Chapter 17: A long time passed

14 5 1
                                    

"Sit." Kunot noo akong tumingin sakanya at hindi alam ang irereact.

Ano aso lang?

"Bakit?" Medyo hilo pa ako at gusto ko mag kape para kahit papano ay gumaan ang pakiramdam ko.

May dala siyang First Aid kit. Alam ko na kaya niya ako pinapaupo ay para gamutin ako. Nakakapag taka lang kaya hindi agad ako sumunod sa sinasabi niya.

"Gagamutin ko ang sugat mo" Napatingin ako sakanya kung seryoso ba siya. Oo sabi ko nga. Kanina lang halos patayin niya ko ngayon gagamutin niya ko ayoko nga!

De joke ano pabebe lang?

Umupo na ako

Alam mo Frigus kung dika lang gwapo kinutusan na kita sa sama nang ugali mo tas ngayon mabait kananaman.

Halos hindi ko maramdaman yung sakit nang pag gamot niya magaan ang kamay niya. Napangiti ako dahil ang seryoso niya masyado at ingat na ingat siya kahit ginagamot niya lang naman ako. Parang nag oopera na siya sa pag iingat niya sa pag gamot sakin eh. Lalo pa akong napangiti dahil don.

"Wow, smile." Asar ni Vadon ng habang dumadaan siya. Nasa HQ na kami.

Tinignan ko siya at nilakihan nang mata dahil yan nanaman siya sa pang aasar niya.

"Smile, smile, smile 3 times a day brush with colgate..." Kanta nito habang papanik na nang hagdan, sarap niyang batuhin.

Sintunado!

"Hey, focus on me" Napabalik naman ako sa ayos dahil sa sinabi ng lalaki na ngayon ay gumagamot ng sugat ko. Inayos ko din ang expresyon ng mukha ko. Hindi ko siya gaanong narinig dahil sa hina ng boses niya.

"Ano?" Tanong ko na dapat pala diko nalang tinanong.

"Sabi ko focus ang gulo gulo mo! Gagamutin mo sarili mo? o mag pa gamot ka kay Pridian." Inis na sabi nito nakita ko na papasok na si Pridian nginitian ko ito at kumaway sakanya hindi ko pinansin ang sinabi ni Frigus.

Kulang lang yan sa pansin si Frigus eh.

Tumayo siya at umalis nang napansin niya na hindi ako nakikinig sa kanya. Patapos na siyang gamutin ang mga sugat ko hindi pa tinuloy.

Pumanik na siya ng nakabusangot.

Nag seselos ba siya? Ha, asa ka Kaira may gusto ba sayo si Frigus?

Ginamot ko nalang ang sarili ko.

Problema non.

.......

Lumipas ang araw, linggo, at buwan. Andami na naming na accomplish na misyon pero kada pag uwi sugatan ako lagi hindi ko alam sa mga Demons na yon ako lagi ang pinupuntirya at kung ano ano ang sinasabi nila.

Feeling ko may pamilya na ulit ako dahil kila Revery. Naging masaya kaming lahat sa mga lumipas na buwan at yung mga ngiti nila sa picture na nakita kong tinititigan ni Frigus noon ay bumalik na.

Itinigil na din muna namin ang pag iimbistiga sa bario kung saan nandon si Jein, ang isa sa kasamahan nila noon dahil delikado. Halos may time na lahat kami nasa isang misyon pero kadalasan pa rin nihahati kami bilang team.

Halos di na kami kumukuha nang isahang tao sa misyon ayaw nila dahil delikado daw maganda daw may kasama.

Lumipas ang taon feeling ko buo na ulit ako.

Madaldal pa rin si Reverie mas lalong naging maboka.

Si Amity seryoso pa rin pero maayos kami halos nagiging sweet siya kapag kami lang ang magkasama. Madalas nakikipag kwentuhan siya sakin.

Si Immix hindi na galit sakin ngayon pero inborn na talaga na pranka at maldita siya at harsh pa rin siya sa lahat.

Si Caligo sobrang dami palang babae halos may nag message pa nga sakin dahil akala Jowa ako ni Caligo. Mahilig siya sa social media. Makulit siya na maharot ganon. Halos buong buhay namin dito sa HQ alam na ng mga friends niya sa social account niya. Dahil bawat ganap ay may litrato siya at selfies kasama kami.

Si Niteõ halos buntot ni Immix lagi, lagi din sila nag aaway buong araw, kawawa lagi ang mabait na si Niteõ nainlove sa maldita. Madalas namin kami mag kasagutan ni Frigus, ako lang lumalaban sakanya dito.

Si Vadon ayon halos puro training ang inaatupag. Lumaki na muscle niya infairness. Seryoso din siya kagaya ni Pridian pero mapang asar siya minsan.

Si Pridian ayon formal pa rin and always organize. May mga time na nakikita ko silang mag kausap ni Amity. I'm not jealous ah pero masakit slight.

Si Galad ayon walang ginawa kung hindi mang asar sa lahat at mangulit, at Chumika best buddy nga sila ni Reverie eh.

Si Lord Frigus ayon nasa office lagi at madaming inaasikaso. Masungit pa rin, pa iba iba nang mood, pero may time na mabait siya, pag tulog.

Nananatili pa rin sa pinakamataas na rank si Frigus, Superior (Rank 1) pa din siya.

Si Pridian, Amity, Vadon at ang iba ay nasa Rank 2 na Eminent dahil sa puro sucessful na misyon na nagawa namin.

Ang dami ko nang napatay na Demons tuwing misyon at hayok na hayok akong pumatay lagi.

Malaki na rin ang pinag improve ko dahil sa pamatay na training ni Idol Frigus.

Taon na ang lumipas ang saya saya namin may mga time na puro trabaho, puro misyon, pero nakukumpleto pa rin kami dito sa HQ. Naging masaya ako dahil doon. Iba yung feeling parang diko kaya kung may isa sakanila ang mawala. Na attach sakanila kaya pag nasa misyon kami ay nag aalala ako para sa kaligtasan nila.

Akala ko okay na ang lahat na maayos na pero unti unti nararamdaman ko may problema, kakaibang feeling na diko malaman kakaibang pakiramdam na hindi normal.

Alam ko din na may nililihim sila, natatakot ako na malaman ang totoo kaya hindi ko na ito inungkat pa.

"No, we're not going, your not going!!!" Napadikit agad ang tenga ko sa pintuan nang office nang mapadaan ako don. Boses ni Frigus yon ah.

Highblood?

Sino kaya sinasabihan niya si Immix? kasi si Immix ang lagi niyang pinapagalitan dahil sa tigas ng ulo nito.

"Oy ano--" Tinakpan ko agad ang binganga ni Caligo.

"Shhh" Pag papatahimik ko kay Caligo.

"Ano ba kasi yang pinapakingan mo diyan, ano chismosa lang?" Sabi niya. Sinenyasan ko siya na tumahimik.

I'm not chismosa.

DEMON HUNTERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon