakay sa likod ko. Inaasinta nila Vadon at Galad itong demon pero dahil nasa balikat ko ito ay nag aalangan sila na barilin ito kasi pano kung ako ang matamaan?!
"Ah!"Ang sakit bumaon ang kuko niya sa bandang balikat ko dahil sa kapit nito. Dahan dahan kong kinuha ang dagger sa bulsa ko ng hindi nag papahalata at agad ko siyang sinaksak nang dagger sa ulo. Bumagsak ito sa sahig. Napahawak naman ako sa balikat ko dahil sa pag dudugo nito.
Lumapit sakin si Vadon.
"Kaya mo pa? Ayos ka lang?" Nag aalalang tanong nito.
"Oo wala to" Pagmamayabang ko ngumiti pa ako para ipakita na hindi masakit. Agad akong tumalikod dahil kumirot. Ayoko makita niya na mahina ako.
"KAIRA!!!" Bago pako makatingin ay biglang akong humagis at humampas sa pader, feeling ko nag crack ang buto ko dahil sa pag tama ko sa pader, pag ka tingin ko don ay lumubog ito at nasira kung san ako tumama, agad akong sumuka ng dugo dahil don napahawak ako sa dibdib ko dahil naninikip ito at hindi ako gaano makahinga.
Napapalibutan na din ako nang karamihan sakanila at lumabas ang tunay na anyo nila, hindi nga ako nag kakamali Rogue Demons silang lahat na namamahala dito.
Hindi ko makita si Vadon at Galad dahil nakapalibot ang karamihan sakanila sakin. Pero naririnig ko ang sunod sunod na putok ng baril.
BINABASA MO ANG
DEMON HUNTERS
Mystery / ThrillerMisteryosong lugar na pinamumugaran ng kapahamakan, handa ka bang tumira? Kaira the girl who wants justice for her beloved family. Family that killed and eat by a Rogue Demons. At first she don't believe in that kind of things or existence that ea...