CHAPTER 3
Parang nabato si Xpencer sa kinatatayuan nito at napapaisip kung bakit napakabait nito sa kanya.
"Salamat hijo" ani ni Mr. Lu . Napatango nalang si Xpencer at matanaw ang papalayong sasakyan nito.
XXXXXXXXXX
"Next applicant, Laurence Legaspi!!" Tawag ng HR Secretary. Napabalikwas naman ng tayo si Laurence at halos kabado itong naglalakad papasok ng opisina, huminga muna ito ng malalim bago tuluyang pumasok.
Halos manginig ang tuhod ni Laurence sa sobrang kaba at pilit pinakakalma ang sarili. Nagulat naman si william ng makilala ang papasok na kasunod na applicant.
Sinenyasan niya na itong maupo at umupo naman ito. Medyo pamilyar para kay laurence ang lalaking nasa harap niya, pero hindi niya matandaan kung saan niya ito nakita.
"Good morning sir!!" ngiting kabadong sabi ni laurence.
Medyo nanginginig ang kamay nito , iaabot nito ang resume kay william. Matapos kunin ang papel ay tinitigan naman siya ni william, ngiting ngiti naman siyang tiningnan ni laurence.
Matapos ay nagsulat na ito sa papel, nagtataka naman si Laurence ng hindi siya tanungin nito, Maya maya pa ay inangat na ni william ang papel at iharap ito kay laurence. Napahinto ng ilang sigundo si Laurence ng nakaturo sa sarili. Utal utal na sumagot ito sa tanong na nakasulat sa papel 'Tell me about your self"
Matapos sumagot ay nagsulat muli si william at nagtaka naman si Laurence sa sunod na naging tanong nito. ' Tell me about your Close friend?" Na kina laglag panga ni Laurence at inisip kung anong connect ng tanong niya sa ina applayang trabaho. Tiningnan naman niya ito na parang nagsasabing ' seryoso ka?' napakurap ito at umayos ng pagtayo ng mapagtanto na seryoso ito sa tanong niya.
Halos pagod na si Xpencer ng mapasandal ito sa pader malapit na pinapasukang trabaho. "Pare ayus kalang?" Tanong ng kasama nito sa trabaho, naupo din ito katabi ni Xpencer habang umiinom ng softdrinks.
"Ayus lang pare!!" Sagot ni Xpencer, para mapatango naman ang kasama nito. "Bakit parang problemado ka?"
"Hindi naman pare, may iniisip lang" sagot ni Xpencer.
"Sige pare? Alis na ako" Ani ng kasama nito, napatango nalang si Xpencer bago umalis yung lalaki.
Iniisip ni Xpencer kung saan siya kukuha ng pera para pambili ng gamot para sa kanyang lola, halos kulang parin ang kinikita nito para sa kanila.
Sa hindi kalayuan ay natanaw nito ang kaibigan niya na tila bagsak ang dalawang balikat.
Napatayo ito at naglakad para salubungin ang kaibigan.
"Anong nangyari bro!!?" Nagtatakang tanong ni Xpencer ng mapansin na hingal at pagod ang kaibigan. Napatingin naman sa kanya si laurence na parang pinagsakluban ng langit at lupa ang muka, nagtaka naman si Xpencer sa inaasta ng kaibigan.
"Kamusta natangap kaba?"
" oo bro!! " sagot ni laurence.
"oh!! jusko natangap ka naman pala ehh bakit parang pasan mo ang daigdig sa itsura mo?" Biro ni Xpencer.
Napaayos ng tayo si Laurence at humarap sa nagtatakang kaibigan
"Pano bro!!! Hindi ko alam kung nakapasok ba ako dahil sa talino ko o dahil sayo?" Ani Laurence para maningkit ang mata nito at magtaka sa sinasabi ng kaibigan.
"Anong Connect ko sa inaplayan mo?" Nagtatakang tanong ni Xpencer
Flashback
Matapos ay nagsulat na ito sa papel, nagtaka naman si Laurence ng hindi siya tanungin nito, Maya maya pa ay inangat na ni william ang papel at iharap ito kay laurence. Napahinto ng ilang sigundo si Laurence ng nakaturo sa sarili. Utal utal na sumagot ito sa tanong na nakasulat sa papel 'Tell me about your self
YOU ARE READING
Twenty four Seven
RomanceFalling inlove is not easy Specially pag nalaman mong inlove ka sa pala sa ka samesex mo 'Ma fa- fall na nga lang sa kapwa lalaki ko pa'